Ano ang echocardiogram? Gumagamit ang echocardiogram ng mga sound wave upang makalikha ng mga live na larawan ng puso. Ito ay nakakatulong sa doktor na pag-aralan at makita ang puso at paggalaw ng mga muscles at valve nito. Ang mga larawan ay nagbibigay impormasyon sa:
- Likido sa sac sa paligid ng puso
- Problema sa pagtibok ng puso
- Namuong dugo sa loob o chambers ng puso
- Problema sa aorta
- Problema sa galaw ng heart valves
Hindi masakit kung sasailalim nito at ang susi upang malaman ang kalagayan ng muscle ng puso. Makakatulong rin ito na ipakita kung may problema sa puso ang isang sanggol na hindi pa isinisilang.
Mga uri ng echocardiogram
Mayroong iba’t ibang uri ng echocardiogram, tulad ng:
Transthoracic Echocardiography
Ito ay karaniwang uri ng echocardiogram kung saan ang mga healthcare practitioner ay naglalagay ng transducer sa iyong dibdib. Ang transducer ay naghahatid ng sound waves sa puso sa pamamagitan ng dibdib. Ang monitor na nakakabit sa transducer ay naglalabas ng mga live na larawan sa pagbalik ng soundwave sa transducer.
Transesophageal Echocardiogram
Maaaring imungkahi ng doktor ang transesophageal echocardiogram kung ang transthoracic echocardiogram ay hindi naglalabas ng malinaw na larawan o kinakailangan ng mas malinaw na larawan ng likod ng puso.
Sa pagsusuring ito, ang doktor ay magpapasok ng transducer sa iyong lalamunan mula sa bibig. Gagamit ang doktor ng lokal na anesthesia sa iyong lalamunan upang madaling maisagawa ang pamamaraan at maaalis ang gag reflex.
Padadaanin ng doktor ang transducer sa esophagus upang makita ang likod na bahagi ng puso. Mula sa transducer na konektado sa monitor, mas madaling makita ng doktor ang likod ng puso at malalaman kung mayroong anumang problema.
Fetal Echocardiogram
Ginagamit ang fetal echocardiography sa mga buntis sa kanilang ika-18 hanggang ika-22 linggong pagbubuntis.
Sa pagsusuring ito, ang healthcare practitioner ay naglalagay ng transducer sa tiyan upang suriin kung mayroong problema sa puso ang fetus. Ang fetal echocardiogram ay ligtas sa mga sanggol na hindi pa pinapanganak dahil sa hindi ito gumagamit ng anumang radiation, hindi tulad sa x-ray.
Three-Dimensional (3D) Echocardiography
Ang 3D echocardiogram ay gumagamit ng transthoracic o ng transesophageal echocardiography upang makalikha ng 3D na larawan ng puso. Ito ay kinabibilangan ng maraming larawan mula sa iba’t ibang anggulo. Ang 3D echocardogram ay ginagamit bago ang operasyon sa valve ng puso. Ginagamit din ito upang masuri ang problema sa puso ng bata.
Stress Echocardiography
Ang pagsusuring ito ay isinasagawa bago at matapos sa gamutan upang mapabilis ang tibok ng puso o sa pag-eehersisyo. Ito ay nakakatulong sa doktor na pag-aralan at unawain ang galaw ng puso tuwing nas-stress.
Bakit isinasagawa ang Echocardiogram?
Magmumungkahi ang doktor ng echocardiogram upang tingnan ang bahagi ng puso at kung maayos ang paggalaw nito. Ang pagsusuri na ito ay makakatulong sa doktor malaman ang:
- Pamumuo ng dugo sa chamber ng puso
- Congenital na sakit sa puso
- Sira mula sa atake sa puso
- Ang sukat, kapal, at galaw ng paligid ng puso
- Heart failure
- Kung ang dugo ay dumadaloy ng maayos patungo sa valve ng puso (regurgitation)
- Kung maayos na nagpa-function ang puso
- Endocarditis- infection sa valve ng puso
- Kung ang valve ng puso ay masyadong makitid (stenosis)
- Problema sa labas na bahagi ng puso (the pericardium)
- Abnormal na butas sa chamber ng puso
- Sukat at hugis ng puso
- Lakas ng pagtibok ng puso
- Problema sa malaking ugat na pumapasok at lumalabas sa puso
- Tumor o lumalaking impeksyon sa paligid ng valve ng puso
Prerequisites
Ano ang ECG? Sa test na ito, hindi kinakailangan ng anumang espesyal na paghahanda. Gayunpaman, maaaring ipatigil ng doktor ang ilang resetado o on-the-counter OTC na gamot.
Ipaalam din sa doktor kung may pacemaker.
Ang doktor ay maaaring magbigay ng partikular na mga tagubilin kung ikaw ay may iba pang kondisyon sa kalusugan.
Pag-unawa sa Resulta
Maaaring ipakita ng echocardiogram ang:
- Problema sa Puso: Maaaring matuklasan ng echocardiogram ang problema sa mga chamber ng puso, abnormal na koneksyon sa pagitan ng puso at malalaking ugat at komplikadong problema sa puso na mayroon na sa pagkasilang.
- Sira sa muscle ng puso: Ang test na ito ay makatutulong sa doktor na malaman kung ang lahat ng paligid ng puso ay maayos na gumagalaw. Titingnan ng doktor ang pader ng puso na nasira sa atake sa puso o makakatanggap ng kulang na oxygen.
- Pagbabago sa hugis ng puso: Ang chamber ng puso ay maaaring lumaki o ang paligid ng puso ay maaaring kumapal dulot ng mataas na presyon ng dugo, mahina o mag sirang valve, o ibang karamdaman.
- Valve issues and problems: Makakatulong ang echocardiogram upang maunawaan kung ang valve ng puso ay sapat na bukas upang makatulong sa normal na daloy ng dugo at maayos na sarado upang maiwasan ang pagtagas ng dugo
- Pumping strength: Ang sukat ay nakukuha mula sa test kabilang ang porsyento ng dugo na napipiga palabas ng ventricle sa bawat tibok ng puso at volume ng pagpiga sa loob ng isang minuto. Kung ang puso ay hindi pumipiga ng sapat na dugo sa pangangailangan ng katawan maaari itong sintomas ng heart failure.
Maaaring ipaulit ng doktor ang echocardiogram upang masuri ang estado ng puso matapos ang paggagamot. Ito ay makakatulong upang malaman ng doktor kung ano ang susunod na plano sa paggagamot.
Echocardiogram: Ano ang dapat Asahan
- Bago isagawa ang echocardiogram, ipapaliwanag ng doktor ang pamamaraan kasabay ng mga posibleng komplikasyon at side effects nito.
- Kapag nasa laboratory o diagnostic room, pagpapalitin ng doktor ang pasyente ng pang-itaas na damit ng hospital gown.
- Ang cardiac sonographer o doktor ay maglalagay sa dibdib ng tatlong maliliit na flat na malagkit na patch na tinatawag na electrodes.
- Ang mga electrodes na ito ay konektado sa electrocardiogram (EKG) na magtatala ng electrical energy ng puso.
- Pahihigain ng doktor ang pasyente sa examination table.
- Ilalagay ng sonographer ang transducer sa ilang bahagi ng dibdib
- Gagamit ng espesyal na gel ang doktor na makakatulong sa transducer na malinaw na makuha ang mga larawan at upang madaling magalaw ang transducer sa balat.
- Maaaring ipaiba ng sonographer ang posisyon sa pagkakahiga upang makuha pa ang ibang anggulo ng puso.
- Ipapipigil ng sonographer ang paghinga ng pasyente sa ilang pagkakataon.
Ang test na ginagawa ay hindi magsasanhi ng anumang malaking kawalang ginhawa. Maaaring makaramdam ng lamig sa balat dahil sa gel sa transducer at kaunting presyon sa dibdib dulot din ng transducer.
Maaaring tumagal ang echocardiogram ng 40 minuto. Matapos ang test, maaari ng magbihis at pauwiin. Ang sonographer ay maaaring magtakda ng appointment sa pagbabasa ng resulta.
Matuto pa tungkol sa Sakit sa Puso dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.