Ang pagkakaroon ng right atrial enlargement (RAE) ay hindi palaging nagdudulot ng mga sintomas, ngunit ito ay lubhang may kaugnayan sa iba pang mga kondisyon. Anu-anong mga problema sa kalusugan ang may kaugnayan sa paglaki ng right atrium? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Right Atrial Enlargement?
Upang maunawaan kung ano ang RAE, kailangan munang malaman ang pangunahing anatomy ng puso.
May apat na bahagi ang puso: kanang atrium, kanang ventricle, kaliwang atrium, at kaliwang ventricle.
Tumatanggap ang kanang atrium ng dugong kulang sa oxygen mula sa katawan at ipina-pump ito papunta sa kanang ventricle. Ang kanang ventricle naman ang nagpa-pump ng dugo papunta sa mga baga upang kolektahin ang oxygen. Ang kaliwang atrium ay tumatanggap ng dugong mayaman sa oxygen mula sa mga baga. Matapos ito sa ipa-pump papunta sa kaliwang ventricle, at saka ito ipa-pump patungo sa iba pang bahagi ng katawan.
Ngayon, ang right atrial enlargement ay indikasyon na ang kanang atrium ay mas malaki kaysa sa normal. Nakikita ito sa pamamagitan ng radiographs o cardioangiography tests. Gayunpaman, ang RAE ay maaaring bahagyang mahirap obserbahan dahil ang posisyon nito ay naka-overlap sa kanang ventricle. Sa maraming mga kaso, ang mga taong may RAE ay mayroon ding right ventricular enlargement.
Maaari ding maghinala ang cardiologists ng paglaki ng right atrium sa pamamagitan ng mga resulta ng electrocardiogram (ECG).
Ang RAE ay isang uri ng cardiomegaly (malaking puso). Ito ay hindi isang sakit, ngunit ito ay kadalasang isang senyales ng isa pang problema.
Mga Kondisyong May Kaugnayan Sa Paglaki Ng Right Atrium
Ang mga sumusunod na kondisyon ay may ng isang matibay na kaugnayan sa paglaki ng right atrium:
Ebstein’s Anomaly ng Tricuspid Valve
Matatagpuan ang tricuspid valve sa pagitan ng kanang atrium at kanang ventricle. Kapag ang kanang atrium ay nag-pump ng dugo papunta sa kanang ventricle, ang tricuspid valve ay nagsasara. Sa ganitong paraan ay matitiyak na ang dugo ay hindi na muling aakyat sa kanang atrium.
Kung may Ebstein Anomaly, kahit ang tricuspid valve ay hindi ganap na nagsasara, ito ay magreresulta sa baliktad na pagdaloy ng dugo. Dahil sa karagdagang volume ng dugo, maaaring magkaroon ng paglaki ng right atrium at ng mga komplikasyon, tulad ng heart failure.
Right Ventricular Hypertrophy
Sa maraming kaso, ang mga pasyenteng may right ventricular hypertrophy (paglaki ng kanang ventricle) ay nakararanas din ng paglaki ng right atrium.
Ayon sa ilang mga ulat, ang right ventricular hypertrophy na nararanasan ng mga pasyenteng may pulmonary disease ay maaaring indikasyon ng cor pulmonale o right-sided heart failure.