backup og meta

Bakit Bumabagsak Ang Bp Kapag Tumatayo? Alamin Dito

Bakit Bumabagsak Ang Bp Kapag Tumatayo? Alamin Dito

Naranasan mo na ba na kapag tumayo ka ay bigla kang nahihilo o nadidisorient? Ang phenomenon na ito ay orthostatic hypotension, ang biglaang pagbaba ng iyong blood pressure o BP kapag bigla kang tumayo. Ano nga ba ang dahilan kung bakit bumabagsak ang BP kapag tumatayo? 

Ano ang orthostatic hypotension?

Ang orthostatic hypotension ay ang biglaang pagbaba ng presyon ng dugo ng isang tao sa loob ng tatlong minuto pagkatapos tumayo. Kapag nangyari ito, ang maaaring gawin ay maupo o humiga. 

Nangyayari ito dahil kapag ang isang tao ay tumayo, hinihila ng gravity ang dugo pababa sa mga paa’t kamay. Ang nangyayari ay mayroong pansamantalang pagbawas sa dami ng dugo sa itaas na bahagi ng katawan na nagiging sanhi ng pagbagsak ng BP.

Karaniwan, hindi ito nakakayanan ng katawan, at kinokontra ang pwersa ng gravity. Pero sa ilang mga tao, hindi agad nagre-respond ang katawan. Kaya nararanasan nila ang mga sintomas kaugnay sa pagbagsak ng BP. 

Ano ang mga sintomas ng biglaang pagbaba ng BP?

Bakit bumabagsak ang BP kapag tumatayo?

Ang pinakakaraniwang sintomas ng orthostatic hypotension ay pagkahilo o lightheadedness. Nangyayari ang mga sintomas na ito dahil may pagbabawas sa daloy ng dugo sa utak.

Maaaring makaranas rin ang mga tao ng mas matinding sintomas.

Narito ang ilan pang mga sintomas na maaaring maranasan:

  • Panlalabo ng paningin
  • Panghihina
  • Pagkalito
  • Naduduwal
  • Pagkahimatay
  • Fatigue
  • Pananakit ng muscles
  • Lower back pain

Karaniwang tumatagal ng ilang minuto ang mga sintomas na ito, at paglipas ay nawawala ng kusa.

Gayunpaman, ang mga sintomas kaugnay ng kondisyong ito ay maaaring lumala o tumagal kung minsan. Ito ay kapag mas matagal na nakatayo ang isang tao. Maaaring palalain pa ito ng physical exertion, pagkain nang marami, at mainit na temperatura. 

Bakit bumabagsak ang BP kapag tumatayo? Ano ang sanhi nito?

Ilang mga bagay ang pwedeng maging sanhi nito. Una, kapag hindi sapat ang fluids sa katawan, maaaring mag-trigger ito ng orthostatic hypotension. 

May ilang mga sanhi nito. Ito ay ang  ilang mga kondisyon sa puso, tulad ng mababang heart rate, heart valve problems. O kapag ang isang tao ay nakaranas ng heart attack o heart failure ay maaari ding maging dahilan kung bakit bumabagsak ang BP kapag tumatayo.

Isa pang posibleng dahilan ay ang pagkain nang marami. Gayunpaman, ito ay mas karaniwan sa mga matatanda, na nagkataon, ay mas madaling kapitan ng orthostatic hypotension.

Ang mga problema sa endocrine tulad ng low blood sugar, at Addison’s disease ay responsable din kung bakit bumabagsak ang BP kapag tumatayo. Ang nangyayari ay kung minsan, ang mga kondisyong ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga nerves na responsable sa pag-regulate ng blood pressure.

Kapag buntis at expose sa mataas na temperatura, maaaring magpataas din ng panganib ng isang tao para sa orthostatic hypotension.    

Dapat ka bang mag-alala tungkol dito?

Kung bihira kang makaranas ng pagbaba ng presyon ng dugo kapag nakatayo, walang dapat ikabahala. Normal itong pangyayari, at paminsan-minsan ay nangyayari sa karamihan.

Gayunpaman, kung madalas mo itong maranasan, o kung ang sintomas ay mas matagal ng higit sa ilang minuto, mainam na komunsulta sa iyong doktor.

Posibleng humantong ang orthostatic hypotension sa stroke, una dahil sa biglaang kakulangan ng daloy ng dugo sa utak. Ang isa pang komplikasyon ay ang pananakit ng dibdib, chest pain, problema sa heart rhythm, gayundin ang ilang cardiovascular illnesses. Ang huli, kung bakit bumabagsak ang BP kapag nakatayo ay maaaring maging problema, dahil maaari itong humantong sa pagkahulog. 

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang bantayan ang mga sintomas at huwag ipagwalang-bahala na normal na pangyayari. Kung sa tingin mo ay may mali, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor tungkol dito.

Ano ang maaari mong gawin dito?

Ang unang bagay ay komunsulta sa iyong doktor. Karaniwan, gagawin ang serye ng tests para malaman ang anumang posibleng dahilan ng orthostatic hypotension. Kasama sa test ang pag-monitor ng blood pressure, ECG test, blood tests, stress tests, at ang tilt-table test.

Makakatulong ang tilt-table test sa iyong doktor na makita kung paano tumutugon ang iyong katawan sa mga pagbabago sa iyong posisyon. Sa oras ng test na ito, kukunin din ang blood pressure mo.

Kapag natukoy na ang diagnosis, bibigyan ka ng iyong doktor ng payo kung ano ang maaari mong gawin tungkol sa iyong kondisyon.

Narito ang ilang paraan upang makatulong kung ano ang gagawin sa biglaang pagbagsak ng BP kapag nakatayo:

  • Maaaring mag-suggest ang doktor mo ng ilang lifestyle changes. Kasama dito ang pag-eehersisyo, pagkain ng mas malusog na mga pagkain. Makakatulong ang mga ito na ma-regulate ang blood pressure mo. Maiiwasan din ang pagbaba ng BP kapag tumatayo.
  • Ang pagsusuot ng compression stockings ay maaaring makatulong na maiwasan na maipon ang dugo sa iyong mga binti, at mapababa ang posibilidad ng orthostatic hypotension.
  • Maaaring magreseta din ang iyong doktor ng ilang uri ng gamot. Makakatulong ang mga ito na mapataas ang iyong blood pressure. Kaya mahalagang manatiling malusog at sundin ang payo ng doktor kung paano inumin ang iyong gamot upang maiwasan ang anumang side-effects.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Orthostatic hypotension (postural hypotension) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/orthostatic-hypotension/symptoms-causes/syc-20352548#:~:text=When%20you%20stand%20up%2C%20gravity,sense%20this%20lower%20blood%20pressure., Accessed October 7, 2020

Evaluation and Management of Orthostatic Hypotension – American Family Physician, https://www.aafp.org/afp/2011/0901/p527.html#:~:text=Orthostatic%20hypotension%20is%20defined%20as,the%20sitting%20or%20supine%20position., Accessed October 7, 2020

Orthostatic Hypotension: Causes, Symptoms & Treatments, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9385-orthostatic-hypotension, Accessed October 7, 2020

Orthostatic hypotension: MedlinePlus Genetics, https://medlineplus.gov/genetics/condition/orthostatic-hypotension/, Accessed October 7, 2020

Preventing and treating orthostatic hypotension: As easy as A, B, C, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2888469/, Accessed October 7, 2020

Kasalukuyang Version

03/10/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Varicose Veins?

Ano Ang Buerger’s Disease? Bakit Ito Mapanganib Sa Mga Naninigarilyo?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement