backup og meta

Mga Mahahalagang Impormasyon Tungkol Sa Congestive Heart Failure

Mga Mahahalagang Impormasyon Tungkol Sa Congestive Heart Failure

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng puso sa katawan ng tao. Ito ang pangunahing muscle na responsable sa pag-pump ng dugo sa buong circulatory system. Ginagampanan ng circulatory system ang pagdadala ng dugong mayaman sa oxygen sa iba’t ibang organs ng katawan, na nangangailangan ng oxygen upang maayos na gumana.

Ang heart failure ay tinatawag ding congestive heart failure. Nangyayari ito kung ang puso ay hindi makapag-pump ng dugo sa lahat ng bahagi ng katawan. Maaari itong maging sanhi ng mga komplikasyon tulad ng pagdaloy pabalik ng dugo at fluid sa baga, edema (o pananatili ng fluid sa hita at iba pang mga bahagi ng katawan), o kakapusan ng paghinga. Alamin sa artikulong ito ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa Congestive Heart Failure.

Upang mas maunawaan pa ang kondisyong ito, mahalagang malaman kung paano nagpa-pump ng dugo ang puso sa buong katawan.

May apat na bahagi ang puso: dalawang bahagi sa kana at dalawang bahagi sa kaliwa. Ang dalawang bahagi na kabilang sa itaas na parte ng puso ay tinatawag na atria (atrium kung isa lamang ang tinutukoy) habang ang mga bahaging matatagpuan sa ibabang parte ay tinatawag na ventricles.

congestive heart failure

Ang dugong kulang sa oxygen mula sa mga ugat ay tinatanggap ng kanang bahagi ng puso. Pagkatapos ay ipina-pump ng puso ang dugong ito papunta sa baga kung saan kumukuha ito ng oxygen at inaalis ang carbon dioxide na naipon mula sa ibang mga bahagi ng katawan.

Mula sa mga baga, ang bagong oxygenated na dugo ay babalik sa puso, sa pagkakataong ito ay papasok sa kaliwang bahagi. Mula rito, ang puso ay magpa-pump ng dugong mayaman sa oxygen na daraan sa arteries kung saan ito naglalakbay patungo sa iba pang organs ng katawan na nangangailangan nito.

Nangyayari ang congestive heart failure kung hindi napa-pump ng puso ang lahat ng dugong kailangang i-pump sa buong katawan.

Mga Sintomas Ng Congestive Heart Failure

Ang heart failure ay maaaring nagpapatuloy na kondisyon o biglang nagsimula.

Sa mga unang yugto ng heart failure, maaaring subukan ng katawan na sabayan ang pangangailangan nito sa oxygenated na dugo sa pamamagitan ng:

  • Stretching upang palakasin ang contractions ng puso para matugunan ang pangangailangan sa dugo ng katawan. Sa paglipas ng panahon, maaari itong magresulta sa paglaki ng puso na maaaring maging sanhi ng maraming komplikasyon sa kalusugan tulad ng heart murmur. Sa ilang mga kaso, ang paglaki ng puso ay maaaring maging sanhi ng cardiac arrest.
  • Inisyal na pamumuo ng maraming muscle mass.
  • Mas mabilis na pag-pump ng puso.

Maaaring makatulong ang mga hakbang na ito sa simula, ngunit sa paglipas ng panahon, ang isang tao ay magsisimulang makaranas ng mga sintomas ng congestive heart disease.

Ito ay dahil ang puso ay hindi na makapagbigay ng sapat na oxygenated na dugo na kinakailangan ng katawan.

congestive heart failure

Ang mga pangunahing sintomas ng heart failure ay ang mga sumusunod:

Kakapusan Ng Hininga o Dyspnea

Ang isang taong may congestive heart failure ay maaaring makaranas ng problema sa paghinga o paninikip ng dibdib, kapag nakahiga nang lapat ang likod. Ito ay sanhi ng pagtagas ng fluid sa baga dahil ang mahinang kalagayan ng puso ay nagiging sanhi ng pagdaloy ng dugo pabalik sa mga ugat.

Hindi Nawawalang Ubo o Paghingal

Ang mga taong may congestive heart failure ay nakararanas din malubhang ubo na may kulay puti o pink na mucus. Ito ay sanhi rin ng pagtagas ng fluid sa baga.

Edema o pamumuo ng sobrang fluid sa tissues ng katawan

Dahil ang puso ay hindi nakapagbibigay ng dugo sa lahat ng bahagi ng katawan, ang dugong kulang sa oxygen ay bumabalik sa mga ugat na nagdudulot ng pamamaga, sanhi ng naipon na fluid sa tissues ng katawan. Nagkakaroon din ng problema sa paggana ng kidney sa pagpapalabas nito ng tubig at sodium sa katawan, na nagiging sanhi ng pagpapanatili ng tubig.

Pagkapagod

Ang congestive heart failure ay nagdudulot ng pagkapagod dahil ang pangangailangan ng katawan para sa dugo at oxygen ay hindi natutugunan. Nangangahulugan itong ang hindi gaanong mahahalagang organs tulad ng muscles ay hindi nakakukuha ng mas maraming oxygen di tulad ng iba pang organs.

Pagduduwal o Kawalan Ng Ganang Kumain

Ang kaunting dugong dumadaloy sa digestive organs ay makasira ng normal na paggana ng panunaw. Ang taong may congestive heart failure ay maaaring makaranas ng mga hindi regular na gana sa pagkain o pagduduwal.

Pagtaas Ng Heart Rate

Susubukan ng katawan na bawiin ang kulang na oxygen sa pamamagitan ng mabilis na pag-pump ng puso ng dugo. Kung nakararanas ng heart failure, maaaring mapansing mas mabilis ang tibok ng puso kaysa karaniwan.

Ang mga malulubhang kaso ng congestive heart failure ay maaaring humantong sa atake sa puso o cardiac arrest. Kung ikaw, o sinomang kakilala ay nakararanas ng alinman sa mga sintomas na ito, pinakamainam na humingi ng emergency na serbisyong medikal.

  • Pananakit ng dibdib
  • Panghihina
  • Hindi regular na pagtibok ng puso
  • Biglang kakapusan sa paghinga

May Tyansa Ba Akong Magkaroon Ng Congestive Heart Failure?

Kadalasan, ang isang taong may mga cardiovascular na sakit o kondisyon ay mas may tyansang magkaroon ng congestive heart failure.

Ang iba pang mga salik ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Coronary artery disease. Ang kondisyong ito ay maaaring maglagay sa isang tao sa mas mataas na tyansang magkaroon ng congestive heart failure. Ito ay dahil ang bara sa arteries ay maaaring magresulta sa mas kaunting dugong dadaloy papunta at mula sa puso.
  • Mataas na presyon ng dugo. Dahil sa mataas na presyon ng dugo, ang puso ay napupuwersang mas mag-effort nang higit pa sa karaniwan. Ito’y maaaring magresulta sa mga komplikasyon tulad ng heart failure.
  • Sleep apnea. Ang obstructive sleep apnea ay nagiging sanhi ng mababang lebel ng oxygen sa dugo, na maaaring makaapekto sa normal na paggana ng puso.
  • Pag-inom ng alak
  • Paninigarilyo
  • Obesity

[embed-health-tool-bmi]

Paano Maiiwasan ang Congestive Heart Failure?

Ang paraan ng pamumuhay ay karaniwang nakaaapekto sa maraming sakit sa cardiovascular tulad ng heart failure. Ang paggawa ng mga hakbang upang mamuhay nang mas malusog ay maaaring makabawas sa posibilidad na magkaroon ng congestive heart failure.

Narito ang iba pang mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang congestive heart failure:

  • Pagmonitor sa presyon ng dugo sa pamamagitan ng regular na konsultasyon o patuloy na pag-inom ng mga gamot.
  • Magsikap na magkaroon ng malusog na diet na mayaman sa mga prutas at gulay. Subukang iwasan ang mga pagkaing mataas sa cholesterol na maaaring makabara sa mga ugat.
  • Isama ang ehersisyo sa pang-araw-araw na gawain upang mapanatiling malakas ang puso.
  • Subukang itigil ang mga mapapanganib na bisyo. Kasama dito ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Key Takeaways

Maaaring magdulot ng malaking epekto sa isang tao ang heart failure. Nakaaapekto ito sa normal na paggana ng katawan, at maaaring humantong sa mga malulubhang komplikasyon.
Ang pag-aalaga sa puso sa pamamagitan ng mga tamang paraan ng pamumuhay ay maaaring lubos na makapagpapababa sa tyansa ng pagkakaroon ng congestive heart failure.
Kung nakararanas ng alinman sa mga sintomas ng heart failure, pinakamainam na kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon.

Matuto pa tungkol sa Heart Failure dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Failure, https://medlineplus.gov/heartfailure.html, Accessed September 18, 2020

Edema – Symptoms and Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/edema/symptoms-causes/syc-20366493, Accessed September 18, 2020

How the Heart Works, https://www.uofmhealth.org/health-library/tx4097abc, Accessed September 18, 2020

Enlarged Heart – Symptoms and Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/enlarged-heart/symptoms-causes/syc-20355436, Accessed September 18, 2020

Dyspnea, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK357/, Accessed September 18, 2020

Coronary Artery Disease, https://www.cdc.gov/heartdisease/coronary_ad.htm, Accessed September 18, 2020

Sleep Apnea, https://www.sleepfoundation.org/sleep-apnea, Accessed September 18, 2020

How to Prevent Heart Disease, https://medlineplus.gov/howtopreventheartdisease.html, Accessed September 18, 2020

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Kaugnay na Post

Senyales ng Heart Failure: Heto Ang mga Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement