backup og meta

Ano Ang Normal Na Pulso At Tibok Ng Puso?

Ano Ang Normal Na Pulso At Tibok Ng Puso?

Mahalagang maging maalam tungkol sa normal na pulso at tibok ng puso kung pag-uusapan ang kalusugan ng mga nakatatanda. Ito ay dahil ang pagkakaroon ng normal na tibok ng puso ay nangangahulugang ang puso ay nagpa-pump nang maayos at nang walang anumang problema. Ngunit ano ang dapat na normal na tibok ng puso ng isang tao? At ang pagkakaroon ba ng mataas o mababang tibok ng puso ay maaaring mangahulugan ng pagkakaroon ng mga problema?

Normal Na Pulso At Tibok Ng Puso Ng Mga Nakatatanda

Para sa malusog na mga nakatatanda, ang kanilang normal na pulso at tibok ng puso ay dapat na nasa pagitan ng 60 hanggang 100 na beats bawat minuto. Ito ay nasusukat kapag nagpapahinga ang isang tao, dahil ang mga tiyak na sitwasyon tulad ng pisikal na gawain ay maaaring makaapekto sa tibok ng puso.

Maaaring senyales ng isang malusog na puso ang pagkakaroon ng mas mababang pagtibok nito. Nangangahulugan itong ang puso ay gumagana nang mabuti upang mag-pump ng dugo sa buong katawan. Sa katunayan, ang mga propesyonal na atleta ay karaniwang may resting heart rate na humigit-kumulang 40 beats bawat minuto.

Sa kabilang banda, kung ang resting heart rate ay mas mataas sa 100 beats kada minuto, maaaring mangahulugan itong ang isang tao ay may tachycardia, o mabilis na tibok ng puso. Hindi ito dapat maging sanhi ng alalahanin sa ilang mga kaso. Gayunpaman, maaari din itong senyales ng problema sa puso.

normal na pulso

Mahalaga Rin Ang Pagkakaroon Ng Normal Na Tibok Ng Puso

Isa pang mahalagang aspeto ng kalusugan ng puso ng tao ay ang pagkakaroon ng normal na tibok ng puso. Ibig sabihin, ang malusog na puso ay dapat tumibok sa iisang bilis at magbabago lamang kung ang tibok ng puso ay tumataas o bumababa.

Kung paiba-iba o hindi regular ang tibok ng puso ng isang tao, maaaring siya ay may arrhythmia. Ang arrhythmia ay maaaring sanhi ng maraming mga bagay, tulad ng pagkakaroon ng depekto sa puso pagkasilang pa lamang. Sa ilang mga kaso, maaari ibig sabihin itong alinman sa itaas o ibabang bahagi ng puso ay may mga problema.

Ang pagkakaroon ng arrhythmia ay maaaring mangahulugang ang puso ay hindi maayos na nagpa-pump ng dugo sa buong katawan. Ito ay maaaring magresulta sa kakulangan ng dugong dumadaloy sa ilang organs, at maaari pa itong humantong sa cardiac arrest kung hindi gagamutin.

Kailan Dapat Mabahala?

Siyempre, ang pinakakapansin-pansing sintomas ng tachycardia o arrhythmia ay ang pagkakaroon ng napakabilis o hindi regular na tibok ng puso. Gayunpaman, mayroon ding iba pang mga sintomas na maaaring senyales ng pagkakaroon ng alinman sa mga kondisyong ito. Narito ang ilan sa mga sintomas na dapat bantayan:

Kakapusan Sa Paghinga

Kung nakararanas ng kakapusan sa paghinga, maaari itong senyales na ang puso ay hindi maayos na nakakapag-pump ng dugo sa buong katawan. Ito ay maaaring sintomas ng tachycardia o arrhythmia.

Maaaring itong maranasan dahil hindi napananatili ng puso ang normal na pulso at pagtibok nito. Kaya naman, hindi nakakapag-pump ng sapat na dugo upang masuplayan ang lahat ng organs. Ibig sabihin, ang mga ito ay kulang sa oxygen, at dito magsisimulang maranasan ng kakapusan sa paghinga.

Pananakit Ng Dibdib

Minsan ang pananakit ng dibdib ay maaaring senyales ng problema sa puso. Nangyayari ito dahil kulang din sa oxygen ang puso dahil maaaring masyadong mabilis o paiba-iba ang pagtibok nito.

Sa ilang mga kaso, ang matinding emosyon, tulad ng pagkabalisa, takot, o stress ay maaari ring magpwersa sa puso na magkaroon ng hindi normal na pulso at tibok ng puso at maging sanhi ng pananakit ng dibdib. Anoman ang nararamdaman, magandang ideya na komunsulta sa doktor tungkol dito upang malaman ang anomang posibleng mga problema.

Pagkahilo

Maaaring mangyari ang pagkahilo sa mga taong may tachycardia o arrhythmia. Tulad ng kakapusan sa paghinga, maaaring mangyari ang pagkahilo dahil ang puso ay hindi nakakapag-pump ng sapat na dugo sa buong katawan.

At gaya ng ibang organs, ang utak ay nangangailangan ng sariwang dugo na may upang gumana nang maayos. Kung walang sapat na sariwang dugo na pumapasok sa utak, ang isang tao ay maaaring makaranas ng pagkahilo.

Pagkapagod

Panghuli, ang pagkapagod ay isa pang sintomas na karaniwan sa parehong tachycardia at arrhythmia. Katulad ng mga naunang sintomas, may kinalaman din ito sa kakulangan ng dugong may oxygen na papunta sa organs ng katawan.

Maaari itong maging sangi upang makaramdam ng pagod ang isang tao kahit na mayroon siyang sapat na pahinga.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa normal na pulso at tibok ng puso ng mga nakatatanda (maging ang mga sintomas ng tachycardia at arrhythmia) ay mahalaga. Ito ay dahil ang mga kondisyong ito ay maaaring humantong sa mga mas malulubhang komplikasyon kung hindi gagamutin. Ang pakikinig sa kung ano ang nais sabihin ng katawan ay maaaring makapagligtas ng buhay.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart rate: What’s normal? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/expert-answers/heart-rate/faq-20057979#:~:text=A%20normal%20resting%20heart%20rate%20for%20adults%20ranges%20from%2060,to%2040%20beats%20per%20minute., Accessed November 30, 2020

Pulse & Heart Rate, https://my.clevelandclinic.org/health/diagnostics/17402-pulse–heart-rate, Accessed November 30, 2020

Heart arrhythmia – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/symptoms-causes/syc-20350668, Accessed November 30, 2020

4 reasons behind an irregular heartbeat| Geisinger, https://www.geisinger.org/health-and-wellness/wellness-articles/2018/02/09/16/06/4-reasons-behind-an-irregular-heartbeat, Accessed November 30, 2020

Heart Arrhythmia: Causes, symptoms, treatment, https://www.marshfieldclinic.org/specialties/heart-care/arrhythmia, Accessed November 30, 2020

Kasalukuyang Version

04/11/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Abnormal Na Pagtibok Ng Puso: Anu-Ano Ang Mga Uri Nito?

Paano Mapipigilan ang Palpitation o Mabilis na Tibok ng Puso?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement