backup og meta

Mabilis Tumibok Ang Puso Kapag Nakahiga: Ano Ang Maaaring Dahilan?

Mabilis Tumibok Ang Puso Kapag Nakahiga: Ano Ang Maaaring Dahilan?

Nakaranas ka na ba na mabilis tumibok ang puso habang nakahiga? 

Ang palpitations ng puso ay karaniwan, at maaaring maranasan ito ng bawat tao paminsan-minsan. Bagama’t ang mga sensasyong ito ay maaaring darating at mawawala, maaaring nakababahala na maramdaman ang pagtibok ng puso kapag nagpapahinga, lalo na kapag nakahiga sa gabi. Alamin natin kung bakit ito nangyayari at alamin kung paano pigilan ang palpitations ng puso sa gabi.

Ano ang palpitation ng puso? 

Karaniwan, hindi mo mapapansin na tumitibok ang iyong puso. Gayunpaman, may ilang mga pagkakataon kung saan ang iyong tibok ng puso ay biglang nagiging kapansin-pansin. Ang tawag dito ay heart palpitations.

Kung mabilis tumibok ang puso, ang pakiramdam o sensasyon sa iyong puso ay fluttering o skipping a beat. Kahit na ang ilang mga tao ay maaaring hindi ito pansinin, ang iba ay maaaring hindi mapalagay kapag nangyari ito sa kanila. 

Ang palpitations ng puso ay maaaring maramdaman sa dibdib, lalamunan, at leeg. Kadalasan, ang palpitations ay hindi isang dahilan para mag-alala.

Gayunpaman, ang paulit-ulit na palpitations ng puso na tumatagal ng higit sa ilang segundo ay maaaring isang senyales ng isang bagay na mas seryoso. Kaya nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Mga sintomas ng palpitation ng puso

Nagkakaroon ka ng palpitation ng puso kung: 

  • Pakiramdam mo ay tumataas ang iyong heart rate. 
  • Nakakaramdam ka ng kabog sa iyong dibdib at maging sa iyong dibdib at lalamunan.
  • Ang iyong puso ay lumalaktaw ang tibok.

Ano ang nagiging sanhi ng palpitations ng puso?

Maaaring mangyari ang mabilis tumibok ang puso sa sinuman anumang oras, at maaaring mangyari ito habang ikaw ay aktibo o nagpapahinga.

Narito ang mga kadahilanan na nag-trigger ng palpitations ng puso:

  • Mga stimulant gaya ng caffeine, nicotine, ilang partikular na gamot na naglalaman ng mga decongestant, pati na rin ang mga ipinagbabawal na gamot tulad ng amphetamine at cocaine
  • Ilang partikular na kondisyong medikal tulad ng overactive thyroid, mababang level ng blood sugar at blood pressure, anemia, diabetes, dehydration, at mga problema sa cardiovascular
  • Hormonal changes kung may menstruation,  pagbubuntis, o menopause
  • Emosyonal na tensyon, gaya ng stress, pagkabalisa, o panic attack 
  • Lubhang nakakapagod na mga pisikal na aktibidad
  • Fatigue o kawalan ng tulog
  • Malakas na pag-inom ng alak 
  • Lagnat

Ang palpitation ng puso ay nauugnay din sa heart arrhythmia o hindi regular na ritmo ng puso, na maaaring magresulta sa mga seryoso at nakamamatay na komplikasyon.

Bakit ako mabilis tumibok ang puso habang nakahiga?

Ang palpitations ng puso ay maaaring mangyari anumang oras, ngunit ito ay mas malamang na mangyari sa gabi o kapag nakahiga.

Malamang na mas malala ang mabilis na tibok ng puso sa gabi kapag natutulog ka sa iyong kaliwang bahagi.

Ang pagbaluktot ng katawan habang nakatagilid sa kaliwang bahagi ay mas may pressure sa mga organs sa bahaging ito, ang puso at chest wall. Nagiging sanhi ito ng sensation para mag-reverberate.

Ang hindi malaman na palpitations sa buong araw ay maaari ding maging isang kadahilanan na nag-aambag kung bakit mabilis ang tibok ng puso kapag nakahiga.

Maaaring maging mas kapansin-pansin ang palpitations ng puso kapag malapit ka nang matulog. Ito ay dahil nasa isang tahimik at mas nakakarelaks na kapaligiran ka.

Ang caffeine at sigarilyo bago matulog ay maaari ding maging sanhi ng palpitations ng puso bago ka matulog.

Kailan dapat magpatingin sa doktor

HIndi kailangang mag-alala ang mga malulusog na indibidwal tungkol sa paminsan-minsang palpitations. Pero, mahalagang tandaan ang dalas at tagal ng bawat palpitations. Kaagad tumawag sa emergency para sa tulong kung ang palpitations ay kasabay ng mga sumusunod:

  • Nanghihina o nawalan ng malay 
  • Matinding pananakit ng dibdib
  • Pagduduwal at pagkahilo
  • Kapos sa paghinga 
  • Pananakit sa itaas na bahagi ng katawan
  • Di-pangkaraniwang pagpapawis at panginginig

Ang mga sintomas na ito ay maaari ding magpose bilang maagang babala na mga senyales ng paparating na atake sa puso o anumang malubhang problema sa cardiovascular.

Kaya, kailangan ang mabilis na medical attention. 

Gayundin, ang palpitations ng puso ay nagsisilbing tanda ng mga seryosong uri ng heart arrhythmia, tulad ng:

  • Ventricular tachycardia. Mabilis na heart rhythm ( higit sa 100 beats bawat minuto) na nagsisimula sa ibabang bahagi ng puso (ventricles). 
  • Atrial fibrillation (AFib). Isang uri ng arrhythmia na maaaring magresulta sa mabilis at erratic na tibok ng puso na maaaring mula 100 hanggang 175 na beats bawat minuto.
  • Supraventricular tachycardia (SVT). Isang abnormal na mabilis na tibok ng puso na umaabot sa 100 hanggang 300 beats bawat minuto.

Paano ko mapipigilan ang palpitations ng puso sa gabi?

Walang partikular na treatment na maaaring gawin sa palpitations ng puso. Ang tanging oras na magbibigay ang mga doktor ng mga treatment ay kapag ang palpitations ay nauugnay sa anumang malubhang problema sa kalusugan tulad ng mga sakit sa cardiovascular. 

Upang mabawasan ang mga paglitaw ng palpitations ng puso, nakakatulong ito upang maiwasan ang mga posibleng pag-trigger. 

Narito ang maaari mong gawin:

  • Alisin ang stress. Gumawa ng mga aktibidad na makapagpapagaan ng iyong pagkabalisa at stress tulad ng mga meditations, yoga, tai chi, at aromatherapy.
  • Iwasan ang paninigarilyo o pagkonsumo ng mga stimulant. Hangga’t maaari, iwasan ang mga pagkain, inumin, o mga gamot na maaaring abnormal na magpapataas ng iyong tibok ng puso, gaya ng caffeine, alkohol, nikotina, at decongestant.

Kumunsulta sa iyong doktor para sa mga gamot kung ang mga pagbabago sa iyong lifestyle ay hindi pa rin nakakatulong na mawala ang iyong palpitations.

Key Takeaways

Kahit na ang palpitations ng puso ay isang paminsan-minsang sensasyon na puwedeng maramdaman ng halos sinuman, maaari pa rin itong magdulot ng pag-aalala at discomfort sa ilan. 
Tandaan na ang isang kapansin-pansing pagbabago sa heart rate ay maaaring isang indikasyon ng isang underlying health issue.
Kaya naman, kung mabilis tumibok ang puso kapag nakahiga o madalas kang nagkakaroon ng mahahabang yugto ng palpitations ng puso, ipinapayong makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Palpitations https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-palpitations/diagnosis-treatment/drc-20373201 Accessed October 12, 2020

Heart Palpitations: Mostly Harmless https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/heart-palpitations-mostly-harmless Accessed October 12, 2020

Why Does My Heart Race at Night? https://share.upmc.com/2019/07/why-does-my-heart-race/ Accessed October 12, 2020

When to Evaluate Heart Palpitations  https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/when-to-evaluate-heart-palpitations Accessed October 12, 2020

Should I See a Doctor? When to Worry About Heart Palpitations https://www.floridamedicalclinic.com/blog/heart-palpitations-cardiology-tampa/ Accessed October 12, 2020

Kasalukuyang Version

05/29/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Mapipigilan ang Palpitation o Mabilis na Tibok ng Puso?

Mabilis Na Tibok Ng Puso: Mapanganib Ba Ang Sinus Tachycardia?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement