backup og meta

Iba’t ibang mga Uri ng Cardiomyopathy: Alamin Dito

Iba’t ibang mga Uri ng Cardiomyopathy: Alamin Dito

Ang puso ay isa sa pinakamahalagang organ ng katawan. Bilang pangunahing organ ng circulatory system, responsable ang puso sa pag-pump ng dugo sa buong katawan. Mahalaga ang ginagampanan ng dugo sa pagdadala ng mga sustansya upang mapanatili ang paggana ng katawan. 

Ang muscular tissue ng puso ang tumutulong upang makapag-pump ito ng dugo. Ang mga sakit na nakaaapekto sa muscular tissue ng puso ay tinatawag na cardiomyopathy.

Ano ang nangyayari kapag may cardiomyopathy ang isang tao? Ano ang mga uri ng cardiomyopathy? Magbasa pa upang malaman.

Mga Uri ng Cardiomyopathy

Magkakaiba ang mga uri ng cardiomyopathy lalo na pagdating sa uri ng pinsalang nagdulot nito at lokasyon.

Bagaman karamihan sa mga eksperto ay hindi sigurado sa eksaktong sanhi ng cardiomyopathy, maraming nagsasabing maaaring dulot ito ng genetics, o maging ng matinding stress. Maaari ding resulta ito ng isa pang kaugnay na sakit.

May ilang mga tiyak na pag-aaral din kung paanong naaapektuhan nang lubos ng cardiomyopathy ang mga lalaki.

Narito ang mga uri ng cardiomyopathy:

Dilated Cardiomyopathy (DCM)

Ang dilated cardiomyopathy o DCM ay ang pinakalaganap na uri ng cardiomyopathy. Nagsisimula ito madalas sa left ventricle, na bahagi ng pusong responsable sa pag-pump ng dugo sa buong katawan. 

Lumiliit ang cardiac muscle sa left ventricle, kaya’t mas nagiging malaki ang heart chamber.

Kalaunan, ang cardiac muscle sa left ventricle at maging ang atria ay magsisimula na ring lumaki. Nakapagpapahina ng puso ang dahan-dahang pagnipis ng mga cardiac muscle.

Hypertrophic Cardiomyopathy

Hypertrophic cardiomyopathy (HCM) ang nagdudulot ng myocardium, o ang pagkapal at paglaki ng kalamnan ng puso. 

Ito ang kadalasang nakaaapekto sa septum (ang pader na naghihiwalay sa dalawang ibabang chamber ng puso), ang mga ventricle, at ang mga lower chamber ng puso.

May dalawang uri ng HCM, ito ang:

  • Obstructive Hypertrophic Cardiomyopathy: Ang kumapal na kalamnan ng puso ay maaaring mauwi sa hirap sa pag-pump ng dugo, at maaari pang maging dahilan upang hindi makadaloy ang dugo palabas ng puso. 
  • Non-obstructive Hypertrophic cardiomyopathy: Sa ilang mga kaso, walang nakaharang sa pagdaloy ng dugo mula sa puso. Ngunit sa non-obstructive HCM, maaaring tumigas ang pader ng puso. Ito ay maaaring mauwi sa kakulangan sa suplay ng dugo.

Restrictive Cardiomyopathy

Ang restrictive cardiomyopathy (RCM) ay isa sa bihirang mga uri ng cardiomyopathy.

Ang kondisyong ito ang nagiging dahilan upang mawala sa tamang hugis at hindi maging flexible. Dahil dito, hindi nakaka-relax ang mga ventricle ng puso.

Bagaman ang pusong may RCM ay makakayang mag-contract nang mabuti, ang kawalan ng kakayahang mag-relax sa pagitan ng bawat pag-pump ang dahilan kung bakit mahirap para sa pusong punuin ang sarili ng dugo. 

Maaaring maging sanhi ng pag-ipon ng fluid sa iba pang bahagi ng katawan ang RCM, at maaaring magresulta sa mga kondisyon tulad ng enlargement o paglaki ng atria. 

Arrhythmogenic Right Ventricular Dysplasia

Ang Arrhythmogenic Right Ventricular Dysplasia, kilala rin bilang ARVD, ay nangyayari kapag pinalitan ng taba o fibrous tissue ang kalamnan ng puso. Mauuwi ito sa hindi maayos na contractions. Bagaman bihira, kadalasang nasa lahi ng magpapamilya ang ARVD.

ARVD ang karaniwang sanhi ng heart arrhythmia, na isang disorder na pangunahing nagdudulot ng iregularidad sa tibok ng puso ng isang tao. Kung hindi mababantayan, pwedeng magdulot ng pamumuo ng dugo ang arrhythmias na mauuwi sa stroke o pagpalya ng puso.

Screening at Diagnosis ng Cardiomyopathy

Ilan sa mga uri ng cardiomyopathy ay hindi nagdudulot ng anumang sintomas o discomfort kahit sa advanced stages nito. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang screening para sa cardiomyopathy lalo na kung ikinokonsidera ka ng doktor na nasa panganib ng pagkakaroon ng ganitong sakit.

Kung may hinala ang iyong doktor na mayroon kang cardiomyopathy, maaari silang magsagawa ng mga sumusunod na test o procedure upang makagawa ng diagnosis:

  • Mga blood test
  • CT Scan
  • Chest X-ray
  • Cardiac Catheterization
  • Treadmill stress test
  • Electrocardiogram o ECG

Maaari ding maghanap ang doktor ng mga sintomas na may kaugnayan sa cardiomyopathic problem. Halimbawa, ang matagal na hypertension ay maaaring indikasyon ng cardiomyopathy; gayundin ang mga sintomas ng heart failure matapos makakuha ng flu-like illness ay pwedeng tumukoy sa viral myocarditis.

Key Takeaways

Ang cardiomyopathy ay mailalarawan bilang pagkapal, pagluwag, o paglaki ng myocardium. Maraming uri ang ganitong sakit na pwedeng maging dahilan ng hindi paggana ng maayos ng puso, na magreresulta sa mga seryosong kalagayang pangkalusugan tulad ng cardiac arrest, heart failure, o maging ng kamatayan.

Pinakamainam na magkaroon ng regular na pagkonsulta sa iyong doktor kung nag-aalala ka tungkol sa panganib mo ng cardiomyopathy.

Matuto pa tungkol sa cardiomyopathy dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Cardiomyopathy in Adults https://www.heart.org/en/health-topics/cardiomyopathy/what-is-cardiomyopathy-in-adults Accessed November 24, 2020

Myocardium https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/myocardium Accessed November 24, 2020

Cardiomyopathy https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/cardiomyopathy Accessed November 24, 2020

Cardiac Repair Regeneration https://www.uclahealth.org/heart/cardiac-repair-regeneration Accessed November 24, 2020

What is Cardiomyopathy in Adults? https://www.heart.org/en/health-topics/cardiomyopathy/what-is-cardiomyopathy-in-adults/dilated-cardiomyopathy-dcm Accessed November 24, 2020

Dilated Cardiomyopathy https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dilated-cardiomyopathy/symptoms-causes/syc-20353149 Accessed November 24, 2020

Hypertrophic Cardiomyopathy https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17116-hypertrophic-cardiomyopathy Accessed November 24, 2020

Right Ventricular Dysplasia https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16752-arrhythmogenic-right-ventricular-dysplasia-arvd Accessed November 24, 2020

Arrhythmia – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/symptoms-causes/syc-20350668 Accessed November 24, 2020

What is Transthyretin Amyloid Cardiomyopathy(ATTR-CM)? https://www.heart.org/-/media/files/health-topics/answers-by-heart/abh_what-is-attrcm_v2_a

Accessed November 24, 2020

Cardiac Amyloidosis https://www.world-heart-federation.org/world-heart-day/cardiac-amyloidosis/

Accessed November 24, 2020

Genetic Testing in Cardiomyopathy https://www.cardiomyopathy.org/genetics-of-cardiomyopathy/genetic-testing-in-cardiomyopathy

Accessed November 24, 2020

Cardiomyopathy – Diagnosis and Treatment https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cardiomyopathy/diagnosis-treatment/drc-20370714

Accessed November 24, 2020

 

Kasalukuyang Version

05/31/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Kaugnay na Post

Paano Malalaman Ang Mga Sintomas Ng Cardiomyopathy Ayon Sa Uri Nito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement