backup og meta

Bakit Nagkakaroon Ng Heart Arrhythmia? Alamin Dito Ang Posibleng Dahilan

Bakit Nagkakaroon Ng Heart Arrhythmia? Alamin Dito Ang Posibleng Dahilan

Marami ang nagtatanong kung bakit nagkakaroon ng heart arrhythmia ang isang tao, dahil isa itong kondisyon na pwedeng ikamatay. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa posibleng dahilan nito ay makakatulong para i-manage ang sakit na ito. Tandaang mayroong iba’t ibang risk factors ng heart arrhythmias na dapat mong malaman. 

Ayon sa mga doktor, ang puso ang responsable sa pag-pump ng dugo at nutrients sa buong katawan. Tulad ng isang makina, kapag ang mga proseso nito ay nagambala, maaari itong magdulot ng mga pagbabago sa katawan at nararamdaman ng isang tao. Kabilang dito, ang heart’s rhythm, na maaaring magresulta ng heart arrhythmia. Pwede ring hindi makita ang mga sintomas nito sa lahat ng kaso. 

Bakit nagkakaroon ng heart arrhythmia: Ano ang mga sanhi at risk factors?

Autonomic imbalance

Kadalasang sanhi ng overstimulation ng vagal o sympathetic division ng nervous system ang parehong type ng arrhythmias, gaya ng bradycardia at tachycardia. Sinasabi na ang heart arrhythmia ang dahilan ng pagsusuka, matinding constipation, at pagbara sa ihi.

Sa kabilang banda, ang sobrang adrenaline ay pwedeng magresulta sa tachycardia. Huwag ding kakalimutan na ang pagbawas ng excess vagal o sympathetic tone–ang paraan para maalis ang partikular na sanhi ng heart arrhythmia.

 Kapag na-achieve ito, babalik ang balanse.

Bakit nagkakaroon ng heart arrhythmia: Mga Problema sa Puso

Ang mga medical condition na kaugnay sa puso ay isa sa mga dahilan at risk factors. Maaari itong makaapekto sa paggana at rhythm nito — at pwedeng maging sanhi ng heart arrhythmia.

Pwedeng magresulta sa life-threatening arrhythmias ang malalang kondisyon sa puso, tulad ng coronary artery disease, cardiomyopathy (heart muscle disease), at heart valve disease.

Kaya’t kung ikaw ay isang taong nagkaroon ng atake sa puso o heart failure, kailangan mong gumawa ng mga kinakailangang hakbang para mabawasan ang risks ng arrhythmias.

[embed-health-tool-heart-rate]

Bakit nagkakaroon ng heart arrhythmia: Mga gamot

Mas madaling kapitan ng heart palpitations ang mga taong umiinom ng mga partikular na gamot o drugs. Maaari itong maging sanhi ng heart arrhythmias.

May iba’t ibang gamot ang pwedeng maging sanhi ng pag-uudyok o inducing factor.

Sinasabi na ang mga stimulant na ito ay pwedeng mag-trigger ng heart palpitations. Kung saan, maaaring magdevelop ng mas malubhang mga uri ng arrhythmias. Ang mga ilegal na gamot ay nagdudulot din ng arrhythmias na pwedeng magresulta sa biglaang pagkamatay, dahil sa ventricular fibrillation.

Narito ang ilang mga gamot na maaaring mag-trigger ng arrhythmias o pagbabago sa heart rhythm:

  • Digoxin
  • Anti-arrhythmic drugs, lalo na ang quinidine, disopyramide, procainamide, sotalol, at dofetilide
  • Cocaine
  • Alkohol, lalo na ang sobrang pag-inom nito
  • Antibiotics, kabilang ang erythromycin, azithromycin, clarithromycin, at ciprofloxacin
  • Mga non-sedating antihistamines, gaya ng terfenadine at astemizole
  • Psychotropic drugs, lalo na ang haloperidol, thorazine, at methadone

Mga Genetic Disorder

Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang iba’t ibang genetic disorder ay pwede ring maging pangunahing dahilan ng heart arrhythmias. Narito ang mga halimbawa ng cardiac arrhythmias na genetically connected:

  • Long QT syndrome
  • Brugada syndrome
  • Ilang anyo ng heart block at bundle branch block
  • Sick sinus syndrome sa mga kabataan
  • Ilang uri ng atrial fibrillation
  • Mga ilang partikular ng ventricular tachycardia
  • Matandang edad

Kilala ang pagtanda bilang sanhi ng iba’t ibang komplikasyong medikal,  isa na rito ang cardiac arrhythmia. Ang scarring sa loob ng cardiac muscle ay pwede ring humantong sa sinus syndrome, heart blocks, o atrial fibrillation.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit ang mga matatanda ay madalas na nangangailangan ng pacemakers.

Mga Metabolic Disorder

Sinasabi na ang iba’t ibang immune system disorder, tulad ng sakit sa bato, diabetes  at dehydration ay pwedeng magdulot ng heart arrhythmias. Dahil ang electrolytes na napo-proseso sa mga organs na ito, ay tumutulong din sa pagsasagawa ng electrical impulses sa puso. Ang pagkakaroon ng deficit ay pwedeng makaapekto sa rhythm ng iyong puso na maaaring humantong sa arrhythmia development.

Narito ang mga karaniwang uri ng metabolic disorder na nagdudulot ng heart arrhythmia:

  • Hypokalemia (mababang antas ng potassium)
  • Hyperkalemia (mataas na antas ng potassium)
  • Hypomagnesemia (mababang antas ng magnesium)
  • Hypocalcemia (mababang antas ng calcium)
  • Acidosis (masyadong acidic ang dugo)
  • Alkalosis (masyadong maraming alkaline sa dugo)

Pangpamanhid o Anesthesia

Ang isa pang karaniwang sanhi ng heart arrhythmia ay anesthesia. Mapapansin na ang mga pasyente na mayroon anesthesia ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:

  • Pagbabago sa presyon ng dugo
  • Electrolyte at metabolic disorder
  • Cardiovascular discover

Cardiac Trauma

Mapapansin na mga taong nakakaranas ng cardiac trauma o injury. Mula sa mga sugat sa dibdib o chest wound ay pwedeng makaranas ng muffled heart tones, murmurs, o arrhythmias.

Mga Risk Factors

Narito ang mga sumusunod na risk factors na pwedeng magdulot sa’yo ng mas mataas na panganib na magkaroon ng cardiac arrhythmia.

  • Altapresyon. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ay nagpapataas ng iyong risk na magkaroon ng coronary artery disease. Ito’y maaaring humantong sa pagbara sa electrical impulses sa’yong puso at maging sanhi ng heart arrhythmia.
  • Mga problema sa thyroid. Sinasabi na ang isang taong may underactive o overactive thyroid gland ay pwedeng nasa mataas na panganib, partikular sa pagkakaroon ng arrhythmias. Kung ang pasyente ay nananatiling hindi ginagamot — ang kondisyon ay maaaring magpatuloy sa pagdevelop.
  • Diabetes. Mapapansin na ang mga taong na-diagnose na may diabetes ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng arrhythmia, partikular na atrial fibrillation.
  • Obstructive sleep apnea. Ang sleep apnea ay isang disorder na nakakaabala sa paghinga ng isang tao kapag natutulog. Kaya naman napapataas nito ang iyong panganib ng mga partikular na uri ng arrhythmia, tulad ng bradycardia, atrial fibrillation, at iba pa.
  • Obesity. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang sobrang katabaan ay isang panganib sa cardiovascular. Maaari itong magdulot ng arrhythmias sa puso, tulad ng atrial fibrillation at ventricular tachycardia.

Mga Pagbabago sa Pamumuhay para Pagbutihin ang Kalusugan ng Iyong Puso

Ang pagpapalit ng iyong lifestyle sa isang mas malusog ay pwedeng magbawas ng iyong mga panganib sa pagkakaroon ng arrhythmia. Kung ikaw ay na-diagnose na may ganitong karamdaman, huwag mag-alala, ang arrhythmia ay magagamot.

Karamihan sa mga taong may arrhythmias ay walang problema na bumalik sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Pwede silang magpatuloy upang mas makabuo pa ng malusog at kasiya-siyang buhay, habang nag papagamot at nasusubaybayan ng regular ng isang doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Autonomic Nervous System and Cardiac Arrhythmias https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/1638108 Accessed June 28, 2020

Heart Arrhythmia https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/diagnosis-treatment/drc-20350674 Accessed June 28, 2020

Heart Arrythmia https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/symptoms-causes/ Accessed June 28, 2020

Arrhythmia (Irregular Heartbeat) https://medlineplus.gov/arrhythmia.html Accessed June 28, 2020

Kasalukuyang Version

04/11/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ikaw Ba Ay Nasa Panganib ng Atherosclerosis?

Ano Ang Normal Na Pulso At Tibok Ng Puso?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement