backup og meta

Ano ang Malignant Hypertension? Gaano Ito Kadelikado?

Karamihan sa atin, alam na ang hypertension ay masama sa ating kalusugan sa katagalan. Buti na lang, maaaring makontrol ang blood pressure sa pamamagitan ng kombinasyon ng diet, ehersisyo, at mga gamot. Gayunpaman, ano ang mangyayari kung hindi mo ginawa ang kinakailangang pag-iingat upang makontrol ang iyong blood pressure? Nagkakaroon ng malignant hypertension kapag ang blood pressure ng tao ay tumaas nang sobra sa delikado nitong level. Basahin pa ang artikulong ito upang malaman kung ano ang malignant hypertension at kung paano ito gagamutin.

Ano ang Malignant Hypertension? Gaano Ito Kadelikado?

Mga yugto ng hypertension

Karaniwan, ang blood pressure ay dapat na mababa sa 120/80 mmHg (systolic pressure over diastolic pressure, sa milimetro ng mercury). Sa oras na umakyat ng higit sa 120 mmHg ang systolic pressure, itinuturing na itong tumaas na blood pressure reading. 

Inuuri ang stage 1 hypertension na may systolic pressure sa pagitan ng 130 hanggang 139 mmHg o ang diastolic pressure na 80 hanggang 89 mmHg. Ito ang yugto kung saan karaniwang nada-diagnose ng doktor ang pasyente na may hypertension. Sa kasamaang palad, maraming tao ang hindi nache-check at nakapagpapatingin lang sa unang pagkakataon kapag nasa stage 2 hypertension na. Nangyayari ang hypertensive crisis kapag ang blood pressure ay lumagpas na sa 180/120 mmHg at maaaring maging sanhi ng stroke, dahilan upang ituring itong isang medical emergency.

Gayunpaman, mahalagang tandaan na likas na magkakaiba ang blood pressure ng tao depende sa ilang sari-saring salik. Kabilang sa ilang mga salik na ito ang method of measurement, oras, at kung nakaupo ka ba o nakahiga. Bagaman normal lang ang pana-panahong pagbabago sa blood pressure, ang matagal na pagtaas nito ay nakapag-aalala.

Ano ang malignant hypertension?

Sa mga nabanggit na magkakaibang yugto sa itaas, ang malignant hypertension ay isang syndrome na kinabibilangan ng mabilis at sobrang pagtaas ng blood pressure na sinasabayan ng retinopathy. Ang retinopathy ay pinsala sa mga blood vessel sa retina ng mga mata. At dahil mahalaga ang retina sa paningin, ang kakulangan sa daloy ng dugo o pagkasira ng mga vessel ay nauuwi sa mga sintomas tulad ng paglabo ng mata o pagkabulag.

Tulad ng hypertensive crisis, isa ring medical emergency ang malignant o accelerated hypertension. Ilan sa mga sanhi o salik na nakaambag sa hindi makontrol na blood pressure ang:

  • Hindi sinusunod ang iniresetang mga gamot sa iyo
  • Biglaang pagpapahinto o pagbabawas ng dose ng antihypertensive medications
  • Pag-inom ng ilang mga gamot (hal. Stimulants, amphetamines)
  • Renal artery stenosis
  • Kidney disease
  • Endocrine dysfunction (hal. pheochromocytoma)
  • Central nervous system disorders (hal. Brain trauma)

Gaano kadelikado ang malignant hypertension?

Kadalasang naiuugnay ang salitang “malignant” sa cancer. Bagaman hindi isang uri ng cancer ang hypertension, pareho itong nakakatakot. Ang pinakamalaking panganib ng tumaas na blood pressure ay ang pinsala na nagagawa nito sa mga blood vessel sa buong katawan.

Ang malalaking artery, tulad ng aorta, ay idinisenyo upang makayanan ang malaking volume at pressure sa mahabang panahon. Sa kabilang banda, ang mas maliliit, mas delikadong mga artery na bumabalot sa ating mga organ tulad ng mga mata, utak, at kidneys ay maaaring mapinsala nang hindi na maibabalik pa dati sa pamamagitan ng biglaang pagtaas o matagal na pagkakaroon ng hypertension. Kaya naman, nauuwi ang malignant hypertension sa mataas na morbidities at fatalities. 

Gayunpaman, hindi ganoon kakaraniwan ang hypertensive emergencies dulot ng pagkalat ng paggamit ng antihypertensive mediations at diet tulad ng DASH.

Ano ang mga mapagpipiliang gamutan para sa malignant hypertension?

Kung may hinala ka na ikaw o ang isang tao ay nakararanas ng malignant hypertension, humingi agad ng medikal na atensyon. Napakahalagang mapababa ang blood pressure sa lalong madaling panahon upang maiwasan o mabawasan ang pagkasira ng organ. 

Ang layunin ng gamutan ay mabilis ngunit maingat na mapababa ang blood pressure sa ligtas na range. Hindi magandang ibaba ang blood pressure nang sobra, dahil maaari itong magresulta sa ischemia (kawalan ng blood flow at oxygenation) papunta sa mga bahagi na mayaman ang suplay ng dugo.

Bilang pangkalahatang pagkontrol, pababain ang mean arterial pressure ng hanggang 20% sa loob ng unang isang oras at saka pababain pa ito ng 5 hanggang 15% sa loob ng susunod na 24 na oras. Sa halip na oral antihypertensive drugs, nangangailangan ang malignant hypertension ng intravenous (IV administration dahil mas mabilis itong tumatalab. 

Kabilang sa karaniwang mga gamot na ginagamit sa ospital upang mapababa ang blood pressure sa mga hypertensive emergencies ang:

  • Nitrates (hal. nitroprusside)
  • Calcium channel blockers (hal. nicardipine) 
  • Beta-blockers (hal. Labetalol, esmolol)

Matapos gumaling, mahalagang palaging bantayan at kontrolin ang blood pressure araw-araw. Inumin lahat ng mga gamot sa tamang oras at sa tamang dose. Dagdag pa, subukang magsagawa ng mga cardiovascular exercise ng ilang ulit sa isang linggo habang nililimitahan ang dami ng asin at cholesterol sa iyong diet.

Key Takeaways

Sa kabuoan, hindi isang yugto ng hypertension ang malignant hypertension ngunit isang mabilis na pagtaas ng blood pressure at retinopathy. Hindi ito isang karaniwang kondisyon dahil sa malawakang paggamit ng maintenance antihypertensive na mga gamot. Gayunpaman, nasa panganib ang mga pasyenteng huminto sa pag-inom ng kanilang gamot o nagkaroon ng iba pang kondisyon na nakapagpataas ng blood pressure. Iwasan ang madala sa ospital o mamatay sa pamamagitan ng regular na pagkonsulta sa doktor at pagsunod sa plano ng gamutan.

Matuto pa tungkol sa hypertension dito.

BMI Calculator

health-tool-icon

taóng g

Interesado ka ba sa weight loss treatment/support?

Narinig mo na ba ang tungkol sa GIP at GLP-1 therapies?

*Ito ay mga uri ng gamot na makabagong pantulong sa weight loss at panggamot sa type 2 diabetes.

Ituloy-tuloy lang ang pagbawas ng timbang: Tumanggap ng expert update tungkol sa weight loss treatment at support direkta sa iyong inbox.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Malignant hypertension https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK507701/ Accessed July 28, 2021

Malignant hypertension diagnosis, treatment and prognosis with experience from the Bordeaux cohort https://journals.lww.com/jhypertension/Abstract/2019/02000/Malignant_hypertension__diagnosis,_treatment_and.13.aspx Accessed July 28, 2021

Malignant Hypertension Revisited—Does This Still Exist? https://academic.oup.com/ajh/article/30/6/543/2990207 Accessed July 28, 2021

Facts About Hypertension https://www.cdc.gov/bloodpressure/facts.htm Accessed July 28, 2021

Sodium Nitroprusside. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 28, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

05/26/2026

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makakaiwas sa Hypertension

Kaalaman sa Calcium Supplements para sa May Hypertension - Ligtas o Hindi?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas