Ang muta ay pagdami at koleksyon ng mucus, oil, skin cells at debris sa mata na karaniwang nangyayari sa pagtulog. Natatanggal ito sa pamamagitan ng paghihilamos. Ngunit may mga senaryo na didikit ito sa mga pilikmata tulad ng glue at dahil doon nahihirapan na idilat ang mga mata. Iba-iba ang porma ng muta depende sa discharge ng tubig sa mata at sa pag-evaporate at panunuyo nito. Alamin dito ang sanhi ng pagmumuta.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Ano ang Pagmumuta?
Kapaki-pakinabang ang pagmumuta dahil nakapagtatanggal ito ng dumi sa mata. Napoprotektahan din nito ang mga mata sa pagkakaroon ng luha sa film at surface ng mata. Gayunpaman, ang napakaraming muta ay maiuugnay sa problema sa paningin. Mainam na komunsulta sa doktor at sumailalim sa eksaminasyon upang matukoy ang sanhi ng pagmumuta at paraan upang maiwasan ito.
Uri ng Pagmumuta
Ang iba’t ibang uri ng pagmumuta ay nagkakaiba sa kulay at porma na maaaring sintomas ng isa pang komplikasyon. Ang anim na uri ng pagmumuta ay:
String white mucus
Maaari itong mangyari sa ilalim ng eyelid o loob ng mga mata. Ang ganitong uri ng muta ay posibleng sintomas ng allergic conjunctivitis, na tugon ng mata sa allergen na nangyayari maya’t maya.
Thick green o gray mucus
Ito ay muta na kulay green o gray na maaaring sintomas ng infection na hahantong sa bacterial conjunctivitis. Sa paggising, maaaring mahirap na idilat at ipikit ang iyong mga mata. Kasama sa sintomas nito ang pamumula at iritasyon sa mata.
Thick crusty mucus
Nasa listahan ng sanhi ng pagmumuta ay blepharitis, na maaaring mayroong bacterial infection na nakaaapekto sa talukap ng mata at glands. Ang makapal at crusty na muta na ito ay tulad ng balakubak. Nagreresulta rin ito sa pamumula ar iritasyon.
Watery
Nagpapakita ito ng posibleng komplikasyon ng viral conjunctivitis. Kabilang dito ang iba’t ibang sintomas tulad ng paglabo ng paningin, pamumula at pamamaga ng talukap ng mata. Sa ibang mga kaso inuugnay ito sa upper respiratory viral illness na sanhi ng labis na pagtutubig ng muta.
White o yellow ball mucus
Ito ay matubig na muta na kulay puti at dilaw na bilog, isang karaniwang sintomas ng infection sa tear drainage system na tinatawag na dacryocystitis. Makikita rin ang ibang mga sintomas tulad ng sakit sa mukha, pamumula at pamamaga ng talukap ng mata. Ang maagang paggamot ay nakatutulong na maiwasan ang seryosong karamdaman.
Yellow mucus
Ang sanhi ng muta sa ganitong uri ay baradong namamagang eyelid glands na may maliit na bukol o nodule na tinatawag na stye. Maaaring maging sensitibo ang iyong mata sa ilaw kung mayroon ka nang sty. Gayunpaman, kung ito man ay malala, dumarami ang muta at nagpoporma sa gitna tulad ng tigyawat.
Dry particles ng mucus
Nagpo-produce ang mga mata ng maliit at dry na mucus dahil sa dry eye syndrome. Ito ay naglalaman ng tubig, mucus at oil na natutuyo nang sama-sama dahil sa kakulangan sa tubig.
Sanhi ng Pagmumuta
Narito ang ilan sa mga sanhi ng pagmumuta:
- Contact lenses: Ang matagal na pagsusuot ng contact lenses o maging ang maraming beses na pagsusuot nito ay maaaring makairita sa mata na maaaring magresulta ng crusty na muta pagkagising.
- Chronic dry eyes: Maaari itong humantong sa pagkakaroon ng maraming muta sa paligid ng mata at pilikmata.
- Allergies: Ang side effect ng allergic conjunctivitis na sanhi ng allergens ay muta na maaaring maapektuhan ang parehong mga mata.
- Conjunctivitis: Ito ay impeksyon sa mata na kilala sa tawag na pink eye na sanhi ng pagmumuta. Kung iiwanang hindi ginagamot, maaari itong humantong sa malalang problema sa mata.
- Stye: Ito ay sanhi ng baradong eyelid glands na infected ng eyelash follicles, na nagpo-produce ng pagmumuta na tulad ng tigyawat na may maliit na spot.
- Keratitis: Ito ay corneal infection na naglalabas ng maraming muta na may abnormal na kulay. Ito ay mabilis na kumakalat na humahantong sa pagkabulag kung hindi gagamutin.
- Blepharitis: Ang pagkakaroon ng oil sa paligid ng follicles ay nagreresulta sa inflammation ng mga pilikmata at crusty na muta, dilaw o berde na mucus.
- Corneal ulcer: Ito ay impeksyon ng cornea na naaapektuhan ang ulcerous spot, na nagiging sanhi ng puting muta na may kaugnayan sa labis na pagluha at sakit sa mata.
- Eye injury o trauma: Ang aksidenteng sitwasyon tulad ng pagwisik ng kemikal sa mata ay maaaring makapinsala sa organ at mag-produce ng muta na sintomas ng pagiging injured.
- Dacryocystitis: Ito ay baradong tear duct na pinamamaga ang loob ng eyelid na nagreresulta sa puting muta, na masakit.
Iwasan at I-manage ang Pagmumuta
Ang kaunting muta pagkatapos gumising ay karaniwan at hindi nakasasama. Gayunpaman, narito ang paraan at hakbang upang i-manage ang labis na pagmumuta.
- Iwasan ang paghawak at pagpunas ng mata gamit ang mga kamay.
- Hugasan ang mga mata gamit ang mainit na tubig. Kung nakadikit ang muta sa mata, gumamit ng malinis na bimpo na binabad sa mainit na tubig upang tanggalin ito.
- Laging hugasan muna ang mga kamay bago maglagay ng cosmetics, magsuot ng contact lenses, at bago kuskusin ang mga mata.
- Tanggalin ang contact lenses na nagiging sanhi ng muta, at sa halip ay gumamit ng disposable na contacts upang mabawasan ang banta ng pagmumuta.
- Gumamit ng eye drops kung expose sa irritants, lumayo o ilayo ang mga nakakairita sa mata na mga bagay.
Mahalagang Tandaan
Ang pagmumuta ay isa sa mga sintomas ng maraming mga kondisyon at komplikasyon. Ito ay nagtatrabaho bilang proteksyon sa mga nakasasamang dumi ngunit ang abnormalities ay maaaring humantong sa iba’t ibang pagmumuta. Mainam na komunsulta sa doktor. Ang maagang pagtukoy ay nakatutulong upang malaman ang akmang lunas at maiwasan ang malalang impeksyon at karamdaman.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.