backup og meta

Panlalabo ng Mata: Paano Malalaman Na Dapat Magsalamin?

Paano malalaman na dapat magsalamin? Inirerekomenda ng American Academy of Ophthalmology na magkaroon ng kumpletong pagsusuri sa mata sa oras na umabot ng 40 anyos. Batay sa matutuklasan sa pagsusuri na iyon, ang iyong ophthalmologist ay magrekomenda kung gaano kadalas ang kailangan mong pagpapasuri. Sa oras na umabot ng 65 anyos, halos taun-taon ang pagpapa-eksamin sa ophthalmologist.

Karamihan ng tao ay may taunang pisikal na pagsusuri pati na rin sa dentista para sa pangkalahatang pangangalaga ng pangkalusugan. Ngunit nasa listahan ba ang iyong doktor sa mata? Ang mga regular na pagsusuri ng mata ay hindi lamang nagpapanatili ng malusog na paningin. Ito rin ay isang paraan sa pagtuklas ng mga sakit sa mata nang maaga, dahil karamihan sa mga ito ay hindi napapansin sa mahabang panahon.

Ang pagsusuri: Paano malalaman na dapat magsalamin

Sa panahon ng pagsusuri sa mata, tatanungin ng doktor ang iyong medical history. Matapos nito ay susuriin ng isang optometrist o ophthalmologist ang ilan o lahat sa mga sumusunod:

  • Visual acuity – test kung saan tinitingnan kung gano kalinaw ang nakikita ng iyong mata
  • Eye muscle test – test kung saan nasusuri ang paggalaw ng mata, at kung gumagana ng maayos ang eye muscles
  • Refraction assessment – test na nagtutukoy kung anong lens ang pinakanararapat sa iyong mata
  • Visual field test – test na nagsasabi kung ano ang saklaw na makita ng mata nang hindi ito ginagalaw
  • Color vision testing – test na makakapagsabi kung may problema sa pagkilala ng iba’t-ibang kulay

Titingnan din ng doktor ang loob ng iyong mga mata kung may mga palatandaan ng sakit sa mata, gaya ng katarata at glaucoma. Maaari ding masuri sa pamamagitan nito ang iba pang problema sa kalusugan, kabilang ang altapresyon at diabetes. Hindi matatawaran ang pakinabang ng pagpapatingin ng iyong mata sa kung ano mang kadahilanan. Depende sa iyong edad, medical history at kasarian, ang mga rekomendasyon para sa kung kailan at gaano kadalas dapat kang magpatingin sa iyong doktor ay maaaring mag-iba.

Paano malalaman na dapat magsalamin: Mga sintomas

Madalas na pananakit ng ulo

Ang pananakit ng ulo ay hindi awtomatikong nangangahulugan na kailangan mo ng salamin. Gayunpaman, ang madalas na pananakit ng ulo ay maaaring senyales ng mga problema sa paningin na maaaring gamutin gamit ang corrective lens. Ito ay may katotohanan lalo na kapag naranasan ang pananakit ng ulo tuwing tanghali o pagkatapos tumitig sa mga screen.

Isa sa mga pinakakaraniwang dahilan para sa sakit ng ulo na dulot ng paningin ay mula sa eye strain. Ang pananakit ng mata ay maaari ding lumikha ng pangangati, pagiging sensitibo, malabong paningin, o pagluluha. Hindi tulad ng iba pang uri ng pananakit ng ulo, ang sakit na dulot ng eye strain ay bihirang nauugnay sa pagsusuka o pagduduwal. Ang sakit ay karaniwang matatagpuan sa likod o sa paligid ng iyong mga mata. 

Astigmatism

Paano malalaman na dapat magsalamin kung may astigmatism? Ang astigmatism ay isang pangkaraniwang problema sa mata na maaaring mauwi sa malabo o distorted na paningin. Nangyayari ito kapag ang iyong cornea o lens ay may ibang hugis kaysa sa normal. Malamang na kakailanganin mo ng salamin kung ang iyong astigmatism ay may lakas na 1.0 o higit pa. Ngunit kahit na ang iyong astigmatism ay nangangailangan ng mas mababa sa 1.0 diopters ng pagwawasto, hindi ito nangangahulugan na hindi mo na kailangan ng salamin.

Maaaring itama ng mga salamin o contact lens ang halos lahat ng kaso ng astigmatism. Ngunit kung mayroon ka lamang isang bahagyang astigmatism at walang iba pang mga problema sa paningin, maaaring hindi mo ito kailanganin. Kung mayroon kang karaniwang antas ng astigmatism, malamang na magkakaroon ka ng mga corrective lenses, tulad ng salamin, contact, o operasyon.

Presbyopia: Paano malalaman na dapat magsalamin

Paano malalaman na dapat magsalamin kung mayroon kang presbyopia? Ito ay isang refractive error na nagpapahirap sa mga nakakaedad na makita ang mga bagay nang malapitan. Nangyayari ito dahil ang lens ay humihinto sa tamang pagtutok ng liwanag sa retina. Ang kakayahang makita ang mga bagay nang malapitan ay lumalala sa edad. Bagama’t hindi  maibabalik ang iyong paningin sa dati, madali itong itama. Ang pinakasimpleng paraan ay ang pagsusuot ng salamin sa pagbabasa

Mga sintomas ng presbyopia na maaari mong mapansin:

  • Ang pangangailangan para sa karagdagang liwanag habang nagbabasa
  • Malabong paningin sa normal na distansya sa pagbabasa
  • Ang pangangailangan na humawak ng materyal sa pagbabasa ng malapitan
  • Sakit ng ulo dahil sa paggawa ng malapit na trabaho
  • Eye strain

Myopia o nearsightedness

Paano malalaman na dapat magsalamin kung ikaw ay mayroong myopia o nearsightedness? Ang myopia ay isang pangkaraniwang kondisyon ng paningin kung saan ang malapit na mga bagay ay lumilitaw na malinaw, ngunit ang mga bagay sa malayo ay mukhang malabo. Ito ay nangyayari kapag ang hugis ng mata o ng ilang bahagi ng mata ay nagiging sanhi ng hindi tumpak na pag-bend ng mga sinag ng liwanag.

Ang pagsusuot ng corrective lens ay maaaring solusyon sa nearsightedness. Ito ay posible sa pamamagitan ng pagpigil sa tumaas na curve ng iyong cornea o sa pagtaas ng haba ng iyong mata. Ang mga uri ng mga de-resetang lente ay kinabibilangan ng salamin, isang simple at ligtas na paraan upang patalasin ang paningin na dulot ng nearsightedness.

Hyperopia o farsightedness

Paano malalaman na dapat magsalamin kung ikaw ay may hyperopia o farsightedness? Kadalasang nagiging sanhi ito ng paglabo ng mga bagay na malapit sa iyo, bagaman maaari rin itong makaapekto sa iyong paningin sa malayo. Ito ay nangyayari kapag ang hugis ng mata ay nagiging sanhi ng pagtutok ng liwanag sa likod ng retina.

Ang mga karaniwang sintomas ng farsightedness ay kinabibilangan ng:

  • Ang hirap makakita ng malapitan
  • Sakit ng ulo lalo na kapag nagbabasa
  • Eye strain

Ang farsightedness ay nada-diagnose sa isang komprehensibong pagsusuri sa mata. Kung ikaw ay farsighted, ang iyong doktor sa mata ay maaaring magreseta sa iyo ng mga salamin sa mata o contact lens.

Key Takeaways

Ang pinakamabuting paraan kung paano malalaman na dapat magsalamin ay ang pagbisita sa isang optometrist. Matutulungan ka ng doktor na maintindihan ang sanhi ng mga problema mo sa mata at kung paano ito malulunasan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Blurry vision

https://www.warbyparker.com/learn/do-i-need-glasses#:~:text=Blurry%20Vision,benefit%20from%20eyeglasses%20or%20contacts.

Testing your child’s eyes at home

https://www.boystownhospital.org/knowledge-center/testing-your-childs-eyes-at-home

Signs and symptoms of vision problems

https://visionaware.org/your-eye-condition/eye-health/symptoms-of-vision-problems/

Peek acuity

https://peekvision.org/en_GB/peek-solutions/peek-acuity/

Are dollar store eyeglasses ok for my eyes

https://www.aarp.org/health/conditions-treatments/info-2020/drugstore-reading-glasses.html

Adult vision

https://www.aoa.org/healthy-eyes/eye-health-for-life/adult-vision-41-to-60-years-of-age?sso=y

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Color Blindness? Alamin Ang Diagnosis At Treatment

Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Pagsusuot Ng Sunglasses, Ayon Sa Doktor?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement