Ang mga karaniwang problema sa mata ay sanhi ng ilang mga salik, at ang pag-unawa kung paano ito nagsisimula ay susi sa pagpigil sa patuloy ng pag-unlad. Nakatutulong din ito upang maayos itong magamot. Narito ang ilang sa mga karaniwang problema sa mata na dapat mong malaman.
8 Karaniwang Problema sa Mata
Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga karaniwang problema sa mata na maaaring maranasan ng maraming tao. Kapansin-pansin na ang listahang ito ay hindi eksklusibo, at hindi kabilang ang lahat ng mga problema sa mata.
1. Astigmatism
Ang astigmatism ay tumutukoy sa mga imperfections ng cornea o lens ng mata. Mayroong smooth at proportional na cornea at lens sa lahat ng panig ang normal na mata. Ito ang siyang nagbibigay-daan sa mga light ray na tumutok sa retina.
Minsan, ito ay nauugnay sa refractive error, na isa pang karaniwang problema sa mata.
2. Hyperopia
Ang hyperopia ay tumutukoy sa farsightedness, na siyang nauuri bilang isang refractive error. Nangangahulugan ito na ang mata ay hindi maayos na nagre-refract ng liwanag upang makapokus sa isang imahe. Dahil dito, ang mga bagay mula sa malayo ay mukhang malinaw, ngunit ang mas malapit na mga bagay ay lumalabas na malabo o kupas kung minsan.
3. Myopia
Kilala rin bilang nearsightedness, ang myopia ay karaniwang itinuturing na kabaligtaran ng hyperopia. Katulad ng hyperopia, ito ay isang refractive eroor na nagdudulot sa indibidwal na malinaw na makita ang mas malalapit na mga bagay habang ang mga bagay naman sa malayo ay kupas at malabo.
4. Presbyopia
Ang presbyopia ay isang kondisyon na nangyayari kapag ang mga mata ay unti-unting nawawalan ng kakayahang tumutok sa mga bagay nang malapitan at makita ang mga ito nang malinaw, na siyang resulta ng pagtanda. Ito ay nagiging lubhang mas kapansin-pansin kapag ang mga tao ay umabot sa edad na 40 pataas.
5. Color Blindness
Ang color blindness ay isang karaniwang problema sa mata na nangyayari kapag hindi mo makita ang mga kulay katulad ng kung paano ito nakikita ng mga taong may normal na paningin. Sa kasong ito, ang retina ang nagiging apektado, partikular na ang mga cells na taglay nito. Ang retina ay naglalaman ng mga rods at cones, at ang bawat isa ay may tungkulin upang makita ang liwanag at kulay. Ito ay nangyayari kapag ang alinman sa mga color cone cells ay hindi gumagana, nawala, o nakakita ng ibang kulay kaysa sa normal.
6. Night Blindness
Isang uri naman ng vision impairment ang night vision o nyctalopia. Ang mga taong apektado ng nyctalopia ay mayroong malabong paningin sa gabi, o kapag nasa madilim na kapaligiran.
7. Cataract
Ang mga katarata ay nagiging sanhi ng pagiging maulap ng mga lente ng mata. Kapag sinusubukang magpokus sa mga larawan, ang mga bagay ay maaaring mukhang malabo, hindi gaanong makulay, at mas mahirap makita nang malinaw. Inihahambing ng mga taong naapektuhan ng katarata ang kanilang paningin sa pagtingin sa maalikabok na windshield ng kotse.
8. Glaucoma
Ang glaucoma ay itinuturing na isang sakit na mayroong pinsala sa optic nerve ng mata. Kadalasang humahantong sa pagtaas ng presyon na nakakaapekto sa optic nerve ang fluid buildup sa harap na bahagi ng mata, at ito ang siyang humahantong sa glaucoma.
Key Takeaways
Bilang konklusyon, ang mga karaniwang problema sa mata ay may malawak na hanay ng mga uri at ang bawat isa ay karaniwang nagpapahiwatig ng pinsala sa isang bahagi ng mata o kaugnay na organ. Kinakailangang makipag-ugnayan sa isang medikal na propesyonal kung nagsisimula kang makaranas ng mga sintomas na nauugnay sa iyong paningin. Ito ay marahil ang agaran at angkop na pagkilos ay ang pinakamahusay na paraan upang labanan ang mga posibleng epekto at komplikasyon patungkol sa kalusugan ng mata.
Alamin ang iba pa tungkol sa Paglabo at Pagkawala ng Paningin dito.