backup og meta

Ano ang Farsightedness, At Bakit Nagkakaroon Nito?

Ano ang Farsightedness, At Bakit Nagkakaroon Nito?

Ang iyong mga mata ay kahanga-hangang mga organ. Kinukuhanan nila ang milyun- milyong larawan kada segundo at patuloy na nagpapadala ang mga ito sa utak. Malaking bahagi ng utak ang nagagamit para sa paningin kumpara sa ibang mga senses. Kaya’t kung ikaw ay nagkaroon ng kondisyon sa mata, maaari itong makaapekto sa kalidad ng buhay, kaligtasan, o abilidad na magsagawa ng pang araw-araw na gawain. Maraming mga sakit ang maaaring makaapekto sa iyong mga mata at isa mga karaniwan ay ang hyperopia o farsightedness. Alamin ano ang farsightedness, mga sanhi nito at lunas dito.

Pangkalahatang Kalusugan ng Mata: Lahat ng Dapat mong Malaman

Ano ang Hyperopia?

Ang hyperopia ay medikal na termino na kilala ng mga tao bilang farsightedness.

Upang maunawaan ang kondisyon na ito, kailangan nating maunawaan ang mga bahagi ng mata na nakatutulong sa pagpokus sa mga bagay.  Ang cornea ay kurbadong parte ng mata na nasa pinakaharap. Sa likod naman ng cornea ang lens na isang  malinaw na struktura. Sa isang normal na mata, ang dalawang bahaging ito ay nagbe-bend (o refract) ng liwanag, dahil ang mga ito ay perpektong naka-kurba at malambot. Ng dahil dito, “makakikita” ka ng sharp at focused na mga larawan.

Kung ang cornea ay hindi nakakurba sa tamang paraan, o kung ang mata ay mas maiksi kaysa sa normal, maaari kang magkaroon ng hyperopia. Ang sanhi ng ganitong kondisyon ay maaaring physiological (biological tulad ng namamanang disorder sa mata) o pathologic (tulad ng congenital disorder o systemic na sanhi ng sakit).

Ang kondisyon na ito ay karaniwan sa mga bata at matanda. Iba-iba ang sanhi at lunas ng farsightedness depende sa maraming mga salik tulad ng gaano kalala ang kondisyon, ang iyong edad, at gaano kapagod ang iyong mga mata.

Sintomas

Ang mga taong mayroong hyperopia ay maaaring makaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Blurred vision – Ang terminong “farsightedness” ay kinokonsiderang misnomer. Bagaman ang karamihan ng mga pasyente ay nagrereklamo tungkol sa hindi maayos na nakikita na mga bagay na malapit sa kanilang mga mata. Ang hyperopia ay maaari ding makakita ng blurred o malabo na mga bagay sa malayo.
  • Asthenopia – Kilala rin sa tawag na eye strain. Ang sintomas na ito ay pagdoble ng paningin, masakit o mahapding sensasyon sa loob o paligid ng mata, mapula o nagluluhang mata, at sakit ng ulo.
  • Accommodative dysfunction – Nakaaapekto sa karamihan ng mga bata at young adults. Ang mga mata ay kinakailangan na mag-adjust upang maayos na mag pokus sa larawan. Kung walang abilidad na ito, hindi kayang magbasa ng mga tao o magsagawa ng pang-araw-araw na biswal na gawain.
  • Binocular dysfunction – Kahit na mayroon kang dalawang mga mata, ang mga ito ay perpektong nagkakasabay kaya’t ang nakikita mo lang ay isang object. Kung ang mga mata ay hindi magkapantay nang maayos, magpapadala ang mga ito sa utak ng dalawang magkaibang larawan o mga larawan na magkaiba ng posisyon. Ang dysfunction na ito ay hahantong sa mga tao na magkaroon ng literal na makakita ng doble.
  • Amblyopia – Kilala rin sa tawag na “lazy eye.” Ang sintomas na ito ay karaniwang nakaaapekto sa isang mata lamang ngunit ang ilan sa mga tao ay maaaring magkaroon nito sa parehong mga mata. Ang apektadong mata ay hindi maayos na nagtatrabaho o hindi maayos na nakalinya sa isa pang mata. 
  • StrabismusAng kondisyon kung saan ang isa o parehong mga mata ay hindi maayos na nakalinya. Ang apektadong mata ay maaaring maglinya papasok (cross-eyed), palabas (wall-eyed), pataas (hypertropia), o pababa (hypotropia).

Mga Sintomas ng Farsightedness

Ang mga sintomas ay pangkalahatang nakikita matapos magsagawa ng biswal na gawain sa mahabang panahon tulad ng pagbabasa, pagsusulat, o gawain sa kompyuter. Dahil ang mga sintomas na ito ay maaaring maranasan sa ibang mga problema sa mata, ang pagsusuri sa mata lamang ang maaaring makatukoy sa disorder na ito.

Kung ang hyperopia ay natukoy nang maaga, ang mga mas komplikadong kondisyon tulad ng amblyopia o strabismus ay maaaring maiwasan. Kung ang kondisyon ay hindi nalunasan, maaari kang makaranas ng eye discomfort at mga problema sa paningin.

Diagnosis

Maaaring karaniwan lamang ang hyperopia ngunit dahil ang bawat tao ay iba-iba, ang pagtukoy sa kondisyon na ito ay kabilang ang maraming mga salik:

  • History ng pasyente – Kabilang ang pangunahing inirereklamo o sintomas na nararanasan ng pasyente, kabuuang history sa kalusugan, family history, allergies, habits, kapaligiran, at ibang mga salik na maaaring makaapekto sa mga mata.
  • Ocular examination – Maaaring kabilang ang iba’t ibang mga test upang matukoy ang pagiging malala ng kondisyon at ang mga sintomas. Ang test ay maaaring ding makatukoy kung ikaw ay may ibang eye anomalies at kung paano pinaka mainam na lunasan ang iyong kondisyon.

Mga Sanhi at Lunas ng Farsightedness

Kung iiwang hindi nalulunasan, ang hyperopia ay makaaapekto hindi lang sa iyong mga paningin ngunit sa kalidad rin ng iyong buhay. Kaya’t kailangan na agaran itong lunasan, upang maayos ang problema at maiwasan ang banta ng pagkakaroon ng komplikasyon.

Walang universal na lunas para sa ganitong kondisyon. Kailangan na masuri ng mga doktor ang bawat physiology, history at habits. Susuriin din maging ang kapaligiran upang magrekomenda ng pinaka mainam at pinakaakmang lunas, kabilang na ang:

Glasses at contact lenses

Ito ang pinaka karaniwang mode ng lunas. Ang glasses o contact lenses ay nakatutulong sa apektadong mata na makapag-refract ng liwanag nang maayos.

Maraming mga uri na maaaring pagpilian ngayong mga panahong ito. Ang ilan sa glasses ay may dagdag na components. Halimbawa, ang mga taong kailangan magsagawa ng mga gawain sa computer sa mahabang panahon ay maaaring magkaroon ng glasses na makababawas sa eye strain.

Maaaring kailangan mo ng panahon na mag-adjust sa iyong glasses o lenses. Maaari kang makaranas ng sakit ng ulo o lightheadedness sa mga panahon na ito. Ang ilang mga tao ay mas maayos na nakagagalaw sa paggamit ng glasses o contact lenses sa tiyak na mga gawain tulad ng pagbabasa. Konsultahin ang iyong doktor kung ang iyong mga mata ay hindi maayos na nakapag-adjust matapos ang mahabang panahon.

Vision therapy

Ito ay customized na programa na naglalayon sa “pagtuturo” sa kabuuang paningin upang mapabuti at maitama ang mga problema. Ito ay sa pamamagitan ng non-surgical at biswal na gawain na gumagamit ng prisms, metronomes, at maging ang video games. Ang proseso na ito ay ipinapayo sa mga pasyente na hindi makapagsusuot ng glasses o contact lenses. Maaari itong dagdag na lunas para sa mga tao na kailangan na mag-adjust sa ibang mga programa sa mata.

Pagbabago ng kinaugalian at kapaligiran

Tulad ng vision therapy, ito ay non-surgical na lunas. Ito ay nakatuon sa iyong pag-uugali at kapaligiran upang mabawasan ang mga sintomas. Ang gawain na ito ay nabibigyang-pansin ang lahat ng mga salik. Kabilang na rio ang dami ng liwanag sa lugar na pinagtatrabahuhan mo, pagbawas ng pagtingin mula sa mga device, o pagpapahinga mula sa pagtatrabaho sa computer.

Surgery

Kabilang dito ang direktang adjustment sa mata sa pamamagitan ng operasyon. Dahil sa technological advances sa ophthalmology, walang proseso sa operasyon tulad ng LASIK na hindi kinakailangan ng mahabang panahon para sa recovery.

Mahalagang Tandaan

Ano ang farsightedness at mga sanhi at lunas nito? Ang farsightedness o hyperopia ay mukhang hindi nakababahala bilang kondisyon sa mata. Ngunit kaugnay ito sa mga komplikadong problema sa mga mata tulad ng amblyopia at strabismus, kaya’t kailangan itong malunasan sa lalong madaling panahon.

Ang maagang diagnosis at lunas sa pamamagitan ng periodic eye exams ay mahalaga. Mula rito maaaring makaiwas o mapababa ang banta ng pagkakaroon ng ibang visual disorders, lalo na sa mga bata. Tandaan, ang iyong mga mata ay mahalagang organs ng iyong katawan kaya’t dapat lamang na alagaan ang mga ito.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Mata rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Philippine Academy of Ophthalmology (n.d.). Cataract and Refractive Surgery. https://pao.org.ph/faqs/cataract-and-refractive-surgery. Accessed Jan 1, 2021

Mayo Clinic (2018). Farsightedness. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/farsightedness/symptoms-causes/syc-20372495. Accessed Jan 1, 2021

American Optometric Association (2008). Care of the Patient with Hyperopia. https://www.aoa.org/documents/optometrists/CPG-16.pdf. Accessed Jan 1, 2021

Vivid Vision (n.d.). Eye Strain (Asthenopia). https://www.seevividly.com/info/Binocular_Vision/Signs_and_Symptoms/Eye_Strain. Accessed Jan 1, 2021

Wow Vision Therapy (n.d.). Accommodative Dysfunction (Eye Focusing Disorder). https://wowvision.net/accommodative-dysfunction. Accessed Jan 1, 2021

Vision Specialists of Michigan (n.d.). You Mean It’s My Eyes? Understanding Binocular Vision Dysfunction. https://www.vision-specialists.com/binocular-vision-dysfunction/what-is-bvd.

All About Vision (2019). Amblyopia: Protect your child from lazy eye. https://www.allaboutvision.com/conditions/amblyopia.htm. Accessed Jan 1, 2021

All About Vision (2017). Strabismus And Crossed Eyes. https://www.allaboutvision.com/conditions/strabismus.htm. Accessed Jan 1, 2021

All About Vision (2017). What is (and isn’t) vision therapy for children? https://www.allaboutvision.com/parents/vision_therapy.htm. Accessed Jan 1, 2021

Kasalukuyang Version

07/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Color Blindness? Alamin Ang Diagnosis At Treatment

Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Pagsusuot Ng Sunglasses, Ayon Sa Doktor?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement