Balak mo bang magsuot ng contact lens sa unang pagkakataon? May ilang bagay kang dapat malaman. Tuturuan ka ng artikulong ito kung paano gamitin ang contact lens.
Paano Gamitin ang Contact Lens sa Unang Pagkakataon?
Pagbati! Mayroon ka nang unang pares ng contact lens sa unang pagkakataon, ngunit ano na ngayon?
Kung tulad ka rin ng karamihan sa mga taong unang beses pa lang magsusuot ng contact lens, makakakita ka ng maliliit na visual details na maaaring hindi mo napansin noon o wala kang kakayahang mapansin. Maaari kang makakita ng pagkakaiba sa mga kulay. Maaari kang makakita ng mga pattern sa mga surface na hindi mo nakita noon.
Anoman ang napapansin mo sa unang pagkakataon, ngayon ang nakasasabik na pagkakataon para sa iyo. Para itong isang bagong mundo na nagbukas sa harap mo at salamat sa iyong mga contact lens.
Ano ang dapat asahan?
Narito ang ilan sa mga dapat mong asahan kapag nagsuot ka ng contact lenses sa unang pagkakataon:
- Mayroong adjustment period. Gayunpaman, masasanay ka rin sa pakiramdam na may suot na contact lenses. Huwag umasang magiging komportable ka agad. Asahang tatagal ng 10 hanggang 12 na araw ang adjustment period mo.
- Asahang mararamdaman mo ang paligid ng contact lenses kapag isinuot ito sa simula.
- Kapag nairita ang iyong mga mata, maaaring tuyo ang iyong mga mata o marumi ang iyong lenses.
- Sa oras na masanay ka na sa iyong lenses, aabot sa puntong makakalimutan mo nang may suot ka nito.
Paano gumamit ng contact lenses nang ligtas?
- Bago hawakan ang iyong lenses, maghugas nang mabuti ng mga kamay at tuyuin.
- Pinakamabuting humarap sa salamin upang makita kung saan at paano mo mailalagay ang lenses.
- Tiyaking malinis ang contact lenses sa pamamagitan ng paglalagay muna dito sa fresh solution.
- Ngayon, oras na upang isuot ito! Gamit ang isang daliri (karamihan sa mga tao ay gumagamit ng kanilang hintuturo), ilagay dito ang isang contact lens.
- Gamit ang isa mo pang kamay na walang hawak, hilahin nang dahan-dahan ang iyong lower eyelid. Saka dahan-dahang ilagay ang contact lens sa iyong mga mata.
- Dahan-dahang isara ang mata saka paikutin o galawin ang mga mata upang makapuwesto nang maayos ang contact lens.
- Kung nakaposisyon na nang tama ang contact lenses, hindi dapat masakit sa pakiramdam. Kung nakararamdam ka ng kaunting pagkaskas, tanggalin ito at subukang muli.
Bakit Maraming Gumagamit ng Contact Lenses?
Matagal na ring may gumagamit ng contact lenses ngayon at lalo itong dumarami. Sa pagtataya, nasa 125 milyong tao na ang gumagamit ng contact lenses sa buong mundo. Dadami pa ito sa paglipas ng mga araw.
May ilang mga dahilan kung bakit may gumagamit ng contact lens ang mga tao. Una, kapag nasanay ka na sa paggamit nito, mas natural na ito sa pakiramdam kumpara sa paggamit ng salamin sa mata. Mas gusto rin itong gamitin ng mga taong aktibo ang lifestyle dahil mas nakagagalaw sila nang malaya. Mayroon ding katotohanang may kakaibang dating ang pagsusuot ng contact lenses dahil sa iba-iba nitong kulay sa mata.
Ang Pagsusuot ng Contact Lenses sa Unang Pagkakataon 101
Kapag nagsusuot ng contact lenses sa unang pagkakataon, may ilang bagay ang dapat mong tandaan. Makatutulong ito upang makapagsuot ka ng contact lenses nang komportable at maayos.
Relax
Maraming tao na nagsusuot sa unang pagkakataon ng contact lenses ay nag-aalalang baka magasgas o masugatan nila ang kanilang mga mata. Isa pang ikinatatakot nila ay baka maiwan ito sa likod ng kanilang mga mata.
Syempre, kailangan mong maging maingat sa pagsusuot ng lenses. Sensitibo ang iyong mga mata. Ngunit kung susundin mong mabuti ang instruction sa kung paano gamitin ang contact lens, wala kang dapat na maging problema. Isang mahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsusuot ng contact lens ay mag-relax.
Hindi mo dapat ipag-alala ang paghawak sa iyong mga mata gamit ang iyong mga daliri basta’t nilinis mo itong mabuti. Ang likod ng iyong mga mata ay konektado sa iyong eyelids, kaya’t walang panganib na maiwan ito sa likod ang iyong mga lens.
Maglaan ng oras sa paglilinis ng iyong lenses
Huwag mag-shortcut sa paglilinis ng iyong lenses. Tiyaking makapaglaan ng panahon upang linisin ito nang tama tulad ng sinabi ng iyong doktor. Bibigyan ka niya ng lens care regimen na para sa tiyak na uri ng lens na mayroon ka.
Kung sinabihan kang gumamit ng multipurpose solution tuwing tatanggalin mo ang iyong mga lens saka gumamit ng fresh solution at huwag lang basta magdagdag ng kung anong mayroon na sa iyong container. Kapag nagsuot ka ng iyong mga lens, kailangan mong tanggalin ang laman ng case at linisin ito gamit ang fresh solution, saka ito itaob sa malinis na paper towel upang matuyo.
Tandaan ding kailangang regular na palitan ang case. Mas maganda kung gagawin ito tuwing makatatlong buwan. Kung wala kang oras upang maglinis ng lens case, tanungin ang doktor mo kung pwede kang gumamit na lang ng disposable lenses.
Mahalaga ang hydration
Hindi madalas maiisip ang hydration pagdating sa contact lens ngunit mahalaga ang ginagampanan nito. Kailangan mong manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig. Higit pa rito, maaari mo itong dagdagan ng paggamit ng pampatak sa mga mata.
Kung gumagamit ka ng eye contact lens sa unang pagkakataon, kailangan mong bantayan ang pagkatuyo nito, lalo na kung expose ka sa tuyong hangin o kung matagal kang nakatitig sa computer screen. Tiyakin lamang na ang ginagamit mong pampatak sa mata ay compatible sa iyong lenses, kaya’t dapat na galing din sa doktor mo ito.
Sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor
Kung anong ibinilin ng iyong doktor, sundin mo, lalo na pagdating sa mga produktong gagamitin mo. Huwag sumubok ng mga DIY na may kinalaman sa iyong contact lenses. Bagaman napakaligtas gamitin ng mga lens na ito, mahalagang sundin ang mga eksperto sa kung paano ito gagamitin at aalagaan.
Key Takeaways
Malayo na ang narating ng mga contact lenses mula pa noong nalikha ito. Maninipis na ang mga lens ngayon na halos hindi mo na mamalayang may suot ka nito dahil sa kagaanan.
Matuto pa tungkol sa Iba Pang Isyu ng mga Mata dito.