Ang “blue balls” ay isang terminong karaniwang ginagamit kapag ang isang lalaki ay hindi nakapaglalabas ng sekswal na tensyon o nakararanas ng hindi komportableng pakiramdam sa kanyang scrotal area. Gayunpaman, hindi alam ng karamihan na sa katunayan, ang blue balls ay isang tunay na medikal na kondisyong kilala bilang epididymal hypertension. Anu-ano ang mga sintomas ng blue balls?
Bagama’t hindi mapanganib at madaling magamot nang walang medikal na interbensyon, ang masakit na pakiramdam ay maaaring makapagpahirap sa mga nakararanas nito. Maaari pa nga itong mapagkamalan na isang mas seryosong kondisyon.
Ang pag-alam kung paano nangyayari ang blue balls, mga sintomas nito, at kung paano ito gamutin ay makatutulong upang maging mas madali ang pagtugon sa kondisyong ito.
Blue Balls: Paano Ito Nangyayari?
Habang nangyayari ang sexual arousal, ang dugo ay dumadaloy sa ari ng lalaki at sa testicles sa pamamagitan ng expanded arteries. Ang dugo ay nananatili, na humahantong sa pamamagitan pagtigas ng ari maging sa bahagyang paglaki ng testicle. Kapag nagamot na ang orgasm o bumaba ang arousal, ang dugo ay dadaloy pabalik mula sa ari.
Gayunpaman, para sa ilang mga indibidwal na nananatiling aroused sa loob ng mahabang oras at hindi nakararanas ng paglabas sa pamamagitan ng ejaculation o pagbaba ng arousal, maaari silang makaranas ng blue balls. Dahil dito, ang lumaking testicles ay maaaring magbigay ng pressure sa tubong dinaraanan ng sperm upang marating ang vas deferens kung saan ito mananatili hanggang sa ejaculation, na kilala bilang epididymis. Nagreresulta ito sa hindi komportableng pakiramdam sa paligid ng testicular area.
Para sa iba, ang edging, kung saan ang isang indibidwal na nagsasagawa ng mga sekswal na gawain at nananatiling aroused sa loob ng mahabang oras at hindi nakatamo ng orgasm, ay maaaring magresulta sa blue balls.
Natuklasan din ng mga pag-aaral na ang mga sintomas ng blue balls ay nangyayari nang mas madalas sa mga kabataan, ngunit maaari ding maranasan ng mga nakatatanda.
Mga Sintomas Ng Blue Balls
Ang isang indibidwal na nakararanas ng mga sintomas ng blue balls ay nakararanas ng mabigat na pakiramdam, pananakit ng testicles matapos ang sekswal na arousal at bago matamo ang orgasm.
Hindi dapat masyadong malubha ang sakit at nagpapatuloy ito habang ang isang indibidwal ay aroused at ang kanyang titi ay naka-erect.
Ang ilan ay maaaring magkaroon ng bughaw na kulay sa kanilang scrotum dulot ng mataas na presyon ng dugo sa apektadong bahagi. Dito nagmula ang terminong blue balls.
Hindi tumatagal ang mga sintomas ng blue balls. Kapag ang isang indibidwal ay nakapaglabas ng sekswal na tensyon sa pamamagitan ng ejaculation at ang titi ay hindi na erected, mararanasan na ang maginhawang pakiramdam.
Gamutan Para Sa Blue Balls
Masososlusyunan ang mga sintomas ng blue balls sa pamamagitan ng pagpapababa sa pressure sa epididymis. Upang mangyari ito, ang sobrang dugo sa titi mula sa arousal ay dapat dumaloy pabalik.
Narito ang ilang paraan upang mapababa ang presyon ng dugo:
- Ejaculation, maaaring sa pamamagitan ng masturbation o pakikipagtalik
- Paglimita sa pagdaloy ng dugo sa titi sa pamamagitan ng pagligo ng malamig
- Pagbaba sa arousal sa pamamagitan ng pag-iisip tungkol sa mga di-sekswal na paksa
- Pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay upang mailagay ang pressure sa ibang bahagi ng katawan
- Pag-eehersisyo upang mabawasan ang arousal at gawing normal ang daloy ng dugo sa katawan
- Paglalagay ng ice pack sa scrotum upang mabawasan ang daloy ng dugo sa titi
Kailan Dapat Humingi Ng Medikal Na Atensyon
Karaniwang mabilis lamang din mawala ang mga sintomas ng blue balls, o agad matapos ang orgasm o bumaba ang arousal. Ang kondisyong ito ay hindi rin mapanganib at karaniwang hindi nangangailangan ng anumang seryosong medikal na gamutan.
Gayunpaman, kung ang hindi komportableng pakiramdam sa testicles ay magpatuloy kahit tapos na ang orgasm o kung ito ay maging sakit na iba sa unang pananakit, dapat agad na humingi ng medikal na atensyon.
Ang ilang mga mas malulubhang kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit sa bahagi ng testicle ay ang urinary tract infection, epididymitis (na maaaring sanhi din ng impeksyong nakukuha sa pakikipagtalik gaya ng gonorrhea), bali sa penis, kidney stones, at maging ang cancer sa testicle ay mangangailangan ng pagsusuri at gamutan ng isang propesyonal sa kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kalalakihan dito.