backup og meta

Luslos sa Bata: Alamin ang Sanhi, Sintomas, at Dapat Gawin

Luslos sa bata ang maaaring isa sa sanhi ng bukol sa singit ng iyong anak, lalo na kung malapit ito sa hita.  Tinatawag din itong hernia. Mapapansin na lumalaki ang bukol kapag nakatayo ang bata, umiiyak o umuubo. Nawawala naman ito kapag nagpapahinga lang siya. Maaaring ito rin ang dahilan ng kung bakit di humihinto sa pag-iyak ang anak mo.

Maaaring magkaroon ng luslos sa anumang edad ngunit pinakakaraniwan ito sa mga bagong silang. Hindi nga lamang napapansin sa loob ng ilang linggo o buwan pagkatapos ng kapanganakan. Maaaring mangailangan ng operasyon ang iyong anak upang itama ang isang inguinal hernia.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ano ang luslos sa bata?

Ang inguinal hernia ay madalas mangyari sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Mas mataas ang panganib na magkaroon ng luslos ang mga sanggol na ipinanganak nang wala sa panahon. Sa katunayan humigit-kumulang isang-katlo ng mga sanggol na lalaki na ipinanganak nang wala pang 33 linggong pagbubuntis ay nagkakaroon ng inguinal hernia.

Ang kondisyong ito ay nangyayari sa isa hanggang limang porsyento ng malusog na sanggol na mga lalaki na ipinanganak matapos ang buong termino ng pagbubuntis. Hanggang sa 30 porsyento ng mga sanggol na ipinanganak ng mas maaga ay may inguinal hernia.

Sanhi ng luslos sa bata

Ang isang sanggol ay maaaring magkaroon ng luslos sa mga unang buwan ng buhay. Nangyayari ito dahil sa kahinaan sa mga muscles ng tiyan. Ang inguinal at umbilical hernias ay sanhi ng bahagyang magkakaibang mga kadahilanan.

Sa panahon ng pagbubuntis, ang lahat ng mga sanggol ay may lugar na tinatawag na inguinal canal. Ito ay mula sa tiyan hanggang sa maselang bahagi ng katawan. Sa mga lalaki, hinahayaan nito ang paggalaw ng bayag mula sa tiyan patungo sa scrotum, na humahawak sa bayag.

Karaniwang nagsasara ang inguinal canal ng sanggol ilang sandali bago o pagkatapos ng kapanganakan. Ngunit sa ilang mga kaso ang kanal ay hindi ganap na nagsasara. Maaaring lumipat ang isang intestinal loop sa inguinal canal sa pamamagitan ng mahinang lugar sa tiyan at maging sanhi ng inguinal hernia.

Sintomas ng luslos sa bata

Maaari namang dahan-dahang itulak ng doktor ang umbok na ito kapag ang iyong anak ay kalmado at nakahiga. Madalas itong lumiliit o bumalik sa tiyan. Ngunit kapag hindi ito lumiit o bumalik, maaaring magresulta sa sumusunod na sintomas:

  • Pamamaga o umbok sa singit o scrotum
  • Sakit
  • Pagsusuka
  • Pagkabahala
  • Pamumula
  • Lagnat
  • Isang nasusunog o masakit na sensasyon sa umbok

Ang mga sintomas na ito ay maaaring magmukhang sanhi ng iba pang mga problema sa kalusugan. Tiyaking maikonsulta ito sa doktor na makapagbibigay ng mabilis at tamang diagnosis.

Paggamot ng luslos 

Hindi basta-basta nawawala ang inguinal hernia tulad ng ibang umbilical hernias. Kinakailangan ang operasyon upang itama ang depekto at maiwasan ang anumang pinsala sa mga nilalaman ng hernia. Ang operasyon upang ayusin ang isang inguinal hernia ay karaniwang tumatagal ng isang araw. Kadalasan ay maaari namang makauwi agad ang bata pagkatapos ng operasyon. Subalit para sa mga premature na sanggol, mas mabuting ma-admit sila sa ospital upang masubaybayan ang post-anesthetic apnea, na siyang iniiwasan na komplikasyon matapos ang operasyon.

Mga posibleng operasyon na pagpipilian ng doktor

Ang operasyon para sa pag-aayos ng inguinal hernia ay depende sa klinikal na sitwasyon. Narito ang mga posibleng uri ng operasyon na pagpipilian ng doktor:

  • Open repair kung saan gagawa ng maliit na hiwa sa singit at matapos ay sasarhan ang hernia. Ang balat ay gagamitan ng dermabond na isang pandikit upang hawakan ang mga gilid ng sugat ng bata at magsilbi na rin bilang waterproof dressing.
  • Open repair na ginagamitan ng laparoscopic na pagsusuri. Pareho rin sa open repair ang proseso subalit gagamitan ito ng laparoscope o maliit na camera upang tingnan kung may hernia sa kabilang dulo ng singit. Kapag may nakitang luslos, gagawa uli ng maliit na hiwa at aayusin.
  • Laparoscopic repair gamit ang isang maliit na camera na isisingit sa pusod. Aayusin ang hernia sa pamamagitan ng mga instrumentong ipapasok sa mga maliit na hiwa sa ibaba ng tiyan.

Ang pagkakakulong ng luslos ay nangyayari kapag ang mga laman nito tulad ng bituka ay na-trap at hindi na makabalik sa tiyan. Kadalasang nagdudulot ito ng masakit at matigas na umbok. Maaaring makompromiso ang suplay ng dugo sa mga laman ng luslos na tinatawag na strangulated hernia. Kapag nangyari ito, maaaring magkasakit nang husto ang bata.

Kung ang bata ay may mga palatandaan ng isang nakakulong na luslos, dapat agad siyang dalhin sa ospital para sa agarang pagsusuri ng isang pediatric surgeon upang maiwasan ang anumang pinsala sa mga nilalaman ng hernia.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions—pediatrics/i/inguinal-and-umbilical-hernias-in-children.htmlhttps://my.clevelandclinic.org/health/treatments/4337-inguinal-hernia-treatment-for-childrenhttps://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=90&ContentID=P03092https://www.chop.edu/conditions-diseases/inguinal-herniahttps://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/abdominal/Pages/Inguinal-Hernia.aspx

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement