Ano ang Hirsuties Coronae Glandis?
Tinatawag na Hirsuties Coronae Glandis o Pearly Penile Papules (PPP) ang asymptomatic, hindi masakit, at benign na lesion o butlig-butlig sa ari ng lalaki. Nangyayari ito madalas pagkatapos ng pagbibinata ng mga bata. Madalas magkaroon ng kondisyong ito ang mga lalaking hindi tuli.
Kamukha ng mga lesion na ito ang mga sexually transmitted infection (STI), tulad ng condyloma acuminata, at bukod dito, hindi na kapareho pa ng iba. Samakatuwid, limitado lamang sa mga pasyente na labis na nag-aalala sa PPP treatment. Mababa din ang posibilidad na maulit ang kondisyon na ito.
Nauugnay din sa iba pang katawagan ang Hirsuties Coronae Glandis, kabilang dito ang:
- Pearly penile papules
- Hirsutis papillary corona ng penis
- Hirsutoid papillomas
- Corona capilliti
- Tyson glands
- Hirsutoid papillomas
- Papillae coronis glandis
- Papilla sa corona glandis
- Pink pearly papules
- Hirsuties coronae glandis
- Hirsutoid papilloma
Maliliit lang ang mga butlig-butlig sa ari ng lalaki, wala itong sintomas, filiform ang hugis, o palobo ang mga butlig na nabubuo sa coronal rim ng penis. Lumilitaw ang mga butlig sa isa o ilang hilera sa glans penis, lalo na sa harapan. Maaaring may isa o maraming row. Marami sa mga kaso ang may isa o dalawang row ng mga butlig sa rim. Maaaring nasa hindi normal na lokasyon sa penile shaft ang mga butlig, at maaari din silang lumabas sa buong glans.
Hirsuties Coronae Glandis: Mga Sintomas
Mga pangunahing sintomas ng PPP:
- Matulis, pare-pareho, at palobo na butlig-butlig sa ari ng lalaki
- Malaman na lesion o butlig
- Makinis na butlig
- Nasa 1 hanggang 4 mm ang sukat
- Mga puti o kakulay ng balat na mga spot
- Maraming hilera ng mala-warts na butlig-butlig sa ari ng lalaki
- Katulad ng hitsura ng mga sexually transmitted infection
Hirsuties Coronae Glandis: Mga Sanhi
Hindi mga sexually transmitted infection o poor hygiene ang nagsasanhi ng butlig-butlig sa ari ng lalaki. Hindi nangyayari ang kondisyon na ito dahil sa iba pang impeksyon o iba pang natatagong dahilan. Benign o pre-malignant ang mga bukol na ito.
Hirsuties Coronae Glandis: Diagnosis
Na-da-diagnose ng mga doktor ang PPP pagtapos magsagawa ng pisikal na pagsusuri, at imbestigasyon sa personal medical history at lifestyle habit ng pasyente. Narito ang mas detalyadong proseso ng diagnosis.
Pisikal na pagsusuri: Susuriin nang mabuti ng doktor ang apektadong bahagi. Gaya ng nabanggit kanina sa article, maaaring kamukha ng mga butlig nito ang mga sintomas ng sexually transmitted infection. Gayunpaman, kailangan tandaan ng isang tao na hindi masakit ang mga butlig na mayroon siya, at hindi ito nangyayari sa mga STI. Maaari din itanong ng iyong doktor kung pabalik-balik ang kondisyon na ito. Kung nagkaroon na rin ng butlig noon, may maliit na posibilidad na isa itong pearly papules. Sa kadahilanang mababa ang posibilidad na maulit ito.
Imbestigasyon tungkol sa personal medical history at lifestyle: Dahil sa pagkakahawig nito sa STI kaya maaaring magtanong ang doktor tungkol sa lifestyle at sexual practices ng pasyente. Malaki rin ang posibilidad na magtanong ang doktor kung mayroong personal medical history ng mga sexually transmitted infection at diseases.
Hirsuties Coronae Glandis: Treatment
Dahil hindi masakit ang kondisyon na ito, benign, at kadalasang nawawala sa pagtanda, karaniwang hindi inirerekomenda ng mga doktor ang treatment maliban kung ito ay nagdudulot na ng hiya o labis na pag-aalala.
Sumusunod ang mga treatment na maaaring pagpilian, kung inireseta sila:
- Cryotherapy: Pinapatigas ang mga butlig gamit ang liquid nitrogen.
- CO2 laser ablation: Isa itong laser therapy na gumagana sa pamamagitan ng paggawa ng thermal injury sa tulong ng patuloy na pagtutok ng mga wave ng CO2 sa apektadong bahagi. Ginagawa ito sa ilalim ng anaesthesia.
- Pulsed dye laser: Tinitiyak ng ganitong uri ng non-ablative laser treatment na maaalis ang PPP nang kaunti lamang ang nararamdamang hindi magandang pakiramdam at sakit. Nakadepende ang bilang ng laser session sa kalubhaan ng mga butlig. Hindi rin nag-iiwan ng mga impeksyon ang laser treatment na ito, at mababa rin ang posibilidad na maulit ito at magdulot ng masamang epekto.
Key Takeaway
Tinatawag na Hirsuties Coronae Glandis o Pearly Penile Papules ang benign at hindi masakit na butlig-butlig sa ari ng lalaki. Bagaman mukha itong STI, hindi ito isang STI. Karaniwang hindi rin ito nangangailangan ng treatment.
Matuto pa tungkol sa iba pang mga isyu sa kalusugan ng lalaki dito.