backup og meta

3 Benepisyo ng Pag-ahit ng Balbas, Ayon Sa Mga Doktor

3 Benepisyo ng Pag-ahit ng Balbas, Ayon Sa Mga Doktor

Hot trend ngayon ang pagpapatubo ng balbas, pero may mga kalalakihan pa rin na gusto maging “balbas free” para ma-achieve nila ang “looking young and clean vibes” na itsura at aura. Kaya hindi nakapagtataka bakit marami sa kanila ang ugali ang pag-ahit ng balbas, ngunit alam mo ba na mayroon itong mga positibo at negatibong epekto?

Patuloy na basahin ang artikulong ito upang malaman ang mga benepisyo at hindi magandang epekto ng pag-ahit ng balbas, ayon sa mga eksperto, doktor, at dermatologist.

Benepisyo ng pag-aahit ng balbas

  1. Malusog na balat

Ang pag-aahit ng mga lalaki ng balbas ay nagsisilbing isang malambot na masahe para sa kanilang mukha na nagpapahintulot sa balat na marelax. Nakakatulong din ang pag-aahit para manatiling malusog ang balat sa pamamagitan ng pagbawas ng panganib na magkaroon ng acne sa iyong balat

  1. Pag-exfoliate ng balat

Sa oras na nag-ahit ka ng balbas, hindi lamang tinatanggal ng pag-aahit ang buhok sa iyong mukha, kundi tinatanggal din nito ang napakanipis na layer ng dead skin cells sa pinaka ibabaw na layer ng iyong balat. Sa pagkatanggal ng buhok at dead skin, maaaring magkaroon ka ng “refreshing” na pakiramdam dahil sa “cooling effect na mayroon karamihan sa mga aftershave.

  1. Mas batang itsura

Dahil maaaring maganap ang exfoliating sa pag-aahit, asahan mo na nare-replenish ang rejuvenate nang mas mabili ang iyong balat na nagreresulta ng mas batang itsura dahil sa kalusugan ng balat.

Hindi magandang epekto ng pag-aahit

  1. Skin Irritation

Mahalaga na alam mo ang iyong skin type o kung nagtataglay ka ng sensitibong balat, dahil may posibilidad na makaranas ka ng pangangati ng pag-ahit at iritasyon — at magkaroon ng shave bumps at acne. 

  1. Impeksyon sa balat

Maaaring maging sanhi ng pagkakaroon mo ng impeksyon sa balat ang pag-aahit, partikular kung hindi malinis ang mga kagamitan sa pag-aahit, o nag-ahit ka ng mayroon kang sugat. Kaya naman mahalaga na suriin ang mga produkto at kagamitan sa pag-aahit, dahil pwede kang magkaroon ng impeksyon sa balat dahil sa hindi pagiging malinis – at paggamit ng hindi angkop na produkto.

Masama ba ang araw-araw na pag-ahit ng balbas?

Ang pag-aahit ng balbas araw-araw ay maaaring makasama kung mayroon kang sensitive skin, o naiirita ang iyong balat pagkatapos mag-ahit. Mas mainam kung hindi mo ito araw-araw gagawin o mag-ahit lamang sa panahon na kailangan ito para mapanatili pa rin na malinis ang iyong hitsura, at mabawasan ang iyong panganib na magkaroon ng “shave irritation” at ingrown hairs.

Pero kung hindi naman sensitibo ang iyong balat, wala namang problema sa pag-aahit ng iyong balbas araw-araw. Kinakailangan mo lamang na maayos at malinis ang proseso ng pag-aahit maging ang mga kagamitan na gagamitin sa pagtanggal ng balbas upang maiwasan ang anumang iritasyon at komplikasyon.

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor tungkol sa pag-aahit?

Dapat kang magpakonsulta sa doktor kapag nagkaroon ka ng mga hinala na nagtataglay ka ng impeksyon sa balat, o iba’t ibang skin condition pagkatapos mong mag-ahit. 

“If they start to see these acne-like bumps or little scar tissue-like bumps, they should make sure that they’re washing appropriately. They should be careful with their trimming practices to not shave as close to the skin. And they should investigate whether they could have an infection and, if so, seek treatment,” pahayag ni Dr. Davis

Ang pagpapakonsulta sa doktor sa oras na mapansin ang matinding pagbabago ng balat at iritasyon ay makakatulong para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.

Payo ng mga doktor sa pag-aahit

Ayon sa Mayo Clinic dermatologist ang pag-aahit na masyadong malapit sa balat ay pwedeng magresulta ng problema sa ibang mga tao. Ibig sabihin nito, kinakailangan na maging maingat pa rin sa pag-aahit para maiwasan ang anumang problema sa balat.

Ang hindi pag-aahit nang wasto at malinis ay maaaring magresulta ng malilit na bumps o bukol na pwedeng maging masagwa para sa iyo. 

“That can cause little bumps that erupt like razor burn, but more extensive along the beard area and the neck. And that we call acne keloidalis or acne barbae, or other conditions that then cause lumps of retained hair along the beard area, mustache area or back of the neck,” pagdaragdag ni Dr. Davis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Are Beards Good Or Bad For Men’s Health? https://healthcare.utah.edu/healthfeed/postings/2015/04/042215_cvarticle-beard-health.php Accessed January 3, 2023 

Does shaving unwanted body hair makes it grow back thicker and darker?

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/hair-removal/faq-20058427 Accessed January 3, 2023

Healthy Lifestyle, Adult Health, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/multimedia/shaving-too-close-can-cause-skin-problems/vid-20527474 Accessed January 3, 2023

Mayo Clinic Minute: Shaving too close can cause problems, https://www.uniondemocrat.com/lifestyle/article_f8fba87c-53e0-11ec-b674-cb8c2ae51974.html Accessed January 3, 2023

Hair Removal: How To Shave? https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-basics/hair/how-to-shave Accessed January 3, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Pearly Penile Papules: Bakit Nagkakaroon ng Butlig-butlig sa Ari ng Lalaki

Hernia: Ano Ito at Ang Minimally Invasive Robotic Hernia Repair Surgery


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement