backup og meta

Ano Ang BPH o Benign Prostatic Hyperplasia?

Ano Ang BPH o Benign Prostatic Hyperplasia?

Ang prostate gland ay isang gland na naglalabas ng fluid na nakatutulong upang protektahan ang sperm cells. Habang tumatanda ang mga kalalakihan, ito ay maaaring lumaki, at nagiging sanhi ng kondisyong tinatawag na benign prostatic hyperplasia o BPH. Ano ang BPH? At paano ito ginagamot?

Ang BPH ay maaaring maging sanhi ng mga problema. Isa ito sa mga kadahilanan kung bakit ang mga kalalakihang nasa edad 50 o pataas ay dapat na ipasuri ang kanilang prostate. Ang mga sintomas ng BPH vs prostate cancer ay maaaring maging magkapareho, kaya mahalaga ang pagpapasuri ng prostate. Ngunit ano ang BPH?

Ano Ang Benign Prostatic Hyperplasia? 

Ano ang BPH? BPH ang iba pang tawag sa malaking prostate gland. Ito ay karaniwang kondisyon sa mga matatandang kalalakihan, at kadalasan itong hindi sanhi ng alalahanin. Gayunpaman, dahil ang prostate ay nasa likod na bahagi ng pantog, ito ay maaaring maging sanhi ng problema sa pag-ihi. 

Kung ang prostate ay masyadong malaki, ito ay makaaapekto sa pantog. Ito ay maaaring humantong sa tyansang magkaroon ng impeksyon sa pantog. Mayroon ding posibilidad na magkaroon ng dugo sa ihi. Gayundin maaaring masira ang kidney kung ito ay lumaki nang sobra.

Isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay ang mga sintomas ng BPH vs prostate cancer ay minsan nagkakatulad. Subalit ang pagkakaroon ng BPH ay hindi nagiging sanhi ng prostate cancer. Ang BPH ay isang benign na kondisyon, subalit posibleng parehong magkaroon ng BPH at prostate cancer sa isang pagkakataon.

Ano Ang Mga Sanhi Ng BPH?

Ang mga sanhi ng paglaki ng prostate ay hindi masyadong malinaw, ngunit naniniwala ang mga siyentista na ito ay may kaugnayan sa hormonal imbalance habang tumatanda ang mga kalalakihan.

Isa sa mga posibleng kadahilanan ay ang pagtanda ng mga kalalakihan. Ito ay dahil nagpoprodyus sila ng kaunting testosterone, na nagiging sanhi ng hindi balanseng lebel nito at ng estrogen sa katawan. Pinaniniwalaang ang estrogen marahil ang sanhi upang ang cells sa prostate ng lumaki.

Isa sa mga siguradong bagay ay halos 50% ng mga kalalakihang nasa pagitan ng edad 50 hanggang 60 ay may BPH. Ito ay karaniwang kondisyon, at habang tumatanda ang mga kalalakihan, tumataas din ang posibilidad na magkaroon ng BPH.

Ano Ang BPH? Mga Sintomas Ng BPH vs Prostate Cancer

Ang mga sintomas ng BPH vs prostate cancer ay maaaring lubhang magkatulad. Ito ay dahil ang prostate cancer ay maaari ding maging sanhi ng paglaki ng prostate dulot ng hindi normal na paglaki ng cells.

Narito ang ilan sa mga magkaparehong sintomas ng BPH vs prostate cancer: 

  • Hirap sa pag-ihi, o mabagal na pagtulo ng ihi.
  • Madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi 
  • Pahinto-hintong pagtulo ng ihi
  • Kinakailangan may gawin upang lumabas ang ihi
  • Maaaring maging sintomas din ang erectile dysfunction.

Gayunpaman, dahil ang prostate cancer ay nagreresulta sa hindi normal na paglaki ng cell, may mga tiyak na sintomas na hindi nararanasan ng mga may BPH. 

Narito ang ilan sa mga sintomas: 

  • Masakit o burning sensation sa tuwing umiihi
  • Pagkakaroon ng dugo sa semilya o ihi
  • Pananakit ng likod, malapit sa balakang at pelvis. 

Mayroon ding posibilidad na nasa maagang yugto ng prostate cancer, ngunit hindi nakakaranas ng mga sintomas na hindi kabilang sa mga ito. Ang mga sintomas ng BPH vs prostate cancer ay maaaring mapagkamalan sa isa’t isa. Kaya minsan ang pagpapasuri ay ang tanging paraan upang malaman kung ikaw ay may cancer. 

Bagama’t ang cancer ay isang pangunahing kondisyon sa kalusugan, napakahalaga pa rin para sa mga taong may BPH na ingatan ang kanilang kalusugan. Ito ay dahil ang mga sintomas nito ay maaaring lumubha, at maging sanhi ng iba pang problema sa daluyan ng ihi at bato. 

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga kalalakihang nasa edad 50 pataas na magpasuri ng kanilang prostate, at kumonsulta sa kanilang doktor kung nakakaranas ng anomang kakaibang sintomas. Ang maagang pagtuklas ay nakapagpapababa sa tyansang magkaroon ng sakit na ito.

Ano Ang BPH? Paano Ito Mapipigilan?

Walang tiyak na paraan upang mapigilan ang BPH, dahil hindi pa rin sigurado ang mga siyentista sa mga tiyak na sanhi nito.

Gayunpaman, pinaniniwalaang ang pagkakaroon ng masustansyang diet at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan ay maaaring makapagpababa ng tyansang magkaroon ng BPH. Ito ay dahil ang pagkakaroon ng sobrang fat sa katawan at nagpapataas ng lebel ng hormone, at maaari nitong mapataas ang tyansa na magkaroon ng BPH. 

Ang diabetes at sakit sa puso ay kilala ring nakapagpapataas ng tyansa na magkaroon ng BPH. Kaya ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at regular na ehersisyo ay maaaring makapagpababa sa tyansnag magkaroon nito.

Posibile rin na ang isang taong may malusog ang pangangatawan ay makaranas ng BPH. Kaya mahalaga para sa mga kalalakihan na mapasuri ang kanilang prostate habang sila ay tumatanda.

Ano Ang BPH? Paano Ito Ginagamot?

Posibleng mabuhay ang isang tao na may BPH nang hindi ito lubhang inaalala. Gayunpaman, habang tumatanda ang mga kalalakihan, ang prostate ay mas lumalaki. Nangangahulugan itong ang mga sintomas ay maaaring progresibong lumubha.

Narito ang ilan sa mga mas karaniwang gamutan sa BPH 

  • Ang doktor ay magrereseta ng mga gamot na makakatulong na ma-relaks ang muscle sa prostate upang mapadali ang pag-ihi.
  • May mga gamot na tinatawag na 5-alpha reductase inhibitors na maaaring makatulong sa pagbagal ng paglaki at kalaunan ay pagliit ng prostate.
  • Kasama rin sa mga pagpipilian ang operasyon. Ang uri ng isasagawang operasyon ay nakadepende sa kalubhaan ng BPH. Kadalasan, ang sobrang tissue sa prostate ay tinatanggal, at sinusuri ito upang malaman kung ito ay cancerous. 
  • Sa mga napakalubhang kaso, ang pagtanggal sa prostate ay maaaring kailanganin. Ngunit ito ay maaaring maging mapanganib na proseso, kung kaya maaaring unahin munang gawin ang ibang proseso bago ito.

May ibang pinipili ang “watchful waiting” kung saan inoobserbahan ng taong may BPH ay ang mga sintomas, at sumailalim sa taunang pagpapasuri sa doktor. Kung mas lumubha ang mga sintomas, dito na nila pinipili ang pagpapagamot.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kalalakihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Benign prostatic hyperplasia (BPH) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/benign-prostatic-hyperplasia/symptoms-causes/syc-20370087, Accessed 26 May 2020

Benign Prostatic Hyperplasia (BPH): Symptoms, Diagnosis & Treatment – Urology Care Foundation, https://www.urologyhealth.org/urologic-conditions/benign-prostatic-hyperplasia-(bph), Accessed 26 May 2020

Definition of benign prostatic hypertrophy – NCI Dictionary of Cancer Terms – National Cancer Institute, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/benign-prostatic-hypertrophy, Accessed 26 May 2020

Benign prostate enlargement – NHS – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/prostate-enlargement/, Accessed 26 May 2020

BPH (hypertrophy vs. hyperplasia) – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mens-health/bph-hypertrophy-vs-hyperplasia, Accessed 26 May 2020

Kasalukuyang Version

10/18/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito

Lalaking may Malaking Suso? Ano ang Gynecomastia?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement