backup og meta

Share

7 Warning Signs Sa Babae Na Hindi Dapat Balewalain!

Sa kabila ng kahalagahan ng pag-recognize, at pag-address sa mga warnings sign, at symptoms na pwedeng maranasan ng isang babae, marami pa rin sa kanila ang patuloy na binabalewala ang mga ito. Maaaring iugnay ang pag-uugali na ito sa iba’t ibang factors, tulad ng societal expectations, takot na mahusgahan, kawalan ng kamalayan, at pag-uugali na unahin parati ang mga pangangailangan ng iba kaysa sa sariling kapakanan. 

7 Warning Signs Sa Babae Na Hindi Dapat Balewalain!
7 Warning Signs Sa Babae Na Hindi Dapat Balewalain!

Gayunpaman, ang hindi pambabalewala sa mga sintomas at sakit na nararamdaman ay mahalaga para mabigyan sila ng mga healthcare provider nang angkop na diagnosis at paggamot. Ang maagang pagtukoy rin sa mga warning sign nang maaga ay makakatulong para maagapan ang anumang sakit na mayroon ang isang babae.

Kaya naman narito ang 7 warnings signs sa babae na hindi dapat balewalain at dapat bigyan ng medikal na paggamot.

7 Warning Signs Sa Babae, Ayon Kay Dr. Willie Ong

Isa sa pinakabagong vlog ni Dr. Willie Ong ang “7 Warning Signs Sa Babae Na Madalas Na Binabalewala”, kung saan ipinaliwanag niya at ang kanyang asawang doktor ang kahalagahan ng pag-alam ng mga warning sign sa mga babae. Ayon rin sa kanila may 7 warning signs sa babae na dapat bantayan, at narito ang mga sumusunod:

  1. Kahirapan o nahihirapan sa paghinga

Maaaring ito ay isang senyales sa mga babae na mayroon silang kondisyon sa puso, sakit sa baga, o iba pang mga isyu sa paghinga. Sa ilang mga kaso, pwede rin itong maging tanda ng isang matinding allergic reaction o isang panic attack.

  1. Biglaang Pamamanhid sa anumang bahagi ng katawan

Ang biglaang pamamanhid, lalo na sa isang bahagi ng katawan, ay maaaring senyales ng isang stroke. Bukod pa rito, ayon na rin sa iba pang doktor at pag-aral ang iba pang mga neurological condition ay maaari ring maging sanhi ng pamamanhid.

  1. Biglaang pagtaas o paglakas ng regla

Ang biglaang paglakas o pagtaas ng regla ay maaaring maging senyales ng iba’t ibang gynecological issues, tulad ng fibroids, polyp, endometriosis, o kahit ilang uri ng cancer tulad ng uterine cancer.

  • Sakit/Pain habang nagse-sex 
  • Ito ay maaaring sintomas ng iba’t ibang kondisyon, kabilang ang endometriosis, pelvic inflammatory disease, o ovarian cyst. Maaari rin itong maging tanda ng mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik.

    1. Pagkakaroon ng unusual na nunal sa katawan

    Ang mga nunal na nagbabago sa laki, hugis, o kulay ay maaaring senyales ng kanser sa balat, kabilang ang melanoma, na siyang pinaka-mapanganib na uri ng kanser sa balat.

    1. Bukol sa suso

    Paaalala ng mga doktor

    Ang mga warning sign sa babae na nabanggit ay maaaring maiugnay sa ilang malulubhang kondisyon, ito’y ayon na rin sa iba’t ibang doktor at pag-aaral. Bagama’t ang mga sintomas na ito ay kadalasan na hindi awtomatikong nagpapahiwatig ng isang kondisyon na nagbabanta sa buhay, dapat pa rin itong seryosohin. Lalo na kung nakakaranas ka nang hindi pangkaraniwan o paulit-ulit na sintomas. Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan na humingi ka ng agarang medikal na konsultasyon upang maagapan ang anumang sakit na mayroon ka, at maiwasan ang mga komplikasyon at pagkamatay. Hindi ka rin dapat mahiya na magpakonsulta sa doktor dahil sila ang isa sa higit na makakatulong sa inyo para makakuha ka ng wastong diagnosis at paggamot.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Warning Signs for Women, https://www.spectrumhealthlakeland.org/medical-services/cardiology-services/know-the-warning-signs/warning-signs-for-women Accessed June 26, 2023

    Heart Attack Symptoms in Women, https://www.heart.org/en/health-topics/heart-attack/warning-signs-of-a-heart-attack/heart-attack-symptoms-in-women Accessed June 26. 2023

    Heart Disease In Women: Understanding Symptoms And Risk Factors. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/heart-disease/art-20046167 Accessed June 26, 2023

    Warning Signs and Risk Factors for Emotional Distress, https://www.samhsa.gov/find-help/disaster-distress-helpline/warning-signs-risk-factors Accessed June 26, 2023

    10 symptoms women often ignore but shouldn’t, https://www.eehealth.org/blog/2022/03/10-symptoms-women-should-know/ Accessed June 26, 2023

     

    Kasalukuyang Version

    05/03/2024

    Isinulat ni Lornalyn Austria

    Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

    In-update ni: Jan Alwyn Batara

    avatar

    Sinuri ni Hello Doctor Medical Panel · General Practitioner · · Isinulat ni Lornalyn Austria · In-update noong 05/03/2024

    ad iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    ad iconadvertisement
    ad iconadvertisement

    Country FlagCountry FlagCountry FlagCountry FlagCountry FlagCountry FlagCountry FlagCountry Flag