Nakalilito ang bacterial vaginosis (BV) at yeast infection. Minsan iniisip mo kung, “may BV ba ako o yeast infection?,” tandaan ang mga sumusunod na impormasyon.
Ang BV at vaginal yeast infection ay karaniwang porma ng vaginitis
Ano ang pagkakaiba bacterial vaginosis o yeast infection? Natural lang na malito sa dalawang kondisyon na ito dahil sila ay parehong uri ng vaginitis o vulvovaginitis, isang karaniwang kondisyon sa mga babae na nasa reproductive years.
Nangyayari ang vaginitis kung ang labas na parte ng bahagi ng ari ng babae ay infected at namamaga —karaniwan, ang mga babae na may vaginitis ay nakararanas ng pangangati, hapdi, abnormal discharge at amoy sa vagina.
Ngunit kahit na magkapareho ang mga sintomas, ang bacterial vaginosis at vaginal yeast infection ay may tiyak na katangian. Kailangan na malaman ng mga babae ang pagkakaiba ng katangian nito dahil ang mga kondisyon na ito ay may magkaiba na lunas.
Lunas para sa Bacterial Vaginosis o Vaginal Yeast Infection
Upang lalong malaman ang kahalagahan ng pag-alam ng pagkakaiba ng yeast infection sa bacterial vaginosis, pag-usapan natin ang lunas.
Ang vaginal yeast infection ay nangyayari kung dumami ang Candida, isang uri ng fungi, sa vagina. Para sa rason na ito, ang doktor ay magbibigay ng over-the-counter (OTC) antifungal cream upang magamot ang sintomas sa loob ng ilang araw.
Sa kabilang banda, ang BV infection ay nangyayari kung may imbalance sa bacterial environment ng bacteria, bibigyan ka ng doktor ng reseta ng antibiotics para sa gamot.
Dahil ang dalawang kondisyon ay nilulunasan sa magkaibang paraan, hindi dapat mag-self-medicate ang babae. Sa ibang mga kaso, ang mga babaeng bumibili at gumagamit ng OTC antifungals para sa kanilang sintomas ng vaginitis, ay naiinis dahil hindi nawawala ang kanilang sintomas.
Sa oras na kumonsulta na sila sa doktor, malalaman nila na ang kanilang kondisyon pala ay bacterial vaginosis.
Bacterial Vaginosis o Vaginal Yeast Infection: Paano malalaman ang pagkakaiba
Sa unang kita, ang sintomas ng dalawa ay pareho, ngunit may ilan pa ring pagkakaiba.
Kung ito ay bacterial vaginosis:
Kung may bacterial vaginosis, ikaw ay may:
- Manipis na vaginal discharge na mapapansin matapos makipagtalik. Ang kulay ay maaaring iba-iba; maaaring gray o puti, at maaaring profuse. Sa consistency naman, maaaring matubig o foamy.
- Matapang at “malansa” na amoy
- Mahapding pakiramdam lalo na kapag umiihi
- Makating vagina
- Walang pamumula o pamamaga sa bahagi ng ari
Kung ito ay vaginal yeast infection:
Sa kabilang banda, ang vaginal yeast infection ay madalas na humahantong sa mga sumusunod na sintomas:
- Makapal na puting discharge. Karamihan ng mga babae ay inilalarawan ito na “cottage cheese” na consistency.
- Walang amoy
- Mahapdi sa tuwing nakikipagtalik o umiihi
- Pangangati ng vagina
- Soreness, pamumula, at pamamaga sa bahagi ng vagina
Susunod na mga hakbang
Sabihan na natin na sinuri mo maigi ang mga sintomas at natukoy ang kondisyon, ano ang susunod na gagawin? Ang susunod na hakbang ay magpatingin pa rin sa doktor.
Kung ito ay bacterial vaginosis, kailangan mo ng antibiotics, at ang doktor lamang ang makapagbibigay ng reseta nito. Huwag uminom ng antibiotics na walang pahintulot ng doktor.
Kung sakaling naniniwala ka na ang kondisyon mo ay vaginal yeast infection, maaaring naisin mo na mag-self-medicate; sa kabila ng lahat, mabibili ang antifungal creams na OTC sa mga pharmacy. Gayunpaman, hindi pa rin ito magandang ideya. Nasa ibaba ang mga sumusunod na rason bakit:
- Ipinakita ng pag-aaral na ⅔ ng mga babae na bumibili ng antifungal ay wala talagang yeast infection. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang kondisyon nila ay BV o isang uri ng sexually-transmitted disease. Upang makasiguro sa kondisyon, humingi ng tulong sa doktor.
- Maaari kang maging resistant sa gamot ng yeast infection. Ang paggamit ng antifungals na wala kang yeast infection ay maaaring magpahirap na gamutin ang yeast infection sa hinaharap.
- Ang ilang antifungal na gamot ay nagpapahina ng pamamaraan ng birth control. Maaaring mapataas nito ang tsansa na mabuntis o malagay sa panganib na magkaroon ng STIs.
Ang punto rito ay, kung natukoy mo ang pagkakaiba ng BV sa yeast infection, kailangan pa ring kumonsulta sa doktor.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Bacterial Vaginosis dito.