backup og meta

Gamot Sa Myoma Na Hindi Inooperahan, Posible Ba?

Gamot Sa Myoma Na Hindi Inooperahan, Posible Ba?

Ang myoma o uterine fibroids, ay isang kondisyon kung saan ang tumor ay lumalaki sa loob ng uterus o sinapupunan. Ito ay karaniwang nakaaapekto sa mga babae sa kanilang reproductive years. At habang marami ang pamilyar dito, ang haka-haka tungkol sa gamot sa myoma na hindi nangangailangan ng operasyon ay nakalilito para sa mga mayroon ng kondisyon na ito. Dito, itatama natin ang tatlong misconception tungkol sa paggamot ng myoma.

Haka-Haka #1 – Cancer Treatment Ang Kailangan Sa Myoma

Ang ilang mga tao ay iniisip na ang pagkakaroon ng myoma ay pagkakaroon din ng cancer. Sa teknikal na usapan, ang myoma ay tumor, na iniuugnay natin sa cancer.

Gayunpaman, ang uterine fibroid tumors ay benign – hindi cancerous. Ang ibig sabihin nito na habang lumalaki ang myoma, hindi ito kumakalat, o sisira ng katabi o malayong mga structures.

Sa madaling salita, ang mga babaeng may myoma ay hindi kailangan ng cancer treatment.

Haka-Haka #2 – Ang Tanging Gamot Sa Myoma Ay Ang Pagtanggal Ng Uterus

Totoo na ang pagtanggal ng myoma gamit ang operasyon na pagtanggal ng matris (hysterectomy) ay nanatiling tanging napatunayan at permanenteng paraan upang mapigil ang myoma. Gayunpaman, hindi lang ito ang paraan paano ito malulunasan. 

Sa katunayan, masasabi natin na ito ang karaniwang huling option, dahil ang pagtanggal ng uterus gamit ang operasyon ay ibig sabihin na hindi na muling magbubuntis ang babae.

Sa halip na pagtanggal ng parte ng uterus gamit ang operasyon, maaaring irekomenda ng doktor ang mga sumusunod na lunas:

Paggamot

Upang paliitin ang tumor, ang doktor ay maaaring magbigay ng gamot upang mahinto ang produksyon ng reproductive hormones na estrogen at progesterone.

Ang pagpigil sa production ng sex hormones ay nagpapahinto sa paglaki ng tumor. Gayundin, ang gamot sa myoma nang walang operasyon ay kinakailangan ng gamot na nakatutulong sa pagpigil ng sintomas tulad ng cramps at malalang pagdurugo.

MRI-Guided Ultrasound Procedure

Isa pang paraan upang malunasan ang myoma ay ang MRI-guided procedure. Sa procedure na ito ang pasyente ay hihiga sa loob ng magnetic resonance imaging (MRI) scanner. Habang nakahiga, ang MRI machine ay nagpro-produce ng mga larawan na nagpapakita ng eksaktong lokasyon ng myoma. Kapag natukoy na ng doktor ang eksaktong lokasyon ng tumor, ididirekta niya ang ultrasound waves sa tumor upang mainitan at paliitin ito.

Uterine Artery Embolization

Ang uterine artery embolization, tinatawag ding uterine fibroid embolization, ay nagiging kilalang lunas na sa mga babaeng hindi na nagnanais na mabuntis.

Sa lunas sa myoma na ito, hindi na kinakailangan ng operasyon. Magtuturok ang doktor ng embolic agent sa uterine arteries. Ang agent ay magpapahinto sa blood supply sa uterus, at mawawalan ng dugo ang tumor. Bilang resulta, ang tumor ay liliit at mamatay.

Tandaan na ang doktor ay maaaring hindi irekomenda ito kung ikaw ay nagpaplano na mabuntis. Ito ay sa kadahilanan na maaaring mapinsala nito ang daloy ng dugo sa uterus at makompromiso ang uterine lining. Kung masira ang lining, ang embryo ay maaaring mahirapan na dumikit dito.

Ngunit ayon sa US Fibroid Centers, maraming mga babae ang matagumpay na nabubuntis matapos ang uterine fibroid embolization.

gamot sa myoma

Haka-Haka #3 – Kailangan Na Tanggalin Ang Tumors

Ang pagtanggal ng tumor ay hindi laging inirerekomenda. Sa katunayan, maraming mga babae ang may ganitong kondisyong pero hindi nila ito alam dahil hindi sila nakararanas ng sintomas.

Kung nalaman mo lang ang tumor dahil sa routine exam at hindi dahil nagkaroon ng sintomas, maaaring irekomenda ng doktor na bantayan at maghintay.

Ang pagbabantay at paghihintay ay isa ring “lunas” sa myoma na hindi sumasailalim sa operasyon. Sa pamamaraan na ito, ang mga babae ay pinapayuhan na obserbahan kung sila ay nakaranas ng sintomas. Gayundin, ang doktor ay maaaring mag-schedule ng mga tests upang makita kung nagbabago ang laki nito. Kung makakita sila ng pagbabago, magrerekomenda sila ng mga kinakailangang paggamot.

Key Takeaways

Ang myoma o uterine fibroids ay benign tumors na lumalaki sa uterus. At dahil ito ay benign, ang pasyente ay hindi kinakailangan na makatanggap ng lunas sa cancer. Gayundin, ang pagtatanggal ng uterus gamit ang operasyon ay hindi lang nag-iisang solusyon. Ang paglunas sa myoma nang walang operasyon ay nangangailangan ng gamutan, MRI-guided ultrasound procedure, at uterine artery embolization.
Gayundin, posible rin para sa mga pasyente na may myoma na walang maranasan na sintomas at hindi mabigyan ng lunas. Sa ganitong mga kaso, maaaring magrekomenda ang doktor ng pagbabantay at paghihintay, isang paraan upang obserbahan ang mga senyales at sintomas at pagsasailalim sa tests upang makita kung ang tumor ay nagbago.

Matuto pa tungkol sa Uterine Fibroids dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

9 SHOCKING MYTHS ABOUT FIBROID TREATMENT, https://www.usafibroidcenters.com/blog/9-myths-about-fibroid-treatment/, Accessed January 18,2021

MYTHS AND FACTS ABOUT UTERINE FIBROIDS, https://www.texasurogynlaser.com/2019/09/01/myths-and-facts-about-uterine-fibroids/, Accessed January 18,2021

Mayo Clinic Minute: 4 myths about fibroids, https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-minute-4-myths-about-fibroids/, Accessed January 18,2021

Uterine fibroids, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/uterine-fibroids/diagnosis-treatment/drc-20354294, Accessed January 18,2021

Don’t Believe These 5 Fibroid Myths, https://www.npobgyn.com/blog/dont-believe-these-5-fibroid-myths, Accessed January 18,2021

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Totoo bang Nakaka-cancer ang Myoma?

Myoma Ng Buntis: Mga Posibleng Komplikasyon


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement