Ang vaginal yeast infection ay karaniwan na fungal infection na nararanasan ng mga babae. May mga iba’t ibang senyales upang malaman kung mayroon kang yeast infection. Bagaman ito ay nalulunasan, ang yeast infection ay maaaring maging sanhi ng discomfort; kaya’t ang pinaka mainam na opsyon ay magpatingin sa doktor. Alamin ang sanhi at sintomas ng yeast infection dito.
Ano ang vaginal yeast infection?
Natural na nagkakaroon ng bacteria at yeast sa loob ng iyong ari. Gayunpaman, dahil sa mga tiyak na salik, ang yeast (Candida) ay maaaring dumami, na nagreresulta sa vaginal yeast infection o vulvovaginal candidiasis.
Mga senyales at sintomas
Ang mga senyales upang malaman kung ikaw ba ay may yeast infection ay nakadepende sa pagiging malala ng infection.
Maaaring magsimula ang vaginal yeast infection bilang mild hanggang moderate papuntang moderate hanggang komplikado.
Kabilang sa mga senyales at sintomas ng yeast infection ang mga:
- Labis na pangangati at iritasyon sa paligid at loob ng vulva at vagina.
- Inflammation at pamumula ng vulva at vagina.
- Mahapding pakiramdam na malala habang nakikipagtalik o umiihi.
- Sugat, pamumula, at ang pagkakaroon ng rashes sa vagina.
- Matubig o makapal, puti, at walang amoy na vaginal discharge na tulad ng cottage cheese.
Maaaring mayroon kang komplikadong yeast infection kung may mga sumusunod kang sintomas:
Kadalasang sintomas ng yeast infection ay mas malala, tulad ng malalang pangangati, iritasyon, at pamamaga ng vagina. Ang pangangati ay maaaring humantong sa sugat, tears, o sores.
Maaari kang magkaroon ng pabalik-balik na vaginal yeast infection sa isang taon, maaaring nasa 4 hanggang 5 beses.
Kailan Magpapatingin sa Doktor
Kahit na ang vaginal yeast infection ay karaniwan na infection na nararanasan ng mga babae kahit isang beses sa buhay nila, kailangan pa rin itong matugunan.
Kaya’t mahalaga na sumailalim sa OB-Gyne na regular na check-up, kahit na ito ay simpleng pangangati.
Kung sinususpetyahan mo na ikaw ay may vaginal yeast infection, agad na magpatingin sa doktor kung:
- Unang beses mong maranasan ang mga tiyak na sintomas ng yeast infection o napansin ang bago o hindi karaniwan na sintomas.
- Ang mga over-the-counter antifungal na medikasyon, at iba pang lunas ay hindi epektibo na gamutin ang iyong mga sintomas.
- Ang mga sintomas na nararanasan ay malala na nakaaapekto na ito sa pang-araw-araw na gawain.
Mga Banta
Ito ang mga salik na nakaaapekto sa pagtaas ng banta na magkaroon ng vaginal yeast infection:
Antibiotics. Ang mga babaeng umiinom ng iba’t ibang antibiotics ay mas maaaring magkaroon ng vaginal yeast infection, dahil ang mga gamot na ito ay pumapatay ng malusog na bacteria sa loob ng vagina.
Hormonal imbalance at mataas na lebel ng estrogen. Mas maaaring magkaroon ng vaginal yeast infection ang mga babaeng umiinom ng birth control pills, at iyong mga sumasailalim sa estrogen hormone therapy. Ang mataas na lebel ng estrogen ay nagreresulta sa pagdami ng yeast sa vagina.
Hindi kontroladong diabetes. Ang mga babaeng may consistent na mataas na lebel ng blood sugar ay maaaring dumami ang vaginal yeast kumpara sa mga babae na nakokontrol ang diabetes.
Mahinang immunity. Mas mataas ang banta na makaranas ng vaginal yeast infection ang mga babaeng mahina ang immune system.
Tips para sa pangangalaga ng vagina
Dahil ang hindi maayos na hygiene ay karaniwang salik na nagtri-trigger ng vaginal yeast infection, narito ang ilang tips na maaaring sundin para sa mas maayos na routine sa pangangalaga sa vagina:
- Hugasan nang regular at hikayatin ang iyong kapareha na gawin din ito.
- Gumamit ng mainit at maligamgam na tubig at walang amoy na sabon o feminine wash sa paghuhugas ng vagina.
- Punasan ang iyong vagina sa pamamagitan ng malinis na tuwalya o malambot na puting tissue.
- Magsuot ng cotton o silk na underwear sa halip na nylon at acetate. Gayundin, iwasan ang pagsusuot ng thongs, panty girdles, at nylon pantyhouse.
- Iwasan ang vaginal douching, dahil ang vaginaay nalilinis nang kusa gamit ang natural na discharge.
- Gumamit ng mild na sabon sa paghuhugas ng bago o lumang undergarments at hugasan ito nang mabuti.
- Palitan ang mga menstrual ads at tampons nang regular.
- Iwasan ang pagkamot ng iyong vulva.
- Magpalit ng swimsuits o napawisan na damit sa pagwowork-out matapos gamitin.
- Punasan ang iyong harap at likod matapos gumamit ng banyo.
- Gumamit ng proteksyon, tulad ng condom kung nakikipagtalik.
Itong mga tips sa pangangalaga ng vagina ay nakatutulong na mapanatili ang kalusugan ng vagina, pagiging fresh, at ligtas mula sa infection.
Key Takeaways
Key Takeaways
Kung kasalukuyan kang nakararanas ng vaginal yeast infection, mainam na agad na malunasan ito upang maiwasan ang kahit na anong komplikasyon. Maaari mo ring subukan ang tips na mga ito upang makatulong na bawasan ang mga sintomas ng yeast infection.
75% ng mga babae ay nagkakaroon ng vaginal yeast infection kahit isang beses sa kanilang buhay.
Kaya’t lahat ng mga babae ay dapat na maging malay sa mga senyales ng vaginal yeast infection. Ang paglunas sa vaginal yeast infection bago ito makita ay nakapipigil na maging malala at maiwasan ang mga maaaring komplikasyon.
Ang paglunas ng vaginal yeast infection ay mas magiging epektibo sa tamang gabay mula sa health professional.
Matuto pa tungkol sa yeast infection, dito.