backup og meta

Screening Tests Para Sa Kababaihan: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Screening Tests Para Sa Kababaihan: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Mahalaga ang screening tests para sa kababaihan dahil maraming kondisyon ng kababaihan ang nalulunasan kapag nalalaman ito nang maaga. Lagi mo ring isaisip na ang pag-iwas ay mas mabuti kaysa sa pagpapagaling at napakahalaga na makakuha ng lahat na kinakailangang pagsusuri sa kalusugan.

Nasa ibaba ng artikulong ito ang ilan sa mga karaniwang screening tests para sa kababaihan.

Mga regular na pagsusuri o routine checks

Ang lahat ng routine checks na ibinibigay sa panahon ng iyong regular check-ups ay kasing kinakailangan ng individual screening tests. Narito sa ibaba ang ilang mga pagtalakay tungkol dito.

Makikita na mahalaga ang essential health checks para sa mga babae tulad ng mga pagsusuri sa paningin, presyon ng dugo, electrocardiogram (ECG), test para sa glucose upang makita ang diabetes. Habang sa mga pagsusuri ng ihi at dumi, blood test ay nakakatulong para masukat ang pangkalahatang kalusugan (cholesterol screening, atay, mga problema sa bato, pagtukoy ng anemia o mga impeksiyon).

Maaari kang makakuha ng ilan sa mga screening na ito taun-taon, habang ang iba pang mga procedure ng screening ay iniuutos kung kinakailangan.

Screening tests para sa kababaihan: Breast self-exam at mammograms

Una sa aming listahan ay ang breast self-exam (BSE) at mammograms dahil makakatulong ito sa iyo na makita ang kanser sa suso nang mas maaga.

Masasabi na ang pagsusuri ng sarili sa dibdib ay isang bagay na maaari mong gawin sa bahay. Pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagkapa o palpating sa’yong dibdib para sa anumang mga bukol. Sinasabi rin na pinakamabuting gawin ito sa ika-7 araw pagkatapos magsimula ng iyong regla o kapag ang iyong mga suso ay malambot o namamaga. 

Ang isa pang screening test para sa kababaihan upang makita ang kanser sa suso ay ang mammogram. Isa itong x-ray ng iyong suso na ayon sa Centers for Disease Control (CDC), ang regular mammograms ang pinakamahusay na tool para malaman nang maaga ang kanser sa suso dahil minsan, tatlong taon bago mo maramdaman ang mga sintomas nito.

Pelvic exam, Pap smear, at HPV testing

Hindi natin maaaring pag-usapan ang pinakamahalagang screening tests para sa kababaihan nang hindi binabanggit ang pelvic exam, pap smear, at HPV testing.

Makikita na ang pelvic exam ay nagpapahintulot sa doktor na suriin ang iyong mga reproductive organ at ginagawa ito sa pamamagitan ng observation at palpation.

Ang exam na ito ay maaaring may kasamang pap smear at HPV testing, kung saan kinakailangan na kumukolekta ng mga sample ng cervical cell upang maghanap at makahanap ng mga abnormalidad na pwedeng mag-point out sa cervical cancer.

Karamihan sa mga kababaihan na umabot sa edad na 21 taong gulang ay sumasailalim sa unang pelvic exam na may kasamang pap smear at HPV testing.

Vaginal Wet Mount Test

Kung nakakaranas ka ng vaginitis o pamamaga ng iyong ari at sa mga nakapaligid na tissue (vulva) maaaring mag-order ang doktor ng vaginal wet mount test upang matukoy ang sanhi ng impeksiyon o pamamaga.

Mabilis matapos ang pamamaraang ito dahil isinasagawa ito sa loob lamang ng ilang minuto at malalaman sa test na ito ang mga impeksyon sa vaginal yeast, bacterial vaginosis, at trichomoniasis.

Screening tests para sa kababaihan: Transvaginal ultrasound

Kung nakakaranas ka ng pelvic pain o hindi maipaliwanag na pagdurugo sa ari pwedeng mag-order ang doktor ng transvaginal (TVS) ultrasound.

Sa procedures na ito, ang sonographer ay iniinsert ang ultrasound probe sa ari, kung saan ang probe ay naglalabas ng sound waves na gumagawa ng mga larawan ng iyong reproductive organ, kabilang ang cervix, uterus, fallopian tubes, at ovaries.

Matutukoy sa pagsusulit na ito o makukumpirma ng doktor ang mga kondisyon tulad ng ectopic pregnancy, uterine fibroids (myoma), endometriosis, at infertility problems. Bukod dito, makakatulong din ito sa pag-assess ng kondisyon ng iyong baby kung ikaw ay buntis.

Pagsusuri sa thyroid

Dapat mong malaman na ang mga matatandang babae ay mas malamang na magkaroon ng mga kondisyon sa thyroid tulad ng hyperthyroidism at hypothyroidism. Para sa kadahilanang ito, ang thyroid test ay isa rin sa mga karaniwang screening test para sa kababaihan.

Ang mga babaeng nasa 50 taong gulang pataas ay pinapayuhan na sumailalim sa thyroid test. Ito ay isang pagsusuri sa dugo na tumutukoy sa antas ng thyroid-stimulating hormone kada 5 taon, at tinutukoy ng test na ito kung gumagana ba nang maayos ang iyong thyroid o kung hindi na ito aktibo, o sobrang aktibo.

Bone mineral density test

Kapag ang mga buto ay nawalan ng mineral ito ay nagiging mas siksik, mas mahina, at mas madaling masira (fractures).

Para masuri kung maayos ang takbo ng iyong mga buto, lalo na kung lampas ka na sa edad na 65 pwedeng mag-order ang iyong doktor ng bone density scan. Sa test na ito, hihiga ka sa examination table, habang ang isang x-ray machine ay kumukuha ng mga larawan ng iyong mga buto at depende sa mga resulta, ang iyong doktor ay maaaring magpayo sa’yo sa dalas kung saan mo kailangan sumailalim na pagsusuri.

Screening tests para sa kababaihan: Colonoscopy

Ang mga kababaihang nasa risks o may family history ng colon cancer ay pwedeng mangailangan ng colonoscopy tuwing 2 hanggang 5 taon. Gayunpaman, ito ay mas karaniwan sa mga matatanda.

Mapapansin sa test na ito na pinapakalma (sedates) ka ng doktor at nag-iinsert sila ng manipis na instrumento sa’yo upang makita ang iyong tumbong at malaking bituka para sa mga abnormalidad.

Key Takeaways

Tinutulungan ka ng mga procedures na ito para makita ang mga kondisyon ng kalusugan at pataasin ang good outcomes. Ngunit tandaan, hindi mo maaaring gawin ang mga pagsusuring ito nang hindi nakikipag-usap sa’yong doktor.
Para sa kadahilanang ito, huwag laktawan ang iyong routine medical check-ups at magtakda ng appointment sa’yong physician lalo na kung mayroon kang hindi maipaliwanag na mga sintomas.

Matuto pa tungkol sa Screening at Mga Pagsusuri para sa Babae dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Is a Mammogram?
https://www.cdc.gov/cancer/breast/basic_info/mammograms.htm
Accessed December 17, 2020

Health checks for women
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/health-checks-for-women
Accessed December 17, 2020

Recommended Health Screenings for all Life’s Stages
https://www.beaumont.org/health-wellness/blogs/recommended-health-screenings-for-all-lifes-stages
Accessed December 17, 2020

Recommended Screening Guide for Healthy Women
https://www.ucsfhealth.org/-/media/project/ucsf/ucsf-health/pdf/womens_health_passport_chart.pdf
Accessed December 17, 2020

Transvaginal Ultrasound
https://www.cedars-sinai.org/programs/imaging-center/exams/ultrasound/transvaginal.html
Accessed December 17, 2020

Kasalukuyang Version

07/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano ang dapat asahan sa pap smear? Alamin dito ang kasagutan!

Ano Ang Karyotype Test, at Bakit Ito Kinakailangan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement