backup og meta

Para Saan ang Transvaginal Ultrasound? Alamin Dito!

Para Saan ang Transvaginal Ultrasound? Alamin Dito!

Kapag naiisip natin ang mga ultrasound, karaniwan na tumatatak sa atin ang isang non-invasive procedure kung saan lumilitaw ang isang itim at puting imahe sa screen habang ginagalaw ng doktor ang lubricated wand sa tiyan. Ngunit, ano naman ang transvaginal ultrasound, at para saan ang procedure na ito? Narito ang 5 bagay na dapat tandaan.

Ang TVS ay isang “personally invasive” imaging test na tumitingin sa iyong mga reproductive organs

Para saan ang transvaginal ultrasound? Ang transvaginal ultrasound ay isang imaging test. Sa pamamaraang ito, makikita mo at ng iyong doktor ang iyong pelvic area, kabilang ang mga ovary, fallopian tubes, uterus, at cervix.

Pangalawa, ang “transvaginal” ay nangangahulugang “sa pamamagitan ng vagina.” Ito ang dahilan kung bakit nagiging “personally invasive” ang pagsusuri. Ipinapasok ng doktor ang ultrasound probe (wand) sa iyong vagina. 

Karaniwan, ang doktor ay gumagamit ng transvaginal ultrasound upang suriin ang iyong kondisyon kapag ikaw ay nakararanas ng:

  • Pananakit ng pelvic area
  • Pagkabaog 
  • Ectopic pregnancy
  • Mga problema sa pagreregla o hindi maipaliwanag na pagdurugo 
  • Mga nakakabahalang findings mula sa routine check-up, tulad ng uterine fibroids (myoma), ovarian cysts, mga cancer, endometriosis at iba pa

Kung ikaw ay interesado kung para saan ang transvaginal ultrasound, maaari rin itong irekomenda sa iyo sa iyong pagbubuntis upang:

para saan ang transvaginal ultrasound

Maaaring makaramdam ka ng bahagyang presyon habang isinasagawa ang test

Matapos malaman kung para saan ang transvaginal ultrasound, madalas ding tanungin kung ito ba ay masakit. Ayon sa mga eksperto, hindi ito masakit. Maaari kang makaramdam ng onting discomfort kapag ipinasok na ng iyong doktor ang ultrasound probe. Ngunit sa pangkalahataan, ito ay hindi naman magiging masakit para sa iyo. 

Para sa rekord, isang maliit na bahagi lamang ng probe ang ipapasok. Upang makatulong sa pagpapagaan ng pressure o discomfort, babalutin ng doktor ang wand ng condom at lubricant. Hihilingin din niya sa iyo na huminga ka nang malalim at magrelaks para maging maginhawa ang pagsusuri. 

Maaaring kailanganin mo o hindi na magkaroon ng bahagyang punong bladder para sa pagsusuri

Para sa mas mahusay na pag-visualize, maaaring kailanganin mong magkaroon ng isang bahagyang punong pantog (partially-full bladder) sa iyong pagsusuri.

Subukang uminom ng hindi bababa sa 32 ounces o 946 ml ng tubig (o anumang likido) sa loob ng isang oras bago ang procedure. Kung kaya mo, inumin ang lahat ng ito sa loob ng 30 minuto.

May mga pagkakataon din na gusto ng doktor na magkaroon ka ng walang laman na bladder. Kung ganoon ang kaso, kailangan mo lang pumunta sa banyo at umihi bago ang transvaginal UTZ.

Ang buong proseso ay tumatagal lamang ng mga 15 hanggang 30 minuto

Kapag iniisip mo kung para saan ang transvaginal ultrasound, maaari mo ring isipin na ito ay isang mahabang procedure. 

Ngunit, salungat sa paniniwala ng karamihan, ang pagsusuri ay medyo mabilis lang—karaniwan itong matatapos sa loob ng 15 hanggang 30 minuto.

Narito ang maaari mong asahan sa panahon ng pagsusuri:

  • Ang sonographer (isang dalubhasa sa ultrasound) ay magpapaliwanag ng pamamaraan sa iyo. Siya rin ang magsasagawa nito. 
  • Hihiga ka sa examination table na ang iyong mga binti ay sinusuportahan ng mga stirrups – tulad ng kapag ikaw ay may pelvic exam o Pap smear.
  • Ipapasok ng sonographer ang probe sa iyong vagina, at ang mga sound wave na ginagawa nito ay mako-convert bilang mga imahe. Ito ay maipapakita at maitatala sa screen.
  • Kapag sa tingin ng sonographer ay mayroon na siyang sapat na mga larawan, aalisin niya ang probe at bibigyan ka ng oras upang maglinis at magbihis.

Depende sa institusyon, maaari mong makuha kaagad ang iyong mga resulta. O, kailangan mong maghintay ng ilang araw bago gawin ng sonographer ang kanilang obserbasyon at ipasa ito sa iyong doktor.

Ang transvaginal ultrasound ay hindi gumagamit ng radiation

Ang kaibahan nito sa x-ray ay hindi umaasa ang transvaginal ultrasound sa radiation. Pagkatapos ng pamamaraan, maaari kang magpatuloy sa iyong araw gaya ng dati.

Sa pangkalahatan, ang TVS ultrasound ay walang panganib, kahit na ikaw ay buntis. Gayunpaman, maaaring hindi ito irekomenda ng iyong doktor kung:

  • Hindi ka pa nanganganak, subalit ang iyong panubigan ay nabutas na (premature rupture ng membrane). Maaaring mapataas ng TVS ultrasound ang panganib ng impeksyon sa pagkakataong ito.
  • Mayroon kang low-lying placenta at nakararanas ka ng vaginal bleeding. Maaaring mapataas nito ang panganib ng pagdurugo.

Key Takeaways

Kung gayon, ano ang sagot sa katanungang para saan ang transvaginal ultrasound? 
Gumagamit ang isang doktor ng transvaginal ultrasound upang suriin ang iyong mga reproductive organ. Ito ay upang matuklas o makumpirma ang mga pangkalusugang kondisyon. Masakit ba ang ultrasound ng TVS? Ayon sa mga ulat, hindi; bagaman, maaari kang makaramdam ng bahagyang pressure o discomfort habang isinasagawa ito.

Alamin ang iba pa tungkol sa Screening at Test Para sa Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Transvaginal ultrasound
https://www.ucsfhealth.org/medical-tests/003779
Accessed December 16, 2020

Transvaginal Ultrasound
https://www.insideradiology.com.au/transvaginal-ultrasound/#:~:text=Transvaginal%20ultrasound%20is%20an%20examination,bladder%20or%20the%20pelvic%20cavity.
Accessed December 16, 2020

Transvaginal ultrasound
https://medlineplus.gov/ency/article/003779.htm
Accessed December 16, 2020

Transvaginal Ultrasound
https://www.cedars-sinai.org/programs/imaging-center/exams/ultrasound/transvaginal.html
Accessed December 16, 2020

What to Expect During a Pelvic Exam
http://health.rutgers.edu/education/medical-information/pelvic-exam/
Accessed December 16, 2020

Kasalukuyang Version

08/30/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Vaginal Wet Mount, at Paano Isinasagawa ang Test na Ito?

Ano ang dapat asahan sa pap smear? Alamin dito ang kasagutan!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement