backup og meta

Ano ang Vaginal Wet Mount, at Paano Isinasagawa ang Test na Ito?

Ano ang Vaginal Wet Mount, at Paano Isinasagawa ang Test na Ito?

Ano ang vaginal wet mount? Ang wet mount test procedure ay isang screening test upang matukoy ang sanhi ng vaginitis — ang pamamaga ng puki at ang balat sa paligid nito (vulva). Ano ang nangyayari sa screening, at kailangan ba ng espesyal na paghahanda para rito? Basahin upang malaman.

Maikling paliwanag para sa vaginitis

Gaya ng nabanggit kanina, ang wet mount test procedure (minsan ay tinatawag na vaginal smear) ay screening para sa vaginitis. Ngunit, ano nga ba eksakto ang vaginitis, paano nagkakaroon nito ang mga babae, at ano ang vaginal wet mount?

Ang vaginitis, tinatawag ding vulvovaginitis, ay isang pangkalahatang terminolohiya para sa pamamaga ng puki at vulva. Sinabi ng mga pag-uulat na karamihan ng mga babae ay nakukuha ito mula sa impeksyon, ngunit ang reaksyon mula sa feminine products ay maaari ding mag-trigger ng ganitong kondisyon dahil nababago ang normal vaginal pH.

Kung mayroon kang vaginitis, mapapansin mo ang mga sintomas tulad ng pagkati at paghapdi ng puki, burning sensation, at abnormal discharge. 

Gayunpaman, ang mga sintomas ay iba-iba depende sa uri ng vaginitis. Ilan sa mga karaniwang uri ng vaginitis ay:

  • Vaginal yeast infection dahil sa Candida albicans, isang uri ng fungi
  • Trichomoniasis, na nagreresulta mula sa parasite infection; ito rin ay uri ng sexually transmitted disease
  • Bacterial vaginosis, na nangyayari dahil sa hindi balanseng pH na humahantong sa pagdami ng vaginal bacteria
  • Ibang STDs tulad ng genital warts, syphilis, chlamydia, gonorrhea at iba pa

ano ang vaginal wet mount

Kahalagahan ng wet mount test procedure

Ang vaginal smear ay mahalaga dahil nakikita rito ang presensya ng impeksyon. Sa screening na ito, ang doktor ay kukuha ng sample ng vaginal discharge, ilalagay ito sa glass slide, at ihahalo sa salt solution. 

Oobserbahan ito ng laboratory technician sa ilalim ng microscope upang makita kung mayroong yeast, parasite, o clue cells. Depende sa makita ng technician, tutukuyin ng doktor ang sanhi ng iyong vaginitis. 

Kung nagawa na ang diagnosis, magsasagawa ang iyong physician ng angkop na planong gamutan upang mawala ang mga sintomas.

Ano ang aasahan habang nagsasagawa ng vaginal smear

Ngayon na naunawaan na natin ang kahalagahan ng wet mount test procedure na matukoy ang sanhi ng vaginitis, pag-usapan natin ang tungkol sa screening.

Bago ang test

  • I-schedule ang exam sa araw na wala kang regla. Ang doktor ay hindi kokolekta ng specimen habang ikaw ay may regla dahil mababago ang resulta nito.
  • Huwag maglagay o magpasok ng kahit na ano sa iyong puki sa loob ng 48 oras bago ang exam. Kabilang na rito ang gamot sa puki at tampons.
  • Kung ikaw ay buntis, sabihin ito sa iyong doktor

Habang nagsasagawa ng test

  • Sasabihan ka ng doktor na tanggalin ang iyong damit mula sa bewang. Bibigyan ka nila ng gown upang ilagay sa iyong bewang.
  • Hihiga ka sa examination table na ang iyong mga hita ay suportado ng stirrups sa parehong kanto ng kama.
  • Upang mas mainam na masuri ang iyong puki (at cervix), ibubuka ng doktor ang iyong vaginal walls gamit ang lubricated plastic o metal speculum.
  • Makararamdam ka ng kaunting pleasure o discomfort habang isinasagawa ang speculum insertion, lalo na kung ang iyong puki ay irritated o namamaga. Subukan na mag-relax.
  • Gamit ang spatula o swab, ang doktor ay kokolektahin ang discharge mula sa iyong puki.
  • Tatanggalin ng doktor ang speculum at bibigyan ka ng oras upang magbihis

ano ang vaginal wet mount

Matapos ang test

Matapos ang wet mount procedure, sasabihan ka ng doktor kung kailan lalabas ang resulta. Ito rin ang iyong tsansa na magtanong kung may mga tanong tungkol sa sintomas at sekswal na kalusugan.

Ang normal na resulta ng test ay nangangahulugan na hindi nakakita ang technician ng parasite, yeast, o clue (hindi karaniwan) na cells sa vaginal discharge. Maaaring may ilang white blood cells, ngunit ang bilang na ito ay hindi mahalaga.

Nangangahulugan ang abnormal na resulta ng test na ang technician ay nakakita ng kakaiba sa iyong discharge. Kung may impeksyon, maaaring may mataas na bilang ng white blood cells. Gayundin, nasa ibaba ang ilang mga interpretasyon ng abnormal na resulta ng test:

  • Ang iyong cells ay maaaring may vaginal yeast infection
  • Nangangahulugan ang trichomonads ng trichomoniasis
  • Ang clue o hindi karaniwan na cells ay nangangahulugan na may bacterial vaginosis. Nakikita ang mga cells na ito na fuzzy sa ilalim ng microscope kung ang mga ito ay coated ng bacteria
  • Nangangahulugan din na may BV ang presensya ng Gardnerella vaginalis

Key Takeaways

Ang wet mount test procedure ay simpleng screening test upang matukoy ang sanhi ng iyong vaginitis. Mula rito, ang iyong doktor ay magbibigay ng angkop na paggamot upang mawala ang mga sintomas sa lalong madaling panahon.

Matuto pa tungkol sa Screening at Tests sa Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginitis: Diagnosis and Treatment
https://www.aafp.org/afp/2011/0401/p807.html
Accessed December 15, 2020

Tests on Vaginal Discharge
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK288/
Accessed December 15, 2020

Vaginal Wet Mount
https://myhealth.alberta.ca/health/pages/conditions.aspx?hwid=hw6026&
Accessed December 15, 2020

Clue cells
https://www.uofmhealth.org/health-library/aa73146#aa73146-sec
Accessed December 15, 2020

Vaginitis test – wet mount
https://www.mountsinai.org/health-library/tests/vaginitis-test-wet-mount
Accessed December 15, 2020

Testing for Vaginitis (Yeast Infections, Trichomonas, and Gardnerella)
https://www.health.harvard.edu/womens-health/testing-for-vaginitis-yeast-infections-trichomonas-and-gardnerella
Accessed December 15, 2020

Kasalukuyang Version

04/18/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang dapat asahan sa pap smear? Alamin dito ang kasagutan!

Ano Ang Karyotype Test, at Bakit Ito Kinakailangan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement