backup og meta

Ano Ang Ginagawa Sa Vaginal Exam? Heto Ang Iyong Mga Dapat Asahan

Ano Ang Ginagawa Sa Vaginal Exam? Heto Ang Iyong Mga Dapat Asahan

Mahalaga na malaman kung ano ang ginagawa sa vaginal exam. Dahil mahalaga ito para mapangalagaan ang kalusugan ng kababaihan. 

Ang vaginal exam o pelvic exam ay isang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa’yong katawan. Dapat sumailalim sa pelvic exam ang isang babae. Sa sandaling maabot na nila ang edad na 21. Karaniwang hindi ito masakit at tumatagal lamang ng ilang minuto. Ito rin ay hindi nagbabago kung nakipag-sex ka man o hindi. Narito ang mga dapat asahan sa panahon ng vaginal exam.

Ano ang ginagawa sa vaginal exam: Dapat bang maging routine check-up?

Kapag iisipin ang routine physical assessment, maaaring tandaan ang mga test tulad ng electrocardiogram (ECG), x-ray, pagsusuri sa ihi, at health interview. Katulad ng mga pagsusulit na ito, ang pelvic exam ay dapat ding isama sa’yong routine check-up.

Ang dalas kung kailan dapat sumailalim sa isang pelvic exam ay pinagdedebatehan pa rin. Ayon sa kaugalian, ginagawa ito ng mga kababaihan bawat taon. Subalit, naniniwala ang ilang mga eksperto na ang history at current health ng kalusugan ay dapat na mapag-usapan.

Gayunpaman, may isang component ng pelvic exam ang may designated frequency. Ito ang pap smear, na dapat gawin ng babae kada 3 taon.

Mayroong 2 pangunahing dahilan para sa isang pelvic exam

Sa panahon ng vaginal exam, maaari mong asahan na i-assess ka ng iyong doktor sa 2 bagay: ang iyong kasalukuyang gynecological health at anumang posibleng kondisyong medikal.

Maaaring maghanap ang iyong doktor ng signs ng ovarian cyst, myoma, mga impeksiyon na nakukuha sa sex, o kanser sa pamamagitan ng pelvic exam. Bukod pa rito, kailangan ang pelvic exam kung nakakaranas ka ng pelvic pain, abnormal vaginal discharge o mga pagbabago sa balat.

Ano ang ginagawa sa vaginal exam: May dapat bang ihanda?

Hindi mo kailangang maghanda para sa pelvic exam, ngunit maaaring makatulong ang mga sumusunod na payo:

  • I-isked ang test kapag wala kang monthly period.
  • Alamin ang unang araw ng iyong huling regla.
  • Alisan ang laman ng iyong pantog, bago ang procedures upang maging mas komportable.
  • Ihanda ang mga tanong na gusto mong itanong sa’yong doktor.
  • Iwasan ang sex o pagpasok ng anumang bagay sa’yong ari 48 oras bago ang test
  • Sa panahon ng vaginal exam, asahan ang mga tanong tungkol sa’yong gynecological health. Pwedeng tanungin ka ng doktor tungkol sa’yong cycle ng regla, vaginal discharge, o pelvic symptoms.
  • Itanong ang sarili mga katanungan.

Magkakaroon ng konsultasyon bago ang pelvic exam

Sa panahon ng vaginal exam, asahan ang isang konsultasyon sa physician. Kukunin niya ang iyong history at vital signs. Susuriin ang iyong immunization records, at titingnan ang signs ng STIs. Bukod dito, ang doktor ay maaaring magsagawa ng test sa likod, dibdib, at tiyan.

Ano ang ginagawa sa vaginal exam: Mga Magaganap!

Pagkatapos ng konsultasyon, hihilingin sa’yo ng doktor na tanggalin ang iyong damit at magsuot ng hospital gown. Sasabihin nila sa’yo na humiga sa exam table, habang ang iyong tuhod at ang mga paa ay nasa mga stirrup o sa mga sulok ng mesa. Kailangan mo ring i-slide ang iyong katawan sa gilid ng exam table

Pagkatapos nito, maaaring maganap ang mga sumusunod:

  • Panlabas na pagsusulit (external exam) – Asahan na ang unang bahagi ng pelvic exam ay kinabibilangan ng doktor na sinusuri ang labas ng iyong ari (vulva). Para sa mga nakikitang palatandaan tulad ng pamamaga, sugat, at pagbabago ng kulay.
  • Speculum exam – Maglalagay ang doktor ng isang plastic o metal speculum para buksan ang iyong mga vaginal wall. Upang siyasatin ang mga ito sa mga abnormal na kondisyon. Kung ang iyong test ay may kasamang Pap smear, kukuha din ang doktor ng maliit na sample ng cervical tissue. Para sa laboratory testing bago alisin ang speculum. Normal na makakaramdam ng bahagyang discomfort sa bahaging ito. Ngunit sa pangkalahatan, hindi ito masakit.
  • Bimanual exam- Ang physician ay mag-iinsert ng 1 o 2 gloved fingers sa ari habang prinepres ang ibabang tiyan. Gamit ang kanilang kabilang kamay. Ginagawa ito para suriin kung may tenderness o pananakit, enlarged reproductive organs. (Mga ovary, matris, fallopian tubes, atbp) at masuri ang laki at hugis ng iyong matris.
  • Rectovaginal test – Kahit na hindi ito palaging kasama, ang doktor ay maaari ring magpasok ng gloved finger sa’yong tumbong, para i-palpate ang iyong tumbong. Ang lugar sa likod ng iyong matris, at ang lower vall ng vagina. Sa una, maaari kang makaramdam ng pagnanasa na tumae, subalit huwag mag-alala, hindi mo ito magagawa.

Key Takeaways

Sa pangkalahatan, maaaring medyo hindi ka komportable—sa panahon ng pelvic exam—ngunit asahan na matatapos ito sa loob ng ilang minuto.
Pagkatapos ng vaginal at pelvic exam, asahan na tatalakayin ng doktor ang kanilang mga natuklasan sa’yo. Huwag mag-atubiling magtanong ng anumang bagay na maaaring mayroon ka.

Matuto pa tungkol sa Screening at Mga Pagsusuri para sa Babae dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

DO YOU REALLY NEED AN ANNUAL PELVIC EXAM?
https://healthcare.utah.edu/the-scope/shows.php?shows=0_9gsh6toq
Accessed December 14, 2020

Your First Pelvic Exam
https://www.texaschildrens.org/health/your-first-pelvic-exam
Accessed December 14, 2020

Pelvic exam
https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/pelvic-exam/about/pac-20385135#:~:text=Your%20doctor%20will%20insert%20two,tender%20areas%20or%20unusual%20growths.
Accessed December 14, 2020

What to Expect During a Pelvic Exam
http://health.rutgers.edu/education/medical-information/pelvic-exam/
Accessed December 14, 2020

What is a pelvic exam?
https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/wellness-visit/what-pelvic-exam
Accessed December 14, 2020

Do you need to see your gynecologist every year?
https://www.health.harvard.edu/womens-health/do-you-need-to-see-your-gynecologist-every-year
Accessed December 14, 2020

Kasalukuyang Version

08/15/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang dapat asahan sa pap smear? Alamin dito ang kasagutan!

Ano Ang Karyotype Test, at Bakit Ito Kinakailangan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement