backup og meta

Ano ang Pinagkaiba ng Implantation Bleeding sa Menstruation?

Ano ang Pinagkaiba ng Implantation Bleeding sa Menstruation?

Paano malalaman kung implantation bleeding o menstruation lang?

Ito na ba ang araw ng aking regla, o maagang senyales na ito ng pagbubuntis? Ang kaalaman kung paano malalaman kung implantation bleeding o menstruation ay makatutulong upang mabawasan ang ating pagkabalisa. Para maunawaan ang pinagkaiba ang dalawang ito, kilalanin natin ang bawat isa. 

[embed-health-tool-ovulation]

Implantation Bleeding

Ang implantation bleeding ay tumutukoy sa kaunting spotting o pagdurugo na maaaring mangyari 10 hanggang 14 na araw matapos ang matagumpay na conception. Nangyayari ito dulot ng implantation ng fertilized egg sa wall ng matres o uterus.

Menstrual Bleeding

Nangyayari ang menstrual bleeding kapag ang endometrium ay naalis sa simula ng menstrual cycle. Nagaganap ito dahil sa kabiguan ng endometrium na mapanatili ang normal na estado matapos sumailalim sa mga pagbabago na naghahanda rito para sa implantation ng fertilized egg. Kadalasang tumatagal ang menstrual bleeding ng 3-5 araw, ngunit maaaring umikli ng 2 araw o tumagal ng hanggang 7 araw. Ang dami ng dugo ay nagkakaiba-iba. Ngunit tipikal itong nasa 30mL hanggang 80mL.

Paano malalaman kung implantation bleeding o menstruation: Ang mga Pagkakapareho

Dahil nagkakaiba-iba ang menstrual bleeding sa bawat tao, napakahirap matukoy kung nakararanas ka ng implantation bleeding o menstruation lang. Gayunpaman, may pangkalahatang katangian ang implantation bleeding na maaaring makapagbigay sa iyo ng kaalaman kung ano na ang nangyayari.

 Paano malalaman kung implantation bleeding o menstruation: Ang mga pagkakaiba

Nakalista sa ibaba ang mga katangiang makatutulong sa iyo upang makita ang pinagkaiba ng implantation bleeding sa menstruation.

Kulay

Kadalasang light pink o brown ang kulay ng implantation bleeding. Samantalang maaaring magsimula sa matingkad o dark red ang dugo ng menstruation.

Lakas ng Daloy ng Dugo

Mahina lang na parang spotting ang sa implantation bleeding. Samantalang mula sa mahinang spotting patungong malakas na pagdurugo ang sa menstrual bleeding.

Tagal ang Daloy ng Dugo

Ilang oras lamang hanggang tatlong buong araw/hindi lalagpas sa tatlong araw ang itinatagal ng implantation bleeding.

Pamumuo ng Dugo

May mga babaeng nakararanas ng matinding pamumuo ng dugo kapag may menstruation, habang hindi naman gaano sa iba. Sa implantation bleeding naman, walang pamumuong dugong nangyayari.

Consistency

Kadalasang light lamang ang sa implantation bleeding, samantalang nagsisimula sa light patungong heavy bleeding katagalan ang menstruation.

Pamumulikat

Hindi gaanong matindi at sandali lamang ang pamumulikat o cramps kapag may implantation bleeding. Maaari namang magsimula sa mahina patungong matinding pamumulikat ang sa menstruation. Depende ‘yan sa tao.

Kung pamilyar ka sa mga karaniwang katangian ng menstruation, maaaring ang pagbabago rito ay senyales na nakararanas ka na ng implantation bleeding. Halimbawa, kung kadalasan kang nakararanas ng matinding pagdurugo na tumatagal ng 7 araw, ngunit pagkatapos makipagtalik 2 linggo ang nakalilipas ay napansin mong naging mahina ang iyong regla at tumagal lamang ng 2-3 araw, maaaring kailangan mo nang magpunta sa obstetrician. Posible kasing implantation bleeding na ito.

Paano malalaman kung implantation bleeding o menstruation: Kailangan ko na bang gumamit ng pregnancy test?

Matapos makumpara sa iyong nararanasan sa mga nabanggit na katangian sa itaas, at pakiramdam mo’y buntis ka, maaari kang gumamit ng pregnancy test upang makumpirma ito. Maaari itong gawin sa clinic kasama ng iyong obstetrician (blood pregnancy test) o sa bahay gamit ang urine pregnancy test kit. Gayunpaman, dapat kang maghintay ng 21 araw mula sa araw ng huli mong pakikipagtalik upang makakuha ng tamang resulta.

[embed-health-tool-due-date]

Key Takeaways

Pagdating sa kung paano malalaman kung implantation bleeding o menstruation, maaaring magmukhang pareho lamang sila. Pareho kasi silang may kinalaman sa pagdurugo mula sa ari ng babae.
Gayunpaman, ang pagiging malay at pagpansin sa mga maliliit na pagkakaiba o pagbabago sa iyong regla ay maaaring makatulong upang matukoy mo ito. Kailangan mo ring bantayan ang iba pang mga senyales ng pagbubuntis, gaya ng pabago-bagong mood, pagduduwal at pagsusuka (morning sickness), paglambot ng suso, pakiramdam na pagod, pananakit ng katawan, at ulo.
Kumonsulta sa iyong OB-Gyne kung may karagdagan kang tanong o alalahanin.

Matuto pa tungkol sa Menstruation dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Doing a pregnancy test, https://www.nhs.uk/pregnancy/trying-for-a-baby/doing-a-pregnancy-test/,

Accessed April 15, 2021

Physiology, Menstrual Cycle, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK500020/

Accessed April 15, 2021

What is implantation bleeding?, https://americanpregnancy.org/pregnancy-symptoms/what-is-implantation-bleeding-24176/

Accessed April 15, 2021

A review of mechanisms of implantation, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5769129/

Accessed April 15, 2021

Implantation and Establishment of Pregnancy in Human and Nonhuman Primates, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5098399/

Accessed April 15, 2021

Human Chorionic Gonadotropin, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK532950

Accessed April 15, 2021

Is implantation bleeding normal in early pregnancy?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/implantation-bleeding/faq-20058257

Accessed May 21, 2021

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Sakit Ng Puson: Heto Ang Mga Maaari Mong Subukan

Bakit Mahina Ang Menstruation? Heto Ang Mga Posibleng Maging Dahilan


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement