Ito na naman ang buwan kung saan ang iyong buwanang dalaw ay sumasakit. Paano mo ito hinaha-handle? Ano ang pinakamainam na gamot sa dysmenorrhea na makatutulong na mawala ang sakit?
Ano ang Dysmenorrhea?
Ang dysmenorrhea ay tumutukoy sa masakit na pagreregla na nararanasan ng mga babae. Ang ilan ay nakararanas ng mild na sintomas na tolerable. Ngunit ang iba ay may pabalik-balik na malalang cramps na maaaring hindi nila magawa ang mga pang-araw-araw na gawain.
Karaniwang nararanasan ng mga babae ang mga sakit sa cramps sa ibabang bahagi ng tiyan bago at habang nireregla.
Ang ibang kondisyon tulad ng endometriosis o uterine fibroids ay maaaring sanhi din ng menstrual cramps. Gayunpaman, ang menstrual cramps na hindi sanhi ng ibang kondisyon ay maaaring nawawala sa pagtanda, at karaniwan napapabuti matapos ang panganganak.
Ang susi sa pagbawas ng sakit ay ang pagtugon sa kasalukuyang sanhi at maghanap ng gamot sa dysmenorrhea na mainam para sa iyo.
Uri ng Dysmenorrhea
Ang dysmenorrhea ay may dalawang magkaibang uri: primary dysmenorrhea at secondary dysmenorrhea.
Primary Dysmenorrhea
Ang primary dysmenorrhea ay isang medikal na termino na ginagamit upang bigyan ng katangian ang patuloy na menstrual cramps na hindi sanhi ng ibang kondisyon.
Ito ay nagsisimula sa umpisang nagkaroon ka ng regla at maaaring maranasang muli habang buhay. Dahil sa malakas at tipikal na uterine contractions, maaari itong mag-produce ng malala at madalas na menstrual cramping na may mild at malalang sakit na mararamdaman sa ibabang bahagi ng tiyan, likod o mga hita.
Maaari mo ring maranasan ang ibang mga sintomas tulad ng fatigue, pagkahilo o maging ang diarrhea.
Secondary Dysmenorrhea
Kung ang sakit ay dahil sa ibang pisikal na sanhi o ibang kondisyon mula sa female reproductive system, ito ay karaniwan na tinatawag na secondary dysmenorrhea. Sa ganitong kaso, ang tamang gamot sa dysmenorrhea ay kabilang ang gamutan sa ilalim ng kasalukuyang konsiyon.
Ang ilang kondisyon ng female reproductive organs ay:
- Endometriosis
- Adenomyosis
- Pelvic inflammatory disease (PID)
- Cervical stenosis
- Fibroids (benign tumors)
Ang sakit mula sa secondary dysmenorrhea ay tipikal na nagsisimula bago ang menstrual cycle at maaaring tumagal nang mas mahaba kaysa sa regular na period cramps.
Hindi tulad ng primary dysmenorrhea, ang fatigue, pagkahilo, pagsusuka, at pagtatae ay hindi karaniwang side effects.
Mga Sanhi ng Dysmenorrhea
Kung ang uterus contracts ay hindi normal, maaari itong maging sanhi ng masakit na pagreregla. Ito ay dahil sa chemical issue sa katawan kabilang ang prostaglandin, na responsable para sa pagre-regulate ng uterine contractions. Ang paghahanap ng akmang gamot sa dysmenorrhea ay makatutulong upang ma-manage ang sakit.
Sintomas ng Dysmenorrhea
Ang mga madalas na banggitin na senyales at sintomas ay ang mga sumusunod:
- Pagkahilo at pagsusuka
- Masakit na cramps sa ibabang bahagi ng tiyan (maaaring malala o intense)
- Sakit sa ibabang bahagi ng likod
- Sakit sa balakang, ibabang bahagi ng likod, at pababa sa mga hita
- Pagtatae
- Fatigue at pagiging mahina
- Fainting
- Sakit sa ulo/o pagkahilo
Ang mga sintomas ng dysmenorrhea ay maaaring pareho ng ibang mga sakit o medikal na disorder. Siguraduhin na talakayin ang iyong mga inaalala kasama ng doktor upang malaman ang akmang gamot sa dysmenorrhea para sa iyo.
Gamot sa Dysmenorrhea at Lunas
Ang mild menstrual cramps ay maaaring malunasan sa bahay sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pahinga hangga’t kailangan
- Uminom ng aspirin o ibuprofen upang mawala ang sakit
- Gumamit ng heating pad at ilagay ito sa puson (maaaring gumamit ng mainit na tubig sa bote bilang alternatibo)
- Imasahe ang ibabang bahagi ng likod at tiyan
- Regular na mag-ehersisyo
Nasa ibaba ang listahan na mga bagay na kailangan na iwasan upang mabawasan ang sakit:
- Iwasan ang mga inumin at pagkain na may caffeine
- Huwag manigarilyo
- Iwasan ang alak
Ang ibang gamot sa dysmenorrhea at paraan na maaaring makatulong ay:
- Yoga
- Acupuncture at acupressure
- Relaxation o ehersisyo sa paghinga
- Physical therapy at ibang mga nerve stimulation therapies
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Menstruation dito.
[embed-health-tool-ovulation]