Ang Endometriosis?
Ano ang Endometriosis? Ang Endometriosis ay isang kondisyon kung saan ang tissue na kapareho ng tissue lining sa walls ng uterus. Kilala bilang endometrium na lumalaki sa labas ng uterus.
Madalas, isang napakasakit na kondisyon ang endometriosis na nakaaapekto sa ovaries, fallopian tubes, at sa tissue lining ng pelvis.
Sa bibihirang mga kaso, puwede itong kumalat lagpas pa sa pelvic region. Ano ang mga unang palatandaan ng pagkakaroon ng endometriosis?
Ang endometrial-like tissue ay kumikilos nang gaya sa totoong endometrial tissue na: kumakapal, napupunit, at nagdurugo sa bawat cycle.
Lumilitaw ang problema kapag walang paraan ang tissue upang makalabas sa katawan. Naiipon ang tissue.
Kapag kinasangkutan ito ng ovaries, ang “endometriomas” o cysts ay puwedeng mag-develop at maging sanhi ng peklat at adhesions sa nakapaligid na tissue, na maaaring magdikit sa pelvic tissue at organs.
Karaniwan ba ang endometriosis?
Nangyayari ang Endometriosis sa babae pagsapit nila ng reproductive age. 90 hanggang 99% sa kanila ay nasa pagitan ng edad 20 at 50, anuman ang kanilang lahi at estado sa buhay.
Sa buong mundo, nakaaapekto ang Endometriosis sa tinatayang 89 milyong kababaihan.
Mga Senyales at Sintomas
Ano ang mga unang senyales ng Endometriosis? Pangunahing mga sintomas ang pananakit ng iyong balakang na kadalasang nangyayari kasabay ng menstruation.
Inilalarawan ng mga taong may Endometriosis na mas matindi ang sakit na kanilang nararamdaman kumpara sa menstrual cramping.
Basahin upang malaman ang mga unang senyales ng Endometriosis:
Dysmenorrhea o napakasakit na pagreregla
Puwedeng magsimula ang pamumulikat at pananakit ng bahagi ng iyong balakang ilang araw bago ang iyong regla at magpapatuloy ng ilang araw. Maaari ka ding makaranas ng pananakit ng iyong tiyan at bandang ibaba ng likod.
Masakit kapag nakikipagtalik
Karaniwan na sa mga babaeng may endometriosis ang nararamdamang masakit habang at pagkatapos makipagtalik.
Masakit kapag umiihi o tumatae
Kadalasang nangyayari ang mga sintomas na ito kasabay ng iyong menstrual period.
Sobrang pagdurugo
Maaari itong makita sa pamamagitan ng malakas na regla o intermenstrual bleeding (pagdurugo sa bawat period)
Infertility (Hindi magawang magkaanak)
Isa ito sa pinakakaraniwang mga epekto ng Endometriosis. Nalalaman na may Endometriosis ang pasyente kapag nagpapakonsulta sila sa mga eksperto upang gamutin ang infertility.
Kabilang sa iba pang mga sintomas ng kondisyong ito ang fatigue, pagtatae, constipation, bloating, at nausea na nangyayari kasabay ng iyong regla.
Ang tindi ng sakit na maaari mong maranasan ay hindi indikasyon kung gaano kaseryoso ang iyong kondisyon.
May mga babaeng may mild na Endometriosis ay puwedeng makaramdam ng matinding sakit habang may iba namang may advanced Endometriosis ngunit kaunit lamang o walang nararamdamang sakit.
Minsan, naipagkakamali ang Endometriosis sa ibang mga problema gaya ng Pelvic Inflammatory Disease (PID) o ovarian cysts, na parehong nagdudulot ng pananakit ng balakang.
Minsan ding naipagkakamali ito bilang Irritable Bowel Syndrome (IBS) na nagdudulot ng ilang makailang ulit na pagtatae, constipation, at abdominal diagnosis. Nagiging mas komplikado ang diagnosis kapag nagpapakita ng endometriosis ang IBS.
Kailan ako dapat magpunta sa doktor?
Kailangan mo nang kumonsulta sa iyong doktor kung nag-aalala ka na at nakararanas ng mga unang senyales ng Endometriosis.
Walang dudang mahirap i-manage ang Endometriosis ngunit magagawa ito sa pamamagitan ng maagang diagnosis, malalim na pag-unawa sa iyong diagnosis, at mahusay na payong medikal.
Mga Sanhi at Panganib
Hindi pa natutukoy kung ano ang nagdudulot ng Endometriosis, bagaman narito ang ilan sa mga posibleng sanhi nito:
- Sa retrograde menstruation, bumabalik sa mga fallopian tubes patungo sa pelvic cavity ang menstrual blood na may mga endometrial cells sa halip na lumabas sa katawan. Kumakapit ang mga selula ng Endometrium sa walls at at surface ng mga pelvic organ at patuloy na lumalaki, lumalapot, at dumudugo sa bawat cycle.
- Iminumungkahi ng konseptong “induction theory” na pinahihintulutan ng hormones o ng immune factors ang mga selulang nasa lining ng abdomen – ang peritoneal cells, na mag-develop na parang endometrial cells.
- Maaaring gawing endometrial-like cells ng hormones (hal. estrogen) ang embryonic cells sa yugto ng pagdadalaga ng isang babae.
- Puwedeng mapataas ng operasyon (surgery) ang panganib na dumikit ang endometrial cells sa surgical incision
- Maaaring magpunta sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang endometrial cells sa pamamagitan ng blood vessels at/o sa lymphatic system.
- Puwede kang magkaroon ng immune system disorder na pumipigil sa katawan na matukoy at sirain ang endometrial cells na lumalaki sa labas ng uterus.
Nangangailangan ang mga ito ng kaalaman sa mga unang senyales ng Endometriosis.
Ano ang nagpapataas ng panganib na magkaroon ng Endometriosis?
Bukod sa pagtukoy sa mga unang senyales ng Endometriosis, mahalaga ring malaman ang mga salik na nagiging dahilan upang lalo kang magkaroon ng Endometriosis. Puwede kang makakuha ng Endometriosis kung:
- Hindi ka pa nanganganak
- May Nanay ka na may Endometriosis
- Mas maikli sa 27 araw ang iyong cycle na may pagdurugong tumatagal ng higit 8 araw
- Ikaw ay puti o Asyano
- Mayroon kang medikal na kondisyon na nagiging sanhi ng irregular na menstrual flow
- May nakalipas na pinsala ang mga selula na nasa lining ng iyong pelvis.
Ano ang mga komplikasyong hatid ng Endometriosis?
Ang mga komplikasyon ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang mga unang senyales ng Endometriosis.
Kadalasang nagdudulot ang Endometriosis ng pananakit habang may regla at maaari ding makaapekto sa fertility ng isang babae.
Ang mga dahilan dito ay:
- Ang patches na nililikha ng kondisyong ito ay humaharang o bumabago sa hugis ng pelvis at ng mga kalapit na organs (hal. uterus), na madalas na nagpapahirap sa sperm na matunton ang egg.
- Maaaring atakihin ng immune system ang embryo
- Hindi nag-develop nang normal ang Endometrium.
Upang mabuntis, kailangang kumonsulta sa doktor ang mga babaeng may Endometriosis upang malaman ang mga dapat gawin.
Ang mga salik gaya ng kung gaano ka-advance ang iyong Endometriosis at kung gaano mo na katagal sinusubukang mabuntis ay kabilang sa mga tinitingnan dito.
Puwedeng sumailalim sa operasyon ang mga babae upang tanggalin ang sugat at tissue ng peklat o gawin ang in-vitro fertilization (IVF), isang paraang nag-aalis ng mga nakaharang sa inflammatory pelvic environment, na paraan upang magtagpo ang sperm at ang egg.
Diagnosis at Treatment
Kung nakararanas ka ng mga unang senyales ng Endometriosis, napakahalagang makipag-ugnayan sa iyong doktor. Upang malaman kung may ganito kang kondisyon, maaaring magsagawa ang iyong doktor ng mga sumusunod na pamamaraan:
Paano ma-diagnose ang Endometriosis?
- Sa pelvic exam, dadamhin ng iyong doktor kung may cysts o pangangapal ng uterosacral ligaments at parametria
- Maaaring suriin ng iyong doktor kung may ovarian cysts gamit ang ultrasound. Ipapasok ang wand-shaped scanner sa iyong vagina o may scanner na itatapat at igagalaw sa iyong tiyan. Puwede ring gumamit ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) upang makakuha ng larawan ng loob ng katawan.
- Kung walang makikitang ovarian cysts ang doktor gamit ang ultrasound, maaari siyang magreseta ng gamot. Maaaring makapagpababa ng pananakit ng balakang kapag may regla ang hormonal birth control, habang ang gonadotropin-releasing hormone (GnRH) agonists ay pumipigil sa menstrual cycle at pinababa ang produksyon ng katawan ng estrogen. Nakababawas rin ito ng pananakit ng balakang. Tandaang tumatalab lamang ang gamot hangga’t iniinom ito at puwedeng bumalik ang sakit sa oras na inihinto ang pag-inom.
- Puwede ring imungkahi ng iyong doktor ang laparoscopy, isang uri ng operasyon na nagsusuri ng pelvic area para sa endometrial tissue. Maaaring kumpirmahin ang Endometriosis sa pamamagitan ng malinaw na paglaki o sa pamamagitan ng pagsusuri sa sample ng tissue gamit ang microscope.
Paano ginagamot ang Endometriosis?
Maaaring gamutin ang Endometriosis sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Kayang i-manage ang sakit ng non-steroidal, anti-inflammatory medication gaya ng ibuprofen. Sa ibang pagkakataon, inirereseta ang medikasyong ang target ay ang hormones, gaya ng oral contraceptive pills at GnRH agonists.
Isa pang option ang surgery: puwedeng sunugin ang Endometriosis lesions sa labas ng uterus. Maaaring tanggalin ang tissue ng peklat o ang adhesions upang makabalik sa normal na lugar ang ovaries at tubes.
Kadalasang pinagaganda ng operasyon ang mga sintomas ng sakit at nakatutulong upang mabuntis ang isang babae. Puwede ring piliin ng isang babae ang hysterectomy (ang tuluyang pagtanggal ng uterus), ng cysts (cystectomy), o ang pagtanggal ng ovary (oophorectomy) para sa endometriotic cysts.
Matapos matukoy ang mga unang senyales ng Endometriosis, kailangan nang humingi ng medikal na payo ang isang tao.
Dagdag pa, ang kondisyong ito ay puwedeng i-magae non-medically o nang walang operasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Inirerekomenda ang 20 hanggang 30 minutong physical activity at ehersisyo upang humupa ang sakit
- Makapagpapalakas ng immune system ang pagkakaroon ng magandang tulog sa gabi. Matutulungan kang gawin ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng pag-inom ng caffeine, at alcohol, at bawasan ang pagkain nang marami sa gabi. Gayundin ang pagpapanatili ng regular na oras ng pagtulog at paggising.
- Makabubuti rin sa iyo ang pagkakaroon ng stress management at relaxation techniques gaya ng yoga, mindfulness exercises at permanenteng oras para sa sarili.