backup og meta

Pagbabago Sa Ari Ng Babae: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Pagbabago Sa Ari Ng Babae: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Habang nagkakaedad, ang katawan ay sumasailalim sa maraming pagbabago. Para sa mga kababaihan, ang pagbabago sa ari ng babae at ang katawan nito ay nangyayari sa paglipas ng panahon. Ito ay madalas na naiuugnay sa kulubot, mga dark spot, at lawlaw na balat. Nagdadala din ang pagtanda ng dagdag na mga alalahanin sa kalusugan, dahil bawat taon, ang pag-aalaga sa kalusugan ng isang tao ay nagiging mas mahalaga.

Kahit ang pinakatago-tagong bahagi ng katawan ay nagbabago dahil sa edad. Ang  pagbabago sa ari ng babae ay kasama rin  dahil sa pagbawas sa produksyon ng estrogen.

Ang puki ay naiiba sa 20s, 30s, 40s, at 50s. At kung may kaalaman sa kung paano ang pagbabago sa ari ng babae sa paglipas ng panahon ay maaaring makatulong na mas  pangalagaan ang kanilang kalusugan at kalinisan nito. 

Paano nagbabago ang ari ng babae sa paglipas ng panahon : Puberty  

Ang unang pangunahing pagbabago sa ari ng babae ay nangyayari sa panahon ng puberty. Lumalaki ang labia, kasama ang pagtubo ng bulbul. Sa panahong ito, ang puki ay nagsisimulang gumawa ng araw-araw na discharge  dahil sa sex hormone ng buong reproductive system.

Ang regla ay karaniwang nagsisimula sa pagitan ng edad na 8 hanggang 15.

Paano nagbabago ang ari ng babae sa paglipas ng panahon: 20s 

Sa iyong 20s, ang balat ng puki ay hindi magiging kasing kapal katulad noong  panahon ng pagiging tinedyer at patuloy itong ninipis sa paglipas ng panahon. Para sa mga kababaihan na hindi nanganak, ang kanilang pelvic floor ay magiging kalakasan nito.

Ang pinakamahusay na paraan upang pangalagaan ang puki sa 20s ay sa pamamagitan ng regular na paghuhugas nito ng sabon na di mabango (unscented)  at mainit na tubig.

Kung ang isang babae ay aktibo sa  pakikipagtalik, mainam na malaman ang mga pangunahing kaalaman ukol sa ligtas na pakikipagtalik, tulad ng pagsusuot ng condom ng kanyang partner sa panahon ng pakikipagtalik.

Kaya hindi na kailangang gumamit ng karagdagang pagpapadulas. Ang lakas at libido ay nasa peak nito ngayon, na ginagawang mas kasiya-siya ang pakikipagtalik sa bahaging ito ng buhay.

Ito rin ang perpektong oras para sa panganganak.

Paano nagbabago ang ari ng babae sa paglipas ng panahon: 30s 

Sa  iyong 30s, isa pang pangunahing pagbabago ang nangyayari sa iyong puki. Ang balat ng puki ay magiging mas maitim. 

Ang iba pang mga pangunahing pagbabago ay pagiging elastiko nito. Sa yugtong ito, ang mga kababaihan ay malamang na nanganak na,  kadalasan  ang  mga pelvic muscle ay nag-stretch dahil sa panganganak.

Ang ilang mga kababaihan ay maaaring makaramdam ng pagkatuyo pagkatapos manganak sa kanilang 30s. Ito ay normal dahil sa pagbabago-bago ng estrogen postpartum, ngunit ang mabuting balita ay pansamantala lamang ito. Kung may pagkatuyo sa panahon ng pagtatalik, ang isang pampadulas ay maaaring makabawas  sa  kakulangan sa ginhawa.

Ang pinakamagandang bagay na maaari mong gawin para sa iyong puki sa edad na ito ay ang Kegel na ehersisyo. Nakatutulong ito na palakasin ang mga pelvic floor muscles. Ang Kegel na ehersisyo ay tumutulong upang mapanatili ang mga kalamnan pagkatapos ang panganganak at binabawasan din nito ang panganib ng mga isyu sa pantog at bituka.

Paano nagbabago ang ari ng babae sa paglipas ng panahon: 40s 

Sa iyong 40s, ang perimenopause ay karaniwang nagsisimula nang mangyari. Ang perimenopause ay karaniwang tumatagal ng 4 hanggang 5 taon, sa karaniwan, bago ang ganap na paglipat sa menopause. 

Sa yugtong ito, ang antas ng estrogen ng babae ay nagsisimula nang bumagal. Ito ay humahantong sa iregular na mga siklo ng regla, mainit na pakiramdam, at panunuyo ng puki. 

Ang panganganak sa edad na 40 ay hindi magiging madali. Ang puki ay hindi maaaring pagalingin nang mabilis ng katulad ng dati, kaya kukuha ng mas maraming oras para  maging normal muli ito.

Ang pakikipagtalik  sa edad na 40 ay maaring  hindi komportable. Sa kanilang 40s, maraming mga kababaihan ang dumadaan sa pagnipis ng mga wall ng puki  at ang pagiging patag ng  rugal folds nito na pumipigil rito para mag-expend. 

Ito ay maaaring humantong sa kirot kung may penetration sa halip na makaramdam ng kasiyahan, kahit na ang isang babae ay na-arouse. Ang pagsasagawa ng Kegel na ehersisyo ay maaaring makatulong upang mapahusay ang pakiramdam pakikipagtaliks  sa yugtong ito.

Paano nagbabago ang ari ng babae sa paglipas ng panahon: 50s 

Sa 50s ng babae, ang mga pagbabago sa puki ay mas kapansin-pansin. Bukod sa pagluwag ng vaginal wall at ang pagpapahina ng pelvic muscle, ang  bulbol ay nagsisimula ng maging kulay puti at kalat-kalat sa yugtong ito.

May ilang mga bagay na kailangang bigyang pansin ang mga babae dahil sa posibilidad ng pagkakaroon na ang matris, pantog, at  bituka ay ma- prolapse o masira. Kapag nangyari ito, maaari itong makaapekto sa pantog o ang gawain  ng bituka pati na rin ang vaginal pressure.

Ang pagtatalik sa edad na ito ay maaaring maging napaka hindi komportable, kaya pagpapadulas ay ang susi upang maiwasan ang pananakit sa puki  at pagdurugo sa panahon ng pakikipagtalik. Kaya,  pinakamainam na maging dahan-dahan  at mag- foreplay upang maiwasan ang pakiramdam na di pagiging komportable at ilang mga pinsala. 

 Paano pananatilihin ang pagkakaroon ng malusog na puki (ari ng babae)  

Habang nagkakaedad ang  pagbabago sa ari ng babae ay lalong kapansin-pansin.  Ngunit may ilang mga bagay na maaari mong gawin upang mapanatiling malusog ang iyong puki habang dumadaan ka sa yugtong ito. 

  • Pagbabakuna ng HPV. Mahalaga na protektahan ang iyong sarili mula sa virus na nauugnay sa cervical cancer. 
  • Limitahan ang  alak at paninigarilyo.  Ang dalawang ito ay maaaring makaapekto sa sekswal na function.
  • Kegel  na pagsasanay. Gawin ito sa loob ng 5 hanggang 10 minuto sa isang araw at gagawin nito ang mga pagbabago sa  kalamnan  ng  vagina.
  •  Iwasan ang douching at paggamit ng mga vaginal scented product

Konklusyon 

Ang mga pagbabago sa ari ng babae ay hindi mapipigilan  habang  nagkakaedad, ngunit may mga paraan upang matulungan ang iyong sarili sa pamamagitan ng likas na transisyon nito, ang pagsasagawa ng ilang bagay upang makaramdam ng ginhawa ay maaari rin. 

Maaari kang magka-edad sa isang kaaya-ayang paraan, handa pa ring  humarap sa mundo anuman ang mga pagbabago sa iyong katawan.

Matuto nang higit pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Changes in the Vagina and Vulva https://www.menopause.org/for-women/sexual-health-menopause-online/changes-at-midlife/changes-in-the-vagina-and-vulva Accessed 23 May 2020

Vagina: What’s Normal, What’s Not https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/womens-health/in-depth/vagina/art-20046562 Accessed 23 May 2020

Kegel Exercises – Self-Care https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000141.htm Accessed 23 May 2020

Hot Flashes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hot-flashes/symptoms-causes/syc-20352790 Accessed 23 May 2020

Perimenopause https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/perimenopause/symptoms-causes/syc-20354666 Accessed 23 May 2020

Kasalukuyang Version

05/22/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement