Ang vaginal yeast infection ay tinatawag ding vulvoginal candidiasis, ito ay karaniwang kondisyon sa mga babae. Nagiging sanhi ng kondisyon ang mga sintomas tulad ng labis na pangangati ng puki, iritasyon, at abnormalvaginal discharge. Dahil karaniwan ito sa mga babae sa kanilang reproductive years, sinasabi ng mga eksperto na 3 sa 4 na mga babae ay maaaring magkaroon ng infection minsan sa kanilang buhay. Karagdagan, ang yeast infection ay maaaring bumalik, ibig sabihin makukuha mo ito muli matapos itong mawala. Kung may pabalik-balik kang infection, may mga paraan ba paano makaiiwas sa yeast infections?
Paano Makaiiwas sa Yeast Infections
Sa pag-iwas sa vaginal yeast infection na bumalik, kinakailangan na magbawas ng mga tiyak na pagkain sa iyong diet at baguhin ang gawi ng pang-araw-araw na pangangalagang hygiene.
Ikonsider ang Pagbawas sa Candida Diet
Isa sa mga paraan kung paano makaiiwas sa yeast infections ay subukan na ikonsidera ang pagbabago ng diet. Ang fungus na sanhi ng vaginal Candidiasis ay lumalaki sa sugar, kaya’t ang pagbawas ng matatamis na pagkain ay maaaring makaiwas sa pagbalik ng infections.
Subukan na iwasan ang mga sumusunod:
- White flour o kanin
- Mga pagkain o simpleng matatamis, tulad ng candies at sodas
- Mga pagkain at inumin na may fermented yeasts
Maraming mga babae na nahihirapan na panatilihin ang ganitong uri ng diet, kaya’t nagpayo ang mga eksperto na bawasan lamang ang mga ito kung hindi ganap na maiwasan.
Maliban sa pagbawas ng matatamis na pagkain, subukan na damihan ang konsumo ng mga sumusunod:
Masustansyang fats at protina
Prutas at gulay na mababa ang starch
Magdagdag ng Probiotics sa Iyong Diet
May mga natural tayong bumabalik na bacteria sa katawan, ngunit kung may infection, ang mga natural na bacteria ay “nawawala sa balanse.” ang pagkakaroon ng probiotics ay nakatutulong na manumbalik ang balanse. Ilang mga mayamang pinanggagalingan ng probiotics ay:
- Yogurt
- Probiotics drinks na may live lactobacillus
- Fermented foods, tulad ng kimchi, kombucha, pickles, at kefir
Ang ilang mga babae ay nag-ulat na sa pagkonsumo ng probiotics, nagiging matagumpay sila sa pagsugpo ng infections; naiiwasan din nila ang pagbalik nito.
Ipinapayo ng mga eksperto na kung umiinom ka ng antibiotics, kailangan mong uminom ng probiotics na inumin o yogurt na may live bacteria. Ito ay sa kadahilanan na minsan ang antibiotics ay pumapatay din ng good bacteria.
Ikonsidera ang Ilang mga Hygiene Practices
Paano makaiiwas sa yeast infections? Maaari mong gawin ang ilang mga maliit na pagbabago sa pangangalaga ng iyong puki. Para sa pinaka mainam na hygiene practices, maaari mong subukan na:
Magpalit ng produkto. Maraming mga produktong pambabae ay may mga matapang na kemikal at ang mga kemikal na ito ay nagpapalala ng infection. Karagdagan, maaaring maging vulnerable sa iritasyon ang iyong bahagi ng ari. Ipinapayo ng mga eksperto na iwasan ang paggamit ng mga may-amoy na sabon upang linisin ang ibabang bahagi dahil maaaring masyadong matapang ito at mawala ang normal na flora sa bahaging iyon.
Magpunas nang maayos. Matapos gumamit ng banyo at matapos maligo, siguraduhin na punasan ang iyong harap at likod. Mananatiling tuyo at iwasan ang pagkalat ng infection.
Palitan nang madalas ang sanitary pads. Huwag kalimutan na palitan ang iyong sanitary napkins at pantyliners kada tapos ng apat na oras, lalo na kung malakas ang iyong regla. Kung ikaw ay gumagamit ng tampons, subukan na palitan ito kada tapos ng 2 oras. Sa huli, iwasan ang paggamit ng may-amoy na tampons at sanitary pads. Ito ay pinatunayan na epektibo lalo na kung iiwasan ang pagkakaroon ng yeast infections.
Iwasan ang douches. Ang paglalagay ng douches ay maaaring makasira sa natural na bacteria na namumuhay sa iyong bahagi ng ari. Maaari din nitong palalain ang infection, o mapataas ang banta na bumalik ang infection.
Panatilihin na tuyo ang sarili. Iwasan ang pagkakaroon ng yeast infection sa pananatiling malinis at tuyo. Dahil ang yeast ay namumuhay sa mga basang bahagi, tandaan na magpalit ng pawis na damit matapos ang nakapapagod na aktibidad.
Alalahanin ang Iyong Sinusuot
Isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng yeast infection ay ang pagpili ng mga sinusuot na damit. Subukan na sundin ang mga sumusunod na tips:
Magpalit ng cotton na underwear. Ang Candida, na yeast na sanhi ng vaginal infection ay namumuhay sa basang paligid. Mainam na nag a-absorb ang cotton undergarments ng moisture, na pinapanatili ang bahagi ng iyong ari na tuyo.
Ikonsidera ang iyong jeans at pantalon. Ang masisikip na jeans at pantalon ay nagiging sanhi ng tiyak na lebel ng friction at masakit ito sa iyong bahagi ng ari. Upang maiwasan ang iritasyon at manatiling fresh at tuyo, ikonsidera ang paggamit ng loose-fitting na pang-ibaba.
Isipin din ang iyong susuotin na swimsuits. Sa maraming pagkakataon, ang mga swimsuit ay masisikip, kaya’t maaari itong makairita sa iyong bahagi ng ari. Ngunit mas mahalagang rason na isaisip ay ang katotohanan na mas mapararami nila ang yeast, lalo na kung ito ay basa at sinuot sa mahabang panahon.
Bawasan at I-manage ang Stress
Bagaman mukhang wala itong halatang koneksyon, may mga pag-aaral na nagpapakita na ang chronic stress at yeast infection ay magkaugnay. Sa madaling salita, kung ang pag-uusapan ay ang pag-iwas sa yeast infection, maaari mong bawasan at i-manage ang lebel ng iyong stress.
Ikonsidera ang pagsasagawa ng pamamaraan sa relaxation kung nahihirapan sa maraming bagay at gawin ang meditation kung nakararamdam ng pagtaas ng stress.
Subukan ang Ilang Lunas sa Bahay
Kung mayroon ka nang yeast infection, maaari mong subukan ang mga sumusunod na lunas sa bahay. Sa pag-iwas na magkaroon ng yeast infection, nangangailangan din ito ng preventive measures.
Apple Cider Vinegar
Minsan ay naglalagay ang mga babae ng apple cider vinegar sa kanilang pagligo dahil ang acidity ng vinegar ay nagpapababa ng pH ng puki, na nagiging mas acidic. Dahil sa acidity, makaiiwas ito sa pagkakaroon ng Candida albicans, ang fungi na nagiging sanhi ng yeast infection.
Gayunpaman, huwag gamitin ang apple cider vinegar nang husto. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng infection, maglagay ng kalahating cup ng diluted na vinegar sa iyong paligo at ibabad ito ng mga 20 minuto.
Coconut Oil
Kilala sa maraming mga benepisyo, maaari ka ring maglagay ng coconut oil sa apektadong bahagi. Tulad ng ACV, ang coconut oil ay may anti-fungal na properties na nakaiiwas sa pagkakaroon ng fungi.
Vitamin C
Ang mababang immune system ay mas madaling makapitan ng infections. Para sa rason na ito, maaari mong palakasin ang iyong immunity sa pamamagitan ng paglalagay sa iyong diet ng Bitamina C. Tanungin ang iyong doktor para sa mainam na supplement, at huwag kalimutan na magdagdag ng ilang citrus na prutas sa iyong diet.
Mahalagang Tandaan
Paano makaiiwas sa yeast infections? Ibig sabihin ng bumabalik na infection ay maaari ka muling magkaroon ng vaginal yeast infection hanggang 4 na beses kada taon.
Maaari mong iwasan ang pagkakaroon ng yeast infection sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong hygiene at diet. Gayunpaman, ang mga modipikasyon na ito ay mainam kasama ng gabay ng iyong doktor. Kung ikaw ay buntis, magpatingin sa iyong doktor bago lunasan ang candidiasis.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.