Bukod sa breast cancer, ang kanser sa matris o uterus ang dahilan ng kamatayan ng kababaihan sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH). Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat ng mga babae na magkaroon ng kaalaman tungkol sa kondisyon na ito para maiwasan ang pagkamatay dahil sa uri ng kanser na ito. Kaya naman napakahalaga na malaman natin ang mga sintomas at paggamot na pwedeng gawin para maiwasan at malaban ang sakit na maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isang babae.
Basahin at alamin ang mga fact tungkol sa kanser sa matris o uterus sa artikulong ito.
Fact number 1: Ano ang matris o uterus?
Isa sa mahalagang bahagi ng katawan ng babae ang matris dahil ito ang nagdadala ng kanyang baby habang nasa panahon ng pagbubuntis ang isang babae.
Fact number 2: Paano nagkakaroon ng kanser sa matris o uterus?
Ang matris ng babae ang nagdudugtong ng bahay-bata sa vagina at madalas nagsisimula ang uri ng kanser na ito sa cells ng matris. Dagdag pa rito, kapag ang tissue na nakapalibot sa matris (endometrium) ay nagkaroon o tinubuan ng bukol, pwede itong maging dahilan ng kanser sa uterus o endometrial — o uterine cancer.
Ayon pa sa mga eksperto at doktor ang pagkakaroon ng kanser sa matris ay pwedeng dulot din ng sexually transmitted human papillomavirus (HPV), kung saan ito rin ang virus na dahilan ng genital warts.
Subalit dapat mong tandaan na ang HPV-16 at HPV-18 strains lamang ang nagdudulot ng kanser sa uterus at kung nakapasok man ito sa’yong katawan lalabanan ng iyong immune system ang karamihan sa HPV infections na sa’yong katawan.
Fact number 3: Ano ang mga sintomas ng kanser sa matris o uterus?
Madalas ang mga kababaihan na may ganitong kanser ay nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas na dapat mong malaman. Narito ang mga sumusunod:
- pagsakit ng balakang
- pagdurugo ng ari o vaginal bleeding kahit hindi naman nireregla
- pagsakit ng ari habang umiihi
- pagkirot ng ari habang nakikipag-sex
- vaginal discharge na may ibang itsura at amoy
- madalas na pag-ihi
Fact number 4: Lumalabas ba agad ang mga sintomas ng kanser sa matris?
Hindi agad lumalabas ang sintomas ng kanser sa uterus partikular na kung nasa early stages pa lamang ito. Sa oras na magpakita na ito ng mga sintomas kadalasan na napagkakamalan ito na urinary tract infection at iba pa bang medikal na kondisyon at sakit.
Face number 5: Mayroon bang stages ang kanser sa uterus?
Ang kanser sa matris ay mayroong 4 na stages na dapat mong malaman at narito ang mga sumusunod na impormasyon:
- Stage 1: Sa bahaging ito maliit pa ang kanser subalit pwede na itong kumalat sa iyong mga lymph nodes.
- Stage 2: Kung ikukumpara ang laki ng kanser na ito sa stage 1, mas malaki na ito at pwede nang kumalat sa labas ng ating bahay-bata at matris.
- Stage 3: Makikita sa stage na ito na kumalat na ang kanser sa lower part ng vagina at maaaring nahaharangan na nito ang ureters.
- Stage 4: Kapag nasa ganito ka ng yugto ang kanser ay kumalat na sa iba’t ibang bahagi ng katawan gaya ng atay at baga.
Fact number 6: Mayroon bang mga uri ang kanser sa matris?
Mayroong 3 uri ng kanser sa matris na dapat mong malaman at narito ang mga sumusunod:
- Type 1 endometrial cancer. Ito ang pinakakaraniwang type ng kanser sa matris at kilala din ito sa tawag na “endometrioid cancer,” at sa uri ng kanser na ito mabagal ang pagtubo ng bukol at bihira lang ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng katawan ng babae. Sinasabi na pwedeng magkaroon ng ganitong kondisyon kung masyadong marami ang naging produksyon ng estrogen hormone.
- Type 2 endometrial cancer. Mas mapanganib ang uri ng kanser na ito kumpara sa type 1 dahil ang mga bukol ay mas mabilis na tumutubo at kumakalat sa iba pang bahagi ng katawan ng babae.
- Uterine sarcoma. Sa type na ito ang mga bukol ay sa mismong kalamnan ng matris (myometrium) tumutubo. Napakabihira lamang ng ganitong uri ng kanser sa babae pero pwedeng kumalat ito sa iba pang bahagi ng katawan.
Fact number 7: Paano ginagamot ang cancer sa matris?
Sa panahon ngayon mas marami na ang mga paraan para gamutin ang kanser sa matris o uterus lalo na kung maaga itong mada-diagnose dahil sa pagkakita ng mga sintomas na kaugnay sa kanser sa matris. Narito ang mga sumusunod na paggamot na pwedeng gamitin:
Surgery
Tatanggalin ng doktor ang mga parte ng iyong matris na apektado ng kanser, at kung hindi pa masyadong malaki ang infected area hindi aalisin ng iyong doktor ang buong uterus.
Targeted Therapy
Ito ang pamamaraan na paggamot kung saan bibigyan ka ng medications kasabay ng mga gamot sa iyong chemotherapy. Sinasabi na ang mga gamot na ito ang babara sa blood vessels na nagdadala ng dugo patungo sa cancer cells hanggang sa mamatay ito nang unti-unti.
Radiation Therapy
Sa therapy na ito ang radiation mismo ang papatay sa cancer cells sa pamamagitan ng high-energy X-ray beams.
Isa itong kilalang treatment para sa lahat ng uri ng kanser kung saan ang gamot ang gagamitin upang patayin ang cancer cells. Madalas na ibinibigay ito ng iyong doktor na naka-cycle upang magkaroon ang katawan ng oras sa pagpapagaling.
Fact number 8: Sino ang mga nasa risk ng pagkakaroon ng kanser sa matris o uterus?
Bukod sa pagiging babae at pagkakaroon ng HPV, ang hindi malusog na lifestyle ay pwedeng maging dahilan ng pagtaas ng iyong risk sa pagkakaroon ng kanser sa uterus.
Narito ang mga dahilan kung bakit pwedeng tumaas ang iyong pagkakataon na magkaroon ng kanser sa matris:
- paninigarilyo
- hindi wastong pagkain o diet
- obesity
- pagkakaroon ng family history ng kanser sa matris
Fact number 9: Ano ang mga komplikasyon na pwedeng kaharapin dahil sa kanser sa matris?
Tandaan mo na kapag hindi naagapan o nagamot ang kanser sa matris pwede itong magresulta sa mga sumusunod na komplikasyon:
- pagkakaroon ng anemia
- pagkabutas ng matris
- kawalan ng kakayahan na magkaanak
Key Takeaways
Para maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa matris maganda kung magkaroon tayo ng healthy lifestyle at eating. Mahusay rin kung magpapabakuna tayo ng mga vaccine laban sa cancer sa matris, dahil mayroon na tayong mga bakuna gaya ng Cervarix na maganda pang-shield o panangga sa HPV. Ugaliin din na magpatingin sa doktor at magpa-pap smear para sa early detection ng cancer sa uterus.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.