backup og meta

Tigyawat Sa Ari Ng Babae Home Remedy: Ano Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Tigyawat Sa Ari Ng Babae Home Remedy: Ano Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Bagaman kadalasang makikita sa mukha ang mga tigyawat, maaari rin itong lumaki sa iba’t ibang parte ng katawan, maging sa ari ng babae. Kung kaya ang tanong — anu-anong mga home remedy para sa tigywat sa ari ng babae ang maari mong gawin? Alamin kung bakit ngakakaroon ng ganito at paano ito gumagaling sa artikulong ito. 

Pag-Unawa Kung Bakit Nagkakaroon Ng Tigyawat Sa Ari Ng Babae

Bago tayo tumungo sa tigyawat sa ari ng babae home remedy, atin munang alamin kung ano ang naturang tigyawat. 

Tulad ng pagkakakilanlan natin sa tipikal na tigyawat sa mukha, ang tigyawat sa ari ng babae ay kadalasang dulot ng acne. Ito ay tumutubo rin sa ibabang bahagi kung saan ang mga pores ng balat (vulva at labia) ay barado ng langis, bacteria o iba pang mga sangkap. Sa Ingles, ito ay kilala rin sa tawag na vaginal acne. 

Hindi malabong ikaw ay magtaka sa paglaki nito. Bukod sa nabanggit, ito ay maaaring sanhi rin ng contact dermatitis. Ang kondisyong ito ay tumutukoy naman sa reaksyon sa iba’t ibang mga materyales at sangkap na karaniwan nang nadidikit sa vulva. Kabilang sa mga naturang sangkap ang mga sumusunod:

Posible rin na ito ay sanhi ng foliculitis, na nangyayari kapag ang mga follicle ng pubic hair ay namamaga o nahawahan. Ito ay maaaring dahil sa:

  • Ingrown hair
  • Razor burn
  • Pag-aahit (shaving)
  • Paggamit ng masisikip na mga damit
  • Maruming tubig sa bathtub o swimming pool 

Karaniwang nagkakaroon ng ingrown hair ang mga taong nag-aahit ng pubic hair na siyang dahilan ng naturang kondisyon. 

Dagdag pa rito, ang skin tags, hidradenitis suppurativa, molluscum contagiosum, Bartholin cysts, at mga sexually transmitted infections tulad ng genital herpes at genital warts ay ilan pa sa mga kondisyong posibleng magdulot ng naturang tigyawat. 

Gaya ng mga nakasanayan nating mga tigyawat, nakakailang ang magkaroon ng ganito. Kapag patuloy itong lumaki at mamula, maaari itong maging senyales ng impeksyon. Kung kaya, mainam na maagapan ito habang maaga pa sa pamamagitan ng mga tigyawat-sa-ari-ng-babae home remedies. 

tigyawat sa ari ng babae home remedy

Anu-Anong Mga Maaaring Home Remedies Para Sa Tigywat Sa Ari Ng Babae?

Narito ang ilan sa mga maaari mong gawing mga home remedies upang maibsan ang paglalaganap ng tigywat sa ari ng babae:

  • Panatilihin ang good hygiene. Isa ang dumi o mga bacteria sa pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ang tao ng tigyawat, mapa-kahit anong parte man ng katawan. Kung kaya, nararapat na mapanatiling malinis ang katawan lalo na ang apektadong lugar. Ugaliing hugasan ito araw-araw gamit ang mild soap. Iwasan ang paggamit ng mga produkto na maaaring makaapekto sa pH balance ng vagina. Ito ay marahil maaari pa rin itong humantong sa hindi kanais-nais na impeksyon. 
  • Umiwas sa mga irritants. Dahil nabanggit na ang tigyawat ay maaaring sanhi ng contact dermatitis, mainam kung iiwas ka na sa mga posible irritants na maaaring magpalala ng kondisyon. Hindi rin inirerekomenda ang dry shaving dahil maaari itong makapagdulot ng ingrown hair. 
  • Huwag itong basta-bastang putukin. Lagi’t laging pinapaalalahan na huwag pisatin ang tigyawat dahil maaari rin itong magdulot pa ng impeksyon. Bukod sa impeksyon, baka lalo ito mairita at magdulot ng pananakit dahil sa pagpisat. Kadalasan naman itong nawawala ng kusa basta mapanatiling malinis ito. 

Bukod sa mga simpleng paraan upang maibsan ang paglala ng tigywat sa ari sa pamamagitan ng mga home remedies na nabanggit, malaki ang maitutulong ng pagkonsulta nito sa doktor. Ito ay upang mas angkop ang paggamot at naka-ayon sa kung ano ang dahilan ng pagkakaroon nito. 

Maaari siyang magreseta ng mga gamot na makatutulong sa patuloy na paggaling nito tulad ng mga sumusunod:

  • Acne medications. Mabisa ang mga ito upang mabawasan ang pamamaga o ang dami ng langis sa iyong balat upang hindi lalong mas maipon ang dumi. 
  • Antihistamines. Ginagamot naman nito ang mga allergies at iba pang pinagmumulan ng pamamaga. 
  • Antiviral medications. Tinatarget nito ang mga virus na nagdudulot ng mga sexually transmitted infections tulad ng genital herpes at genital warts. 
  • Imiquimod cream. Ito naman ay mabisa upang magamot ang genital warts at molluscum contagiosum na maaaring magdulot ng mga naturang tigyawat. 

Key Takeaways

Ang genital area ay isang sensitibong lugar. Ito ang dahilan kung bakit maaaring nagkaroon ka ng tigyawat dito. Ngunit, hindi ka dapat sobrang mabahala dahil kadalasan nawawala naman ito ng kusa matapos ang ilang araw. Makatutulong kung sasanayin ang sarili sa pagkakaroon ng pangkalahatang good hygiene upang magamot at maiwasan ang paglaganap nito. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is it Normal to Get Pimples Near the Vagina? https://kidshealth.org/en/teens/ingrowns.html Accessed July 20, 2022

Pimple on Vagina, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22019-pimple-on-vagina  Accessed July 20, 2022

I have a pimple near my vagina. I do not shave my pubic hair and I have never had any type of sexual intercourse. What may be wrong?, https://youngwomenshealth.org/2017/04/19/i-have-a-pimple-near-my-vagina/ Accessed July 20, 2022

What’s that bump?!, https://www.plannedparenthood.org/learn/ask-experts/whats-that-bump  Accessed July 20, 2022

Molluscum Contagiosum, https://www.cdc.gov/poxvirus/molluscum-contagiosum/ Accessed July 20, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pwede ba Mabuntis ang may Endometriosis? Alamin Dito ang Kasagutan

Feminine Wash Para Sa Makati: Kailangan Ba Nito? Ano Ang Mga Alternatives?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement