backup og meta

Pananakit Ng Utong: Anu-Ano Ang Iba't-Ibang Mga Sintomas Nito?

Pananakit Ng Utong: Anu-Ano Ang Iba't-Ibang Mga Sintomas Nito?

Hindi komportable ang mga sintomas ng pananakit ng utong. Ang mga utong ay isa sa mga pinaka sensitibong bahagi ng katawan. Kung kaya karaniwan na kung minsan ito ay may pananakit. Maaaring hindi ito isang paksang gusto mong talakayin kahit na sa iyong mga pinakamalapit na kaibigan. Ngunit ang pananakit ng utong ay isang tunay na bagay na nararanasan ng karamihan sa mga tao, lalaki man o babae.

Maraming posibleng sanhi ng pananakit ng utong. Ang ilan ay kasing simple ng isang allergy sa laundry detergent o isang bra na hindi kasya. Ito ay karaniwan ding nangyayari sa mga babaeng nireregla, buntis, o nagpapasuso.

[embed-health-tool-bmi]

Sintomas Ng Pananakit Ng Utong

Maaaring iba-iba ang karanasan at paglalarawan ng bawat tao sa pananakit ng kanilang utong Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Masakit Na Utong

Friction ang pinaka karaniwang dahilan ng pananakit ng mga utong. Maaaring mangyari ito kung ang mga utong ay nakukuskus sa t-shirt o hindi maayos na bra. Ito ay karaniwang nangyayari kapag may mga aktibidad sa palakasan, tulad ng pagtakbo, pag-surf, o basketball. Pag nangyari ito, maaaring maging tuyo o pumutok ang balat sa palibot ng utong.

Malambot Na Mga Utong

Ang pagsakit at pagiging sensitibo ay isa sa mga sintomas ng pananakit ng utong. Malamang na mawala ito pagkatapos ng ilang araw kung hindi ka buntis. Ito ay kadalasang nasusuri bilang isang benign na kondisyon na tinatawag na ‘periductal mastitis’, kung saan ang utong ay nagiging inflamed, malambot at mainit kapag hinawakan.

Matinding Pananakit Ng Mga Utong

Ang mga utong ay sensitibo, at maaari silang sumakit sa maraming dahilan. Ang masikip na damit, pantal, at impeksyon ay maaaring makairita sa malambot na balat. Para sa mga kababaihan, ang mga namamagang utong ay karaniwan sa panahon ng regla, pagbubuntis, at pagpapasuso.

Nasusunog Na Sakit Ng Utong

Ang “burning pain” o sakit na parang nasusunog ay isa sa mga sintomas ng pananakit ng utong.

Kung ikaw ay may yeast infection o thrush sa mga utong, maaaring maramdaman mo ang parang nasusunog na sakit. Hindi ito nawawala kahit pa tanggalin ang nakakairitang tela o anuman na sanhi ng friction. Ang mga utong ay maaaring matingkad na kulay rosas at ang areola ay maaaring mamula-mula o patumpik-tumpik. Inilalarawan ng maraming babaeng nagpapasuso ang thrush bilang matalim, mainit na sakit pagkatapos ng pagpapasuso.

Pakiramdam Ng Pangingilig Sa Mga Utong

Ang pangangati ng dibdib ay isang pangkaraniwang sensasyon, lalo na sa mga babaeng may regla, buntis o nagpapasuso. Sa karamihan ng mga kaso ang sanhi ay hindi seryoso at kadalasang nauugnay sa normal na pagbabago-bago ng hormones.

Pumipintig Na Sakit Ng Utong

Ang pananakit ng utong ay nangyayari kapag ikaw ay may pananakit, paso, pagpintig, pangingilig, o malambot na sensasyon sa iyong utong. Karamihan sa pananakit ng utong ay normal at walang dapat ikabahala. Ito ay maaaring sanhi ng isang allergy, eczema, mga pagbabago sa hormones, sekswal na aktibidad, o sunburn.

Sintomas Ng Pananakit Ng Utong: Ano Ang Sanhi Nito?

Impeksyon

Ang mga utong na nasugatan na dahil sa friction, allergy, bitak o dumudugo ay may mas mataas na panganib ng impeksyon. Ang paggagatas at pagpapasuso ay maaari ring magpataas ng panganib ng impeksyon. Posibleng magkaroon ng yeast infection sa mga utong. Ito ay isang fungal infection na dulot ng Candida albicans. Ito ay maaaring resulta ng pinsala sa nakapaligid na tissue, kamakailang paggamit ng antibiotic, o kapag ang isang tao ay may kasaysayan ng mga fungal infection.

Hormonal Changes

Ang normal na pagbabago ng hormones sa buwanang cycle ng isang babae ay maaari ding mag-trigger ng pananakit ng utong at dibdib. Kadalasang nararamdaman ang mga sintomas ng pananakit ng utong sa mga araw bago magsimula ang kanyang regla kung kailan mataas ang antas ng estrogen at progesterone. Ito ay nakakakuha ng mas maraming likido sa mga suso at nagiging sanhi ng kanilang pakiramdam na namamaga.

Pagpapasuso

Ang pagpapasuso ay isang karaniwang sintomas ng pananakit ng utong. Kadalasan ito ay dahil sa pamamaraan ng latching ng sanggol. Kung ang sanggol ay walang sapat na suso sa bibig nito, ang utong ay nakalagay sa gilagid at matigas na palate. Maaari ring magdulot ng pananakit ng utong ang paggamit ng breast pump.

Magpatingin sa iyong doktor kung hindi bumuti ang pananakit o napansin mo ang alinman sa mga palatandaang ito: matinding pamamaga, at bukol sa dibdib.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eight causes of nipple pain, https://www.medicalnewstoday.com/articles/320436, Accessed August 18, 2022

Sore Nipples, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/23164-sore-nipples#:~:text=In%20most%20cases%2C%20sore%20nipples,lumps%20as%20soon%20as%20possible., Accessed August 18, 2022

Breast Pain: 10 Reasons Your Breasts May Hurt, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/breast-pain-10-reasons-your-breasts-may-hurt Accessed August 18, 2022

Why Do My Nipples Hurt? https://www.webmd.com/women/why-do-nipples-hurt, Accessed August 18, 2022

Breast pain, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/breast-pain/symptoms-causes/syc-20350423, Accessed August 18, 2022

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement