Ang mga oral contraceptive pill ay nagtataglay ng mga hormones na kinikilala bilang estrogen at progestin, na nakatutulong sa pagpigil ng ovulation o sa proseso kung saan ang mga ovary ay naglalabas ng mga mature na egg cell. Dahil ang isang babae na umiinom ng birth control pill ay hindi nag-ovulate, hindi siya nakakaranas ng regla. Gayunpaman, minsan ang pagdurugo ay maaaring mangyari kahit hindi umiinom ng mga birth control pill. Ito ay tinatawag na breakthrough bleeding. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga pinakakaraniwang sanhi ng spotting, maging ang breakthrough bleeding.
Ano ang Breakthrough Bleeding?
Ang breakthrough bleeding ay nangyayari kapag ang babae ay nakaranas ng “unscheduled” o hindi inaasahang pagdurugo habang umiinom ng oral contraceptives. Bagama’t nagdudulot ito ng isang tiyak na antas ng pag-aalala, sinasabi ng mga ulat na ang breakthrough bleeding ay isang karaniwang side effect ng birth control pills. Ngunit ano ang tunay na sanhi ng spotting at breakthrough bleeding?
Karaniwang Sanhi ng Spotting at Breakthrough Bleeding
Kung ikaw ay nakararanas ng spotting o breakthrough bleeding, ito ay If you experience breakthrough bleeding, ito ay maaaring dahil sa mga sumusunod:
Kasisimula mo pa lang uminom ng birth control pill
Ang pagsisimula pa lamang ng iyong unang pakete ng birth control pill ay ang pinakakaraniwang sanhi ng spotting o breakthrough bleeding. Ayon sa mga doktor, tumatagal ng ilang oras para masanay ang iyong katawan sa mga hormonal changes, kaya maaaring magkaroon ng pagdurugo sa unang 3 hanggang 6 na buwan. Bukod dito, ang breakthrough bleeding ay maaari ring mangyari kung nagpalit ka kamakailan ng uri ng oral contraception na ginagamit na maaaring mayroong mababang dose ng estrogen.
Kung nararanasan ang pagdudugo nang mas mahaba kaysa sa 6 na buwan o biglang may spotting habang naka oral contraceptive na matagal mo nang ginagamit, siguraduhing kumunsulta at gumawa ng appointment sa iyong doktor.
Nalimutan mo ang dose
Ang isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng spotting o breakthrough bleeding ay ang pagkalimot o paglaktaw ng dose, o pag-inom ng pill nang huli. Upang maiwasan ang breakthrough bleeding, mahalagang uminom ng mga pill ayon sa nakaiskedyul, mas mabuti sa eksaktong parehong oras bawat araw (ito ay totoo lalo na para sa mga progestin-only pills).
Ikaw ay umiinom ng progestin-only pills
Ang ilan sa mga mas bagong paraan ng oral contraception ay hindi naglalaman ng estrogen; nakadepende lang sila sa hormone na progestin para maiwasan ang ovukation. Inirerekomenda ang mga progestin-only na tabletas (POP o minipills) para sa mga babaeng may history ng thrombosis (clotting) dahil ang estrogen ay makabuluhang nagpapataas ng panganib ng pamumuo ng dugo. Isa rin itong magandang opsyon para sa mga babaeng ayaw gumamit ng pangmatagalang contraception.
Sa kabila ng mga ulat na ang mga kababaihan ay nakakaranas ng mas kaunting mga side effect habang umiinom ng minipills, posible pa rin ang breakthrough bleeding. Ang mga tabletang ito ay nagpapanipis ng lining ng matres, na nagpapahina sa maliliit na daluyan ng dugo at maaaring magdulot ng pagdurugo. Gayundin, ang isa sa mga pinaka-kapansin-pansing side effect ng progestin-only pills ay ang hindi regular na pagreregla.
Tinatantya ng mga ulat na 13 sa 100 na mga gumagamit nito ay nagbubuntis sa loob ng isang taon pagkatapos uminom ng POP o minipills.
Ikaw ay naninigarilyo
Isa sa mga sanhi ng spotting at breakthrough bleeding ay ang paninigarilyo. Ayon sa mga eksperto, ang mga babaeng naninigarilyo ay mas mataas ang tiyansa na makaranas ng pagdurugo habang umiinom ng extended-cycle na birth control pills.
Iba pang sanhi ng spotting at breakthrough bleeding
Bukod sa mga dahilang nabanggit sa itaas, mangyaring tandaan na ang mga sumusunod ay maaari ring humantong sa hindi inaasahang pagdurugo habang umiinom ng oral contraceptive:
- Pagtatae (diarrhea) at pagsusuka dahil nakakapinsala ang mga ito sa pag-absorb ng mga oral contraceptive pill.
- Mga gamot o supplement na nakakasagabal sa mga contraceptives. Kasama sa mga halimbawa ang mga antibiotic at St. John’s wort.
Pagdurugo sa Pagitan ng Regla
Ang mga babaeng hindi umiinom ng birth control pill, o ang mga huminto sa pag-inom nito, ay maaari pa ring makaranas ng hindi inaasahang pagdurugo. Ang mga karaniwang sanhi ng spotting sa pagitan ng mga regla ay:
- Pinsala sa ari, na maaaring mangyari pagkatapos ng penetrative sex, lalo na kapag tuyo ang vagina
- Sexually transmitted infections (STIs), tulad ng chlamydia
- Mga medikal na kondisyon kung saan ang mga hormone aay hindi na gumagana nang maayos, tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS)
- Vaginal, cervical, and uterine cancer
- Myoma o uterine fibroid
- Endometriosis
Ang spotting ay maaari ring maging maagang senyales ng pagbubuntis. Ito ay dahil ang implantation, o ang proseso kung saan nakakabit ang fertilized egg sa lining ng uterus, ay maaaring magdulot ng pagdurugo o spotting. Katulad nito, ang mahinang pagdurugo ay isa ring babalang senyales ng isang ectopic pregnancy, maging ang pagkakunan.
Kailan Hihingi ng Tulong Medikal
Kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay buntis o nasa menopausal stage na at nakararanas ng spotting, makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor. Bukod pa rito, magtakda ng appointment sa iyong doktor kung ang iyong breakthrough bleeding o spotting ay tipong:
- Tumatagal ng higit isang linggo
- Nagiging mas malala
- May kasamang pananakit ng tiyan o pelvic are
- Sinamahan ng iba pang mga sintomas tulad ng pagkahilo at madaling pagkakaroon ng mga pasa
Alamin ang iba pa tungkol sa Isyu sa Kalusugan ng Kababaihan dito.
[embed-health-tool-ovulation]