backup og meta

Rashes sa pepe: Ano Ang Maaaring Sanhi Nito, at Paano Ito Ginagamot?

Rashes sa pepe: Ano Ang Maaaring Sanhi Nito, at Paano Ito Ginagamot?

Ano Ang Rashes sa Pepe?

Maaaring makaranas ka ng pangangati at pagkairita ng pepe o sa palibot nito. Isang sensitibong bahagi ng katawan ng babae ang pepe kaya maaari mo itong ikabahala, at dahil hindi dapat nakararanas ng pangangati ang malusog na pepe.

May iba’t ibang dahilan ang rashes (o pantal) sa vulva at sa vagina. Sa article na ito, iisa-isahin natin ang mga maaaring dahilan ng rashes sa vulva, sa labas na bahagi ng ari, kasama ang labia at vaginal opening, at sa loob na bahagi ng pepe. 

Ano Ang Sanhi ng Rashes sa Vulva At Pepe?

Narito ang mga posibleng sanhi ng rashes sa vulva at pepe:

Vaginitis

Isa sa maaaring sanhi ng pantal sa vpepe ang vaginitis. Vaginitis ang ginagamit na tawag sa mga disorder  sa pepe na dulot ng pagbabago sa normal na vaginal flora, impeksyon, o pamamaga. Kasama ng pangangati o pagpapantal, maaaring kabilang sa iba pang sintomas ang:

  • Pagbabago ng kulay, amoy, o/at dami ng vaginal discharge
  • Masakit tuwing nakikipagtalik
  • Masakit kapag umiihi
  • Bahagyang pagdurugo ng pepe

Maraming uri ng vaginitis. Ilan sa mga ito ang bacterial vaginosis (paglaki ng bacteria sa loob ng vagina), yeast infections (uri ng yeast na tumutubo sa vagina), at trichomoniasis (parasite na naipapasa sa pakikipagtalik).

Ang pagbaba ng estrogen levels (madalas sa kababaihang nag-me-menopause), foreign bodies tulad ng mga condom, tampons, allergens at irritants (douches, washes, at iba pa), at mga sakit sa balat ay maaari ding sanhi ng vaginitis.

Naaayon sa uri ng vaginitis ang treatment dito.

Komunsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng hindi pangkaraniwang vaginal discomfort na may kasamang mga sintomas na:

  • hindi kaaya-ayang amoy, discharge, o pangangati
  • Maraming sex partners, bagong partner, o partner na kailan lang na-diagnose ng STI
  • lagnat, panlalamig, o pananakit ng balakang

Lichen Sclerosus

Karaniwang sakit na nagdudulot ng pagputi at patches sa balat na madalas makikita sa anogenital. Mukhang mas manipis ang apektadong balat kaysa sa normal. Kahit na maaaring mangyari ito sa iba pang bahagi ng katawan, mas madalas ito matagpuan sa palibot o malapit sa ari o puwet. Posibleng kahit sino ay magkaroon ng lichen sclerosus. Ngunit mas mataas ang panganib sa mga postmenopausal women kumpara sa iba. Isa ang Lichen sclerosus sa mga bihirang sanhi ng rashes sa vulva at maging sa pepe. 

Kabilang sa ilang mga sintomas ng lichen sclerosus ang:

  • Pangangati (maaaring malubha)
  • Pananakit
  • Madulas na puting patches sa balat
  • Natik-batik at kulubot na patches
  • Pagdurugo
  • Nagnanaknak na mga sugat (sores)
  • Masakit na pakikipagtalik

Hindi pa tiyak ang sanhi ng lichen sclerosus. Hinala ng mga doktor, may kaugnayan ang lichen sclerosus sa immune system.

Contact Dermatitis

Maaaring mangyari ang contact dermatitis kung madikit ang genital area sa mga materyal na magsasanhi ng irritation o allergic reaction. Mga produkto tulad ng sabon, feminine wash, lotion, o pabango ang posibleng magsanhi ng contact dermatitis sa vulva.

Nangyayari ang contact dermatitis sa vagina kapag ang isang babae ay may allergy sa latex condoms.

Lichen Simplex Chronicus

Isang sakit sa balat na nagsisimula sa makakating patches sa balat. Karaniwang uri ng neurodermatitis ang lichen simplex chronicus na maaaring sanhi ng pagpapantal ng vulva at pepe. Lalong mangangati ang mga patches kapag kinamot ito. Humahantong lamang ang itch-scratch cycle sa pagsusugat ng sensitibong vulvovaginal skin.

Nagiging leathery at makapal ang bahagi na apektado ng chronic neurodermatitis dahil sa pagkakamot. Bagamat hindi ito mapanganib sa buhay at hindi nakahahawa, nagdudulot naman ito ng matinding discomfort. Narito ilang mga senyales na mayroon kang neurodermatitis:

  • Patches sa makating balat
  • Makaliskis (scaly) o makapal (leathery) na pakiramdam sa balat
  • Mas maitim o mas mapula ang patches sa apektadong bahagi ng balat kaysa sa iba

Maaaring humingi ng tulong medikal mangyaring makasagabal ang neurodermatitis sa araw-araw na pamumuhay. Madalas na nauugnay dito ang emotional triggers at stressors tulad ng anxiety, depresyon, o obsessive-compulsive disorder. Panghuli, isaisip na maaaring magdulot ng sugat, impeksyon at iba pang komplikasyon ang madalas na pagkakamot sa apektadong bahagi ng balat.

Psoriasis

Ang psoriasis ay karaniwang sakit sa balat na nakakaapekto sa kahit saang bahagi ng katawan, kabilang na ang genitals at anus. Namumuo ang mga cells sa ibabaw ng balat dahil sa mas mabilis na life cycle nito. Maaaring kumati at sumakit ang sobrang balat. Narito ang mga sintomas ng psoriasis:

  • Mapulang tagpi-tagping balat na nababalutan ng makapal at mapuputing kaliskis
  • Maliliit na scaling spots
  • Pangangati
  • mahapdi
  • Pagsusugat
  • Tuyo, at bitak-bitak na balat na maaaring magdugo

Habang wala pang tuwirang lunas sa psoriasis, maaari pa ring patnubayan at pahupain ang kalagayang nito.

Molluscom Contagiosum

Karaniwang nakakahawang sakit sa balat, nagsasanhi ang molluscom contagiosum ng patches na maliit at makinang na pulang bumps sa balat, kabilang na sa pubic area. Mas madaling kapitan ng naturang sakit ang mga nasa hustong gulang na may mahinang immune system. Naipapasa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Maaari ding makuha ang impeksyon kung ang ari ay madikit sa mga bagay na may virus, tulad ng tuwalya, sapin ng upuan, o underwear.

Posibleng sintomas ang mga bumps sa balat na:

  • Nakaumbok, dimpled-bumps na kakulay ng balat
  • ¼ ng isang pulgada
  • May maliit na yupi
  • Mapula o mainit
  • Maaaring matanggal sa pamamagitan ng pangangati at pagkakamot

Mag-ingat sa pagtanggal kung mapansing ang bumps ay may pagkakahalintulad sa mga nakalista sa itaas. Sa pagkakamot at pagtatanggal ng mga bumps, maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan at lumipat sa ibang tao ang virus. Self-limited ang sakit na ito, nangangahulugang mawawala nang kusa at hindi mapanganib.

Scabies

Ang scabies ay isang sakit sa balat na sanhi ng mite o parasite na pumasok sa loob ng balat.

Narito ang mga sumusunod na sintomas na nagsasabing maaaring mayroon kang scabies:

  • Pangangati, malubha at kapansin-pansing mas malala sa gabi
  • Manipis, hindi pantay-pantay na bakas ng maliliit na sugat o bumps sa balat

Lubos na nakakahawa ang scabies at marapat na mabigyang lunas agad.

STIs

Ang Sexually Transmitted Infection ay maaari ding sanhi ng rashes sa pepe. Palatandaan ng herpes at syphilis ang pamumula, irritation, pamamaga, at pangangati ng genital area.

Mga Sintomas

Ang rashes sa pepe ay nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam at iba pang sintomas tulad ng:

  • Pangangati
  • Mainit na pakiramdam
  •  Pamamaltos at pagsusugat
  •  Pag-iiba ng kulay ng balat
  • Lagnat
  • Vaginal discharge
  • Pamamaga
  • Patches ng namamagang balat
  • Vaginal odor
  • Masakit na balakang
  • Masakit kapag umiihi o nakikipagtalik
  • Paglaki ng lymph nodes

Treatment sa Vaginal Rash

Nakadepende ang treatment ng rashes sa pepe sa sakit o impeksyon na iyong nararanasan. Sumangguni sa doktor upang makatanggap ng tamang treatment. Maaaring magreseta ang doktor ng topical o oral medication batay sa iyong kalagayan.

Lifestyle Changes At Mga Home Remedies

Narito ang ilang magandang paraan upang maiwasan ang rashes sa pepe. 

  • Panatilihing malinis ang katawan. Gumamit ng tubig o unscented non-soap cleanser na panlinis sa ari. Gumamit ng maligamgam (hindi mainit) na tubig at kamay (hindi damit). Linisin ang mga libag, dumi, at pawis na maaaring nagsama-sama, lalo na sa bahagi ng pepe.
  • Limitahan ang dami ng sexual partners
  • Sanayin ang tamang after-sex hygiene, tulad ng paghuhugas ng ari matapos ang pakikipagtalik.
  • Palaging gumamit ng condom upang maprotektahan ang sarili sa mga sexually transmitted infections o STI.
  • Iwasan ang mga irritants sa genital area tulad ng matatapang na pabango, detergent, feminine wash na naglalaman ng iodine, paggamit ng napkin at iba pa.

Kung may iba pang katanungan, mabuting sumangguni sa doktor upang mas maunawaan nang mas mainam na solusyon para sa iyo.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is My Vagina Normal? https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/vagina-shapes-and-sizes/ Accessed 28 April 2020

Vaginitis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vaginitis/symptoms-causes/syc-20354707 Accessed 28 April 2o20

Lichen Sclerosus https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lichen-sclerosus/symptoms-causes/syc-20374448 Accessed 28 April 2020

Lichen Sclerosus – Diagnosis and Treatment https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lichen-sclerosus/diagnosis-treatment/drc-20374452 Accessed 28 April 2020

Contact Dermatitis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/contact-dermatitis/symptoms-causes/syc-20352742 Accessed 28 April 2020

Neurodermatitis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/neurodermatitis/symptoms-causes/syc-20375634 Accessed 28 April 2020

Psoriasis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/symptoms-causes/syc-20355840 date accessed 4/28/20

Molluscum Contagiosum https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/molluscum-contagiosum/symptoms-causes/syc-20375226 date accessed 4/28/20

Scabies https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/scabies/symptoms-causes/syc-20377378 date accessed 4/28/20

Scabies – Diagnosis and Treatment https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/scabies/diagnosis-treatment/drc-20377383 date accessed 4/28/20

Vulvar contact dermatitis, https://ir.uiowa.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1255&context=pog, Accessed July 7, 2021
Sexual Dysfunction in Female Patients With Neurodermatitis, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.2164/jandrol.110.010959, Accessed July 7, 2021
Lichen Simplex Chronicus, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499991/, Accessed July 7, 2021
Vaginal lichen sclerosus: report of two cases, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5819327/#:~:text=Lichen%20sclerosus%20(LS)%20is%20a,that%20rarely%20affects%20the%20vagina., Accessed July 7, 2021

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement