Nakararanas ang mga babae ng iba’t ibang uri ng vaginal discharge, lalo na habang nasa ovulation o bago ang menstrual period. Ang discharge na ito ay tinatawag na leucorrhea. Naglalaman ang discharge na ito ng fluid, cells at bacteria mula sa loob ng puke. Karamihan ng mga babae ay nagpo-produce ng nasa isang kutsara ng transparent na puting milky discharge kada araw. Ngunit maaari itong mangyari sa mga babae bago ang menstrual period. Maaaring makaranas siya ng puting discharge kung ang katawan ay may mataas na lebel ng progesterone.
Minsan ang leucorrhea ay may kinalaman sa kasalukuyang kondisyon o infections.
Sintomas Na May Kaugnay Sa Puting Discharge
Kung ang leucorrhea ay resulta ng medikal na kondisyon o infections, maaaring may kasama itong mga sintomass. Kabilang sa mga sintomas na kaugnay ng kasalukuyang pathology ay:
- Sakit at bigat sa ibabang parte ng tiyan
- Pangkalahatang pagod
- Pangangati ng private areas
- Mabahong discharge
- Sakit o hapdi habang umiihi
- Lumbago o sakit sa likod
- Sakit sa hita o calf muscles
- Pruritus
- Sakit ng ulo at pagkahilo
- Anemia
- Hirap sa paghinga
- Sakit sa pagregla
- Polyuria
Sanhi Ng Transparent o Puting Discharge
Normal magkaroon ng leucorrhea. Pero mayroong ilang mga medikal na kondisyon na pwedeng magdulot nito. At ito ang mga sumusunod:
Sexually Transmitted Infection (STI, Dating Sexually Transmitted Disease o STD)
Ang puting discharge ay maaaring dahil sa sexually transmitted infection o mga sakit tulad ng gonorrhea, trichomoniasis o chlamydia. Kung nakakita ka ng puting discharge o kahit na anong kulay ng discharge, bisitahin ang doktor at humingi ng medikal na tulong.
Puting Discharge Sa Pagbubuntis
Ang discharge bago at habang nagkakaroon ng regla ay maaaring maagang senyales ng pagbubuntis. Maaaring mapanghamon na alamin ang pagkakaiba ng discharge sa pagbubuntis mula sa buwanang dalaw. Kadalasan, ito ay mas makapal at creamier kaysa sa normal na discharge.
Normal Na Function Ng Reproductive System
Normal lamang na maranasan ang leucorrhea o puting discharge bago magkaroon ng regla. Minsan ito ay tumutukoy sa egg white mucus. Dahil ang discharge ay sobrang nipis, madulas ang texture, stretchy at walang amoy.
Birth Control Pills
Ang birth control pills ay nagpapabago ng lebel ng hormone, na humahantong sa sobrang fluid discharge. Ang vaginal discharge ay isa sa mga karaniwang side effects na sanhi ng birth control pill.
Bacterial Vaginosis
Ang bacterial vaginosis ay isang infection na nangyayari kung may pagbabago sa natural na balanse ng bacteria sa loob ng vagina. Hindi tukoy ang eksaktong sanhi nito. Ngunit napag-alaman ng ilang pag-aaral ang kaugnayan sa pagitan ng puting discharge at maraming sexual partners, paninigarilyo at douching. Malalaman mo kung ito ay bacterial vaginosis kung ang discharge ay mabaho.
Yeast Infection
Kilala rin sa tawag na candidiasis, ang yeast infection ay karaniwan at nangyayari na walang konkretong sanhi. Ang discharge mula sa isang yeast infection ay puti at makapal at karaniwang may katangian na cottage cheese. Ang yeast infection ay karaniwang nagiging sanhi ng mahapdi o makating pakiramdam sa vulva at sa vagina.
Mga Banta
Narito ang ilang mga banta ng leucorrhea:
- Candida albicans infection. Maaari itong sanhi ng malalang pangangati sa vagina na may kasamang makapal na puting discharge.
- Trichomonas vaginalis infection. Ito ay kondisyon na kabilang ang lining ng vagina’s membrane at cervix. Ito ay sanhi ng uri ng persistent na puting discharge at inflammation.
- Medications. Sa ibang mga kaso, ang tiyak na gamot na pumapatay sa bacteria ay maaaring makapatay ng healthy bacteria, na nagiging sanhi ng labis na pagdami ng yeast sa bahagi ng vagina.
- Diabetes. Ang mga babaeng may diabetes ay mas may banta na magkaroon ng vaginal discharge dahil sa labis na lebel ng blood sugar, sanhi ng pagtubo ng mga mikrobyo.
- Damit. Ang pagsuot ng masikip o basang damit ay maaaring magpataas ng banta na magkaroon ng yeast infection.
Diagnosis
Kung nakakita ng pagbabago sa vaginal discharge, kailangang bumisita sa iyong doktor at humingi ng medikal na tulong. Magsasagawa ang doktor ng ilang test matapos ang pisikal na eksaminasyon.
Ang mga test na maaaring isagawa ng doktor ay ang mga sumusunod:
- STD test: Sa test na ito, ang sample ng discharge ay kokolektahin at ipapadala sa lab para sa STD test tulad ng trichomonas, gonorrhea at chlamydia.
- Pelvic examination: Maaaring i-examine ng iyong doktor ang iyong puke at ang cervix upang tingnan kung may abnormalities.
- Wet mount: Maaaring kolektahin ng iyong doktor ang sample ng iyong discharge at i-examine ito sa ilalim ng microscope upang maghanap ng trichomoniasis, yeast o bacterial infection na sanhi ng puting discharge.
- pH test: Titingnan ng iyong doktor ang lebel ng acid ng discharge dahil ang infection ay maaaring sanhi ng pagbabago ng acidity ng puke o lebel ng pH.
Gamutan
Para sa normal discharge, walang kinakailangang gamot o lunas. Gayunpaman, ang abnormal na discharge o puting discharge na may kasamang pangangati at pamamaga ay maaaring ma-manage sa mga lunas sa bahay, pagbabago ng lifestyle at gamutan.
Sa pagkakaroon ng infection, ang iyong doktor ay magrereseta ng gamot o magrerekomenda ng OTC na gamot na makatutulong sa paggamot ng kondisyon.
Para sa yeast infection, ang iyong doktor ay magrereseta ng antifungal na gamot na kinakailangan na ipasok sa iyong puke o inumin.
Maaaring magreseta ang iyong doktor ng antibiotics kung ikaw ay nakararanas ng trichomoniasis, chlamydia, gonorrhea, at bacterial vaginosis.
Ang ilang mga babae ay sinusubukan ang douching upang malunasan ang vaginal infections. Gayunpaman, kailangan mong malaman na ang douching ay nagtatanggal din ng healthy bacteria. Kaya’t ipinapayo na iwasan ang douching o gawin lang ito na may gabay ng iyong doktor.
Pagbabago Sa Lifestyle
Ang mga sumusunod ay ilang mungkahi na makasisiguro sa optimal na kalusugan ng puke.
- Matapos gumamit ng banyo, siguraduhin na punasan ang bahagi ng puke o puwet, karaniwan na kilala bilang pagpunas mula sa harap hanggang sa likod. Ito ay nakatutulong upang maiwasan na makapasok sa puke ang bacteria.
- Komonsumo ng probiotics dahil hinihikayat nito ang kalusugan ng puke. Gayundin, lumalaban ito sa mga infections at bacteria, na nakatutulong sa iyong urinary tract.
- Iwasan ang pantyhose at magsuot ng presko at cotton na underwear. Pumili ng preskong mga damit at iwasan ang masikip at synthetic underwear dahil ito ay nagpapataas ng banta ng vaginal infections.
- Iwasan ang douching at tampons. Nakatutulong ang dalawang ito na makapasok ang microbes sa loob ng puke, na nagpapataas ng vaginal infection.
- Panatilihin na malinis at tuyo ang bahagi ng ari.
- Laging pagsuotin ang iyong kapareha ng condom habang nakikipagtalik (babae sa lalaki). Ito ay nakatutulong na maiwasan ang sexually transmitted infections o karamdaman.
- Iwasan ang paggamit ng produktong pabango sa iyong puke. Ang scented wipes, bubble baths o vaginal deodorants ay nagiging sanhi ng iritasyon.
Lunas Sa Bahay
Narito ang ilang lunas sa bahay para sa puting discharge na kailangan mong malaman:
- Kumain ng okra, mas mainam ang lightly steamed o hilaw.
- Kumain ng isa o dalawang hinog na saging araw-araw.
- Kada araw, uminom ng isang baso ng sariwang cranberry juice na walang nilalagay na asukal.
- Magbabad ng coriander na dahon sa magdamag at inumin ito sa sunod na araw, sa umaga na wala pang laman ang tiyan.
- Kumonsumo ng probiotics tulad ng yogurt, kefir o sauerkraut araw-araw upang labanan ang infections sa urinary tract
- Kumain ng bawang dahil ang antifungal properties na mayroon dito ay nilalabanan ang bacterial vaginosis.
- Maglagay ng coconut oil sa iyong puke dahil ito ay may antifungal properties na may benepisyo laban sa vaginal yeast infection.
- Ang apple cider vinegar ay natural na acidic at nakatutulong na labanan ang yeast infection.
- Gumamit ng tea tree oil dahil naglalaman ito ng potent properties na pumapatay sa fungi, viruses at bacteria.
MAHALAGANG PAALALA: Kumonsulta sa iyong OB-GYN bago gawin ang mga payo at lunas sa bahay na nasa itaas.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.
[embed-health-tool-ovulation]