Nakakatakot na bagay para sa maraming kababaihan ang pagtanggal ng polyps sa uterus. Maliliit at abnormal growths na parang patag na bukol ito. Sa karamihan ng mga kaso, hindi cancerous ang abnormal na paglaki nito. Ngunit kung hindi ito ginagamot, pwede itong maging cancerous.
Maaaring mangyari ang paglaki ng polyps sa anumang bahagi ng katawan. Kabilang ang colon, ear canal, ilong, lalamunan, matris, at cervix. Tinatawag na uterine polyps o endometrial polyps ang polyps na tumutubo sa matris. Maaaring magkaroon ng isa o maraming polyp ang isang babae na may ganitong kondisyon. Batay sa kanilang mga kalagayan din, maaaring irekomenda ng doktor ang pagtanggal ng polyps sa uterus.
Mga sintomas ng uterine polyps
Ang mga pagbabago sa menstrual cycle o pagdurugo ang pinakakaraniwang mga senyales ng uterine polyps. Pwedeng magkaroon nang hindi mahuhulaan na regla o pagdurugo sa loob ng maraming araw ang mga babaeng may ganitong kondisyon. Kung mayroon kang irregular na menstrual cycle o vaginal bleeding pagkatapos ng menopause, ipinapayo na kumunsulta sa iyong doktor.
Pwedeng magdulot ng mga sintomas tulad ng hindi regular na cycle ng regla, infertility, o biglaang pagdurugo mula sa ari — ang kondisyong ito. Subalit sa ilang mga kaso, mayroong mga babae na hindi nakakaranas ng sintomas.
Mga dahilan ng uterine polyps
Walang sapat na data tungkol sa sanhi ng uterine polyp. Ngunit, sinasabi na isa sa mga pangunahing dahilan ng kondisyon ang mga pagbabago sa hormone levels.
Ang pagkakaroon ng postmenopausal ang nagdaragdag sa panganib na magkaroon ng kondisyong ito. Maaari rin na maging mas prone sa pagdebelop ng ganitong kondisyon ang iba pang mga factor na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Hormone replacement therapy
- Breast cancer treatment
- Sobrang katabaan, atbp.
Diagnosis at treatment ng uterine polyps
Kung mayroon kang anumang mga sintomas na nauugnay sa polyps ng matris, mahalagang kumunsulta sa’yong doktor. Ang diagnosis at paggamot ng polyps ng matris ay mahalaga. Sa ilang mga kaso, pwedeng ipaalam ang pagtanggal ng polyps ng uterus.
Pwedeng tanungin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong cycle ng regla. Kasama ang mga araw na tumatagal ito at kung nakakaranas ka ng matinding pagdurugo, atbp. Pagkatapos, maaaring magsagawa ang iyong doktor ng physical examination sa’yong matris. Para suriin kung may mga polyp ka at matingnan ang kondisyon. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng ilang mga medikal na pagsusuri.
Transvaginal ultrasound
Sa pagsusulit na ito, pwedeng magpasok ang iyong doktor ng wand-like device sa loob ng iyong ari. Ang images ng matris ay makikita sa monitor. Kung saan, nilikha ang images na ito gamit ang mga sound wave.
Sonohysterography
Sinasabi na sa pamamaraang ito, maaaring magpasok ang doktor ng isang tube-like structure sa loob ng ari. Maaari ring iturok sa loob ng matris ang ilang saline water. Makakatulong ito sa matris para lumawak o mag-expand at magbigay ng isang malinaw na inside view. Kung saan, tinitingnan ang mga larawan sa screen ng computer.
Endometrial biopsy
Pwedeng magpasok ng isang maliit na tube sa loob ng iyong matris ang doktor. Para makakuha ng isang maliit na sample ng iyong tissue. Ipinapadala sa lab para sa pagsusuri ang sample tissues na nakuha mula sa’yo.
Kung ang mga resulta ng pagsusuri ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng maliliit na polyp — ngunit, wala kang anumang mga sintomas. Ang iyong doktor ay pwedeng magmungkahi na maghintay ng ilang sandali.
Sa karamihan ng mga kaso, ang small polyps na walang anumang sintomas ay gumagaling sa kanilang sarili — nang walang anumang gamot o treatment. Subalit, kung pinaghihinalaan ng iyong doktor ang anumang panganib ng kanser sa matris. Pwede siyang magmungkahi ng pagtanggal ng polyps sa uterus.
Nakakatulong ang ilang partikular na gamot na ayusin ang iyong hormone levels — at mapawi ang mga sintomas. Ngunit maaari mo ring mapansin na ang mga sintomas ay naiibsan lamang kapag umiinom ng mga gamot. Sa sandaling ihinto mo ang mga gamot, may mga pagkakataon na pwedeng bumalik ang mga sintomas.
Kung mayroon kang cancerous polyps o kung natuklasan ang mga polyp pagkatapos ng menopause. Pwedeng irekomenda ng iyong doktor ang pag-alis ng polyps sa matris.
Pagtanggal ng polyps sa uterus
Depende sa kalubhaan ng kondisyon, mga nauugnay na sintomas — at tugon sa mga nakaraang treatment. Ang pagmungkahi sa pagtanggal ng uterine polyps sa ilang mga kaso.
Mga operasyon para sa pagtanggal ng polyps sa uterus
Pinagpapasyahan ang surgery date batay sa cycle ng regla ng isang babae. Karaniwan, ang operasyon ay isinasagawa sa loob ng 10 araw pagkatapos ng iyong regla.
Maaaring isagawa sa dalawang paraan ang operasyon – alinman sa pamamagitan ng pag-alis ng mga polyp o sa pamamagitan ng pagtanggal ng buong matris.
Tinatawag na polypectomy ang pamamaraan para sa pagtanggal ng polyps.
Habang nangangailangan ang operasyon ng pagtanggal ng buong matris ay tinatawag na hysterectomy. Pwedeng isagawa sa dalawang paraan ang pamamaraan: ang vaginal hysterectomy at abdominal hysterectomy.
Sa vaginal hysterectomy, aalisin ng doktor ang matris sa pamamagitan ng ari. Habang sa abdominal hysterectomy, aalisin ng doktor ang matris sa pamamagitan ng tiyan. Ang parehong uri ng operasyon ay nangangailangan ng general anaesthesia.
Pagkatapos ng operasyon, pwede kang makaramdam ng kaunting discomfort at sakit. Ang recovery period ay maaaring mag-iba sa bawat tao. Maaaring magreseta ng ilang mga gamot ang doktor upang mapawi ang sakit at bumilis ang paggaling. Pwedeng kailanganin mong manatili sa ospital ng ilang araw pagkatapos ng operasyon.
Paghahanda bago ang pagtanggal ng polyps sa uterus
Upang sumailalim sa operasyon, maaaring kailanganin mong gumawa ng maraming paghahanda. Ipaalam sa’yong doktor ang tungkol sa lahat ng mga gamot, herbal, at supplement na iniinom mo. Mayroong ilang mga gamot na nagsisilbing pampanipis ng dugo.
Pwedeng hilingin sa iyo ng doktor na iwasan ang pagkonsumo ng medications, herbal o supplements sa loob ng ilang araw bago ang operasyon. Siguraduhin na ititigil lamang ang pag-inom ng mga gamot kung inirerekomenda ito ng doktor.
Mayroong ilang mga pagbabago sa pamumuhay na pwedeng kailanganin sundin. Kabilang dito ang pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak sa loob ng ilang araw. Partikular, bago at pagkatapos ng operasyon.
Bago ang operasyon, pwedeng hilingin ng iyong doktor na gumawa ng ilang mga medikal na pagsusuri. Kabilang ang blood tests at imaging test. Ang mga pagsusuri sa dugo ay nakakatulong para malaman kung “fit” ka para sa procedure.
Maaaring magreseta ang doktor ng ilang mga gamot na kailangan mong inumin bago at pagkatapos ng operasyon. Siguraduhing inumin mo ang lahat ng mga gamot na kailangang inumin bago ang operasyon, gaya ng itinuro ng iyong doktor. Kung sakaling napalampas mo ang anumang dosis, siguraduhing ipaalam ito sa doktor. Dapat mo ring i-stock ang lahat ng mga gamot na kailangan mong inumin pagkatapos ng operasyon. Para maiwasan ang anumang pagmamadali sa huling minuto ng pag-inom ng gamot.
Pwedeng kailanganin mong kumuha ng lokal o general anesthesia bago ang operasyon. Ang uri ng anesthesia ay depende sa pamamaraan ng operasyon.
Kung inirerekomenda ng iyong doktor ang general anesthesia. Maaaring magbigay siya ng ilang instructions na kailangan mong sundin bago ang operasyon. Pwedeng kailanganin mo rin ang konsultasyon sa anesthetist bago ang operasyon.
Mga komplikasyon sa operasyon
Sa karamihan ng mga kaso, ang polyps ay hindi cancerous. Gayunpaman, mahalagang gamutin ang kondisyon sa lalong madaling panahon. Kung hindi ginagamot o kung may delay sa treatment, maaaring ang paglaki ay maging kanser sa ilang mga kaso. Pwedeng makaapekto sa iyong fertility ang uterine polyps. Ang mga paglaki na ito ay maaaring pumigil sa’yo na magbuntis o maging dahilan ng madalas na miscarriage. Pinaniniwalaan din na ang pag-alis ng polyps ng matris ay pwedeng makatulong para sa mga kababaihan na magbuntis. Bagama’t walang sapat na pananaliksik na sumusuporta sa claim na ito. Sundin ang payo ng iyong doktor tungkol sa paggamot ng polyps. Partikular sa kaso ng pagkabaog at pagtanggal ng polyps sa uterus para sa anumang layunin.
Matuto pa tungkol sa female reproductive health, dito.
[embed-health-tool-ovulation]