Ang labis na pagkalagas ng buhok o pagkakalbo ng babae ay nagiging sanhi ng tiyak na lebel ng pagkabalisa. Kadalasan, ang mga babae ay nalalagasan ng hibla ng mga buhok kada araw, kaya’t madalas mong makita ang buhok mo kung saan-saan! May mga hibla ng buhok na makikita mo sa suklay, unan, at kahit sa drainage ng banyo. Gayunpaman, kung nararamdaman mo na nalalagasan ka nang mas maraming buhok at nakikita mong hindi na tumutubo ito pabalik, narito ang dapat mong gawin upang mahinto ito.
Nakakalbo Rin Ang Mga Babae
Ayon sa pag-aaral, one-third ng mga babae ay nakararanas ng pagkakalbo sa punto ng kanilang buhay. Two-thirds ng mga babaeng nasa yugto ng menopausal, sa kabilang banda ay nakararanas ng pagnipis ng buhok o pagkakaroon ng mga bahaging may panot.
Ang punto rito ay ang pagkakalbo o alopecia ay nangyayari rin sa mga babae. Ito ay kondisyon na hindi lamang para sa mga lalaki.
Gayunpaman, maraming mga eksperto ang nagsabing ang mga babae ay maaaring mas mahirapan kung naranasan nila ang kapansin-pansing pagkalagas ng buhok. Kung tutuusin, mas katanggap-tanggap sa usapang sosyal para sa mga lalaki na makalbo, lalo na kung sila ay tumatanda. Sa kabilang banda, ang sobrang pagkalagas ng buhok sa mga babae ay may negatibong epekto sa kanilang emosyonal na kalusugan at kalidad ng buhay.
Pagkalagas Ng Buhok Dahil Sa Stress: Bakit Ito Nangyayari?
Sanhi Ng Pagkakalbo Sa Mga Babae
Bago natin ipaliwanag ang mga posibleng paraan upang mapigilan ang malalang pagkalagas ng buhok ng mga babae, talakayin muna natin ang sanhi nito. Sa pangkalahatan, limang mga bagay ang nagiging sanhi ng pagkalagas ng buhok sa mga babae.
Androgenetic Alopecia
Katulad ng mga lalaki, ang mga babae ay nakararanas din ng female-pattern hair loss (FPHL). Ang sanhi nito ay namamana at batay sa family history na nagreresulta ng pagnipis ng buhok sa ulo. Mapapansin din na ang kondisyon na ito ay mas lumalala matapos na makatuntong ng menopause sa mga babae.
Ang female pattern hair loss ay tinatawag ding “androgenetic alopecia,” dahil ito ay konektado sa hormone na androgen. Bagaman ang androgen ay panlalaking hormone, ang mga babae ay mayroong kaunting lebel din nito. Ang hormone na ito ay mahalaga para sa normal na development ng kasarian, ngunit ito ay mahalaga rin para sa parehong kasarian dahil sa tungkulin nito na regulasyon sa pagtubo ng buhok at sex drive.
Malaking alalahanin para sa mga babae ang malalang pagkalagas ng buhok, talakayin na rin natin kung anong nangyayari sa FPHL.
Sa androgenetic alopecia, dalawang bagay ang nagiging sanhi ng pagkakalbo:
- A shortened anagen. Ang anagen ay parte ng cycle ng buhay ng buhok kung saan tumutubo ito. Tipikal itong tumatagal ng 2 hanggang 7 taon, ngunit kung may FPHL, mas maikli ito.
- Lengthened hair growth time. Sa androgenetic alopecia, may mas mataas na oras sa pagitan ng hair-shedding at anagen. Ang ibig sabihin nito, mas mahaba ang panahon para sa buhok na tumubo pabalik.
Sa kabila nito, ang mga eksperto ay sumang-ayon na mahirap na matukoy ang tiyak na gampanin ng androgen sa FPHL sa mga babae.
Labis Na Stress o Shock Sa Katawan Ng Babae
Maliban sa FPHL, ang labis na stress o shock ay isa rin sa mga sanhi ng pagkakalbo ng mga babae. Tandaan na ang “stress” o “shock” ay maaaring mula sa mga baryasyon ng mga dahilan, kasama ang:
- Labis na pagbaba ng timbang
- Pagsasailam sa operasyon
- Panganganak
- Traumatic o stressful na pangyayari sa buhay (depression, pagkawala ng mahal sa buhay)
Ang magandang balita ay, ang pagkalagas ng buhok mula sa stress o shock ay kadalasan na panandalian. Gayunpaman, ilang linggo hanggang ilang buwan ang aabutin bago magbalik ang buhok.
Hairstyle
Maniwala ka man o hindi, ang hairstyle ay sanhi rin ng pagkalagas ng buhok sa mga babae, lalo na kung ang istilo ay “nababanat ang buhok mula sa roots.” Ang pagkalagas ng buhok na ito ay tinatawag na traction alopecia.
Isang clue upang makita kung ang hairstyle ay magiging sanhi ng pagkalagas ng buhok ay tingnan kung sobrang higpit ng pagkakatali rito. Kung ito ay sobrang higpit, kahit na ang mga simpleng istilo tulad ng pagtirintas at ponytails ay maaaring maging sanhi ng pagkakalbo.
Ang malala ayon sa mga eksperto ay ang hairstyle na nakapipinsala sa hair follicle ay maaaring maging permanente na pagkakalbo.
Mula sa nabanggit, kung ang pagkakalbo sa mga babae ay nagiging sanhi ng pagkabalisa, maaaring alalahanin kung paano ito itatali ang buhok.
Toxic Substance o Ilang Mga Gamot
Ang mga toxic substance at gamot ay maari ding maging sanhi ng pagkakalbo sa mga babae. Halimbawa, ang mga pasyenteng may cancer na sumasailalim sa chemotherapy at radiotherapy ay maaaring mawala ang buhok sa proseso.
Bagaman ang pagkakalbo na sanhi ng substances at gamot ay maaaring panandalian, maaari din itong maging permanente kung ang follicles ay napinsala ng substance.
Medikal Na Kondisyon
At panghuli, ang ilang mga medikal na kondisyon ay nagreresulta sa alopecia. Ito ay isa sa mga sanhi ng pagkakalbo sa mga babae. Halimbawa, ang kondisyon na tinatawag na alopecia areata, ang autoimmune disease ay nagreresulta sa pagkapanot sa ulo at sa iba pang parte ng katawan. Kadalasan itong nangyayari bagaman hindi permanente.
Ang pagkakalbo ay isa sa mga senyales ng hyperthyroidism. Mainam na kunsultahin ang iyong doktor.
Lunas Sa Pagkakalbo Ng Babae
Kung ang kapansin-pansing pagkakalbo sa mga babae ay nagiging sanhi ng malaking pagkabahala, natural lamang na humanap ng mga lunas. Ang mga sumusunod ay maaaring malunasan ang alopecia.
Minoxidil
Orihinal na ipinakilala bilang gamot para sa hypertension, ang US FDA ay inaprubahan ang over-the-counter na minoxidil bilang lunas para sa pagkakalbo sa mga babae. Ito ay nangyari matapos ang ilang mga pag-aaral na napatunayan na ang direktang paglalagay ng minoxidil sa anit ay nakakapag-stimulate ng pagtubo ng buhok. Sa ngayon, mayroong nasa 6% ng minoxidil applications na mabibili sa market, bagaman kinakailangan nito ng reseta ng doktor.
Anti-Androgens
Para sa FPHL, kung ang minoxidil lamang ay hindi nakapagbabalik ng pagtubo ng buhok, posible na gamitin ito kasama ng anti-androgens na gamot. Ang ideya ay dahil ang androgen ay makapagdaragdag ng pagkalagas ng buhok, ang anti-androgen ay maaaring makatulong.
Iron Supplement
Sa ibang mga kaso, ang kakulangan ng iron ay maaaring sanhi ng pagkakalbo. Ito ay maaari lalo na sa mga nakararanas ng malakas na pagreregla at anemia o kung ikaw ay vegetarian. Gayunpaman, kung ang lebel ng iron mo ay normal, hindi na kailangan uminom ng iron supplements dahil may side effects itong constipation at sakit sa tiyan.
Natural Na Lunas Para Sa Pagkakalbo Sa Mga Babae
Maliban sa mga lunas na nasa itaas, maaari mo ring subukan ang ilang mga natural na lunas sa pagkakalbo, na kasama ang:
Aloe Vera
Ang karaniwang lunas upang tugunan ang sanhi sa pagkakalbo sa mga babae ay ang aloe vera. Nakapaglilinis ito ng dumi sa anit na nakapagpipigil sa pagtubo ng buhok. Karagdagan, ito rin ay nagsusulong ng malusog na anit sa pamamagitan ng pag-moisturize nito. Ito ay nakapagpapataas ng posibilidad ng pagtubo ng buhok.
Onion Juice
Ipinakita ng resulta ng isang pag-aaral na ang paglalagay ng katas ng sibuyas dalawang beses kada araw sa anim na linggo ay nakapagsusuporta ng pagtubo ng buhok. Ito ay pagkatapos ang 20 sa 23 na mga kalahok na nag-ulat ng positibong resulta.
Coconut Milk
Isa sa mga rason bakit maraming mga shampoo ang gumagamit ng coconut milk ay dahil ito ay nakapag mo-moisturize ng anit. Ayon sa mga eksperto, isa sa mga dahilan ng pagkakalbo sa mga babae ay ang pinsala sa anit dahil sa pagiging tuyo nito.
Walang duda na ang malalang pagkakalbo sa mga babae ay nagiging sanhi ng alalahanin sa itsura at kalusugan. Kaya’t ang pinaka mainam na aksyon ay kausapin ang doktor. Makatutulong sila na malaman ang puno’t dulo na sanhi at magsagawa ng posibleng mga lunas.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.
[embed-health-tool-ovulation]