backup og meta

Home Remedy Sa Makating Ari Ng Babae: Subukan Ang Mga Ito!

Home Remedy Sa Makating Ari Ng Babae: Subukan Ang Mga Ito!

Natural lamang ang paghahanap ng home remedy sa makating ari ng babae dahil ang pangangati ng vagina ay isang discomfort para sa lahat na dapat masolusyunan. Kaya naman mahalaga na magkaroon ng awareness para sa mga home remedy na pwedeng gawin sa makating ari upang maiwasan ang medikal na komplikasyon at discomfort.

Tandaan rin na bago magsagawa ng home remedy sa iyong makating ari mainam na alamin muna natin ang dahilan ng pangangati ng vagina upang magkaroon ng wastong treatment.

Narito ang mga sumusunod na paraan ng pag-alam ng dahilan ng pangangati ng ari ng babae na dapat mong malaman:

  • Paghinto ng kasalukuyang ginagamit na sabon o cleanser dahil baka hindi hiyang ang iyong balat para sa mga brand at produkto na ito.
  • Obserbahan ang mga ginamit na menstrual pad at pantyliner kung nagkakaroon ka ba ng pangangati sa tuwing ginagamit ito dahil baka hindi angkop sa’yong balat at vagina ang brand o produktong gamit.
  •  Pagtigil sa pagsusuot ng mga masisikip na damit pambaba dahil baka nangangati ka dahil sa friction.

Bukod sa mga nabanggit na paraan ng pag-alam ng dahilan ng pangangati ng ari may mga ilang cases na ang sanhi ng makating ari ay dahil sa allergic contact dermatitis, at irritant contact dermatitis. Kaugnay nito kapag naging sagabal na ang pangangati ng ari mainam na magpakonsulta ka na agad sa doktor upang mas matukoy mo ang dahilan ng pagkakaroon ng irritant contact dermatitis, at allergic contact dermatitis.

Home Remedy Sa Makating Ari Ng Babae Na Pwede Mong Subukan

1. Gumamit ka ng cold water compress

Pwedeng maibsan ng cold water compress ang pangangati ng ari ng isang babae sa pamamagitan ng pagbalot ng yelo sa tuwalys at marahang pagdampit nito sa iyong ari.

2. Siguraduhin na mayroon kang proper hygiene

Maraming pagkakataon na kaya nakakaranas ng pangangati ng ari ang isang babae dahil sa mga hindi natatanggal na dumi sa katawan. Mainam na magkaroon ng wastong kalinisan sa sarili at angkop na mga produkto na panlinis para sa katawan at ari. Huwag mo ring kakalimutan na ang artificially scented na feminine hygiene at bath products ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay may impeksyon at pangangati sa ari, dahil pwedeng mapalala nito ang iyong pangangati at kondisyon.

3. Paggamit ng baking soda bilang iyong hygiene wash

Ang baking soda ay may kakayahan na balansehin ang pH levels ng ating vagina dahil sa acidic nature nito na tumutulong sa pagpatay ng candida cells na humahantong sa yeast infection, at dahilan ng pangangati ng ari. 

Upang magamit natin ang benepisyo ng baking soda bilang home remedy pwede kang magtunaw ng 2 kutsara nito sa’yong tubig panligo at saka gamitin bilang panghugas ng vaginal area.

Mahalagang Paalala

Sa oras na nakaramdam ka ng pangangati sa iyong ari na may kasamang pamamaga, pagkirot, pananakit, at discharge maaaring palatandaan na ito na hindi kaya ng home remedy ang iyong vaginal itching. Ang paghantong mo sa ganitong klaseng sitwasyon ay maaaring manifestation na ng pagkakaroon mo ng vaginitis na dapat mong matugunan at magamot. Sapagkat maaaring maging daan ito sa kapamahakan ng iyong kalusugan dahil sa iritasyon na mararamdaman sa ari gaya ng sobrang pangangati at pananakit.

Ayon sa mga eksperto, ang vaginitis ay dahilan ng pagbabago sa normal na balanse ng vaginal bacteria, kung saan sinasabi na may kinalaman dito ang ilang skin disorder at ang “pagbaba ng lebel ng estrogen sa katawan” ng isang babae pagkatapos ng kanilang menopause

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng makating ari ng mga babae ay pwedeng dahil sa ilang mga allergen at irritants na pwedeng masolusyunan sa pamamagitan ng ilang simpleng home remedy. Pero dapat mo pa ring isaisip na ang mga paggamot sa bahay na nabanggit sa artikulong ito ay hindi kapalit ng anumang medikal na diagnosis at payo na mula sa doktor. Kaya naman mas mainam pa rin na magkaroon ng konsultasyon sa kanila lalo na kung nagiging malala na ang pangangati at may kasama na itong pamamaga, pagkirot, pananakit, at kakaibang discharge, dahil mahalaga na mabigyan ka ng wastong diagnosis para sa angkop na paggamot at pagpapagaling.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vaginitis/symptoms-causes/syc-20354707, Accessed July 20, 2022

Do Home Remedies Actually Work for Yeast Infections, https://health.clevelandclinic.org/do-home-remedies-actually-work-for-yeast-infections/, Accessed July 20, 2022

Yeast Infections ,https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/5019-yeast-infections, Accessed July 20, 2022

Vaginal Yeast Infection: Care Instructions, https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=uf7069, Accessed July 20, 2022

Suspect vaginal yeast infection? These 5 home remedies will help you a great deal, https://www.healthshots.com/intimate-health/feminine-hygiene/suspect-vaginal-yeast-infection-these-five-home-remedies-will-help-you-a-great-deal/, Accessed July 20, 2022

Yeast infection, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/yeast-infection/symptoms-causes/syc-20378999, Accessed July 20, 2022

Vaginal yeast infections, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/vaginal-yeast-infections, Accessed July 20, 2022

Kasalukuyang Version

05/22/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bacterial Vaginosis o Yeast Infection: Ano ang Pinagkaiba nilang Dalawa?

Feminine Wash Para Sa Makati: Kailangan Ba Nito? Ano Ang Mga Alternatives?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement