Maraming babae ang gumagamit ng feminine wash para sa yeast infection dahil naniniwala sila na maiibsan nito ang pangangati ng ari na sanhi ng vulvolginal candidiasis.
Karaniwan ang pagkakaroon ng mga babae ng yeast infection sa kanilang reproductive years at maaaring bumalik ang kondisyon na ito pagkatapos mong gumaling mula sa impeksyon na ito. Sa madaling sabi, pwedeng maging pabalik-balik ang infection na ito sa’yong ari, kaya hindi naiiwasan na may ilang mga kababaihan na pinipili ang paggamit ng feminine wash para sa paggamot ng kanilang impeksyon. Ngunit ang mahalagang tanong kaugnay rito epektibo nga ba ito para sa yeast infection?
Alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito.
Epektibo Nga Ba Ang Feminine Wash Para Sa Yeast Infection?
Sa paggamit ng feminine wash para sa paggamot ng yeast infection, ipinapayo na mas maganda na magkaroon ng konsultasyon sa doktor upang magkaroon ng angkop na produkto na pwedeng magamit sa kondisyon. Ang pagiging epektibo kasi ng feminine wash para sa yeast infection ay nakadepende sa type ng feminine wash na gagamitin dahil hindi pare-pareho ang pagbuo nito.
Sa madaling sabi hindi lahat ng feminine wash ay mayroong abilidad na pumatay ng bakterya, habang ang ibang panghugas sa ari ng babae ay pwedeng maging sanhi ng “super infection with resistant-infection.” Kaya naman napakahalaga na marinig natin ang suggestion at diagnosis ng doktor tungkol sa kondisyon para sa angkop na paggamot at produkto na maaaring gamitin sa yeast infection. Mayroong tendency na mapatay ng ilang feminine wash ang good bacteria sa’ting vagina. At ito’y maaaring humantong sa ilang impeksyon dahil ang ating katawan ay nangangailangan din ng good bacteria.
Anu-Ano Ang Treatment Na Pwedeng Gawin Sa Bahay Para Sa Yeast Infection?
Narito ang list ng mga home remedy na dapat mong malaman sa paggamot ng yeast infection:
1. Paggamit Ng Baking Soda Bilang Hygiene Wash
May kakayahan ang baking soda na balansehin ang pH levels ng vagina. Ang acidic nature nito ay tumutulong sa pagpatay ng candida cells na humahantong sa yeast infection.
Para magamit ang baking soda bilang treatment pwede kang magtunaw ng 2 tablespoons ng baking soda sa iyong bathwater at saka gamitin na panghugas sa’yong vaginal area.
2. Paggamit Ng Cold Water Compress
Maaaring mapawi ng cold water compress ang pangangati, pamamaga, at burning sensation na nararamdaman dahil sa yeast infection. Ang tangi mo lamang na gagawin ay kumuha ng ice pack at ibalot ito sa towel para idampi nang dahan-dahan sa’yong vagina.
3. Pagkakaroon Ng wastong Paghuhugas Ng Katawan At Ari
Minsan nagiging dahilan ng impeksyon ang dumi na hindi natatanggal sa ating katawan kaya ipinapayo na dapat magkaroon ng wastong paglilinis ng ating sarili. Huwag mo ring kakalimutan na ang mga feminine hygiene at bath products na artificially scented ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay may impeksyon sa ari. Ang mga chemically based products ay pwedeng mas makasama sa’yong kondisyon.
Key Takeaways
Ang mga home remedy na pwedeng gawin sa yeast infection na nabanggit sa artikulong ito ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo at diagnosis na mula sa doktor. Mas maganda pa rin na magkaroon ng konsultasyon sa doktor para sa treatment ng yeast infection ng ari dahil lubhang napakahalaga na dapat ma-diagnose at makumpirma muna ng doktor ang pagkakaroon ng impeksyon sa ari.
Sa paggamit din ng feminine wash lagi mong tatandaan na hindi lahat ng panghugas sa ari ng babae ay epektibo para sa yeast infection. Sapagkat pwedeng maging magkakaiba ang substances at formulations ng bawat brand ng feminine wash. Kaya naman napakahalaga ng pagkakaroon ng konsultasyon sa doktor para malaman natin ang angkop na produkto na dapat nating gamitin, at huwag mo ring kakalimutan na ang paggamot sa yeast infection ay pwedeng maging nakadepende sa kasalukuyang sitwasyon at kalubhaan nito.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.