Karaniwan sa mga babae, itinuturing nilang “crowning glory” ang kanilang buhok. Kaya naman ang sobrang pagkawala ng buhok ay maaaring maging depressing at nakaka-stress para sa kanila. Sa katunayan, ang female alopecia ang pinaka karaniwang uri ng pagkawala ng buhok sa kababaihan.
Gayunpaman, maraming tao ang nag-iisip na ang pagkawala ng buhok ay nakakaapekto lamang sa mga lalaki. Ngunit ayon sa iba’t ibang pag-aaral maraming kababaihan ang nakakaranas ng kapansin-pansin na pagkawala ng buhok, at ang pinakamahalagang sanhi ng hair loss nila ay ang female-pattern hair loss (FPHL), na nakakaapekto sa humigit-kumulang isang-katlo (one-third) ng kababaihan na katumbas ng halos 30 milyong babae sa Estados Unidos.
Para mas maunawaan mo kung ano ang female alopecia at paano ito pwedeng gamutin, patuloy na basahin ang article na ito.
Sintomas ng female alopecia
Ang female pattern hair loss ay isang terminong ginamit para ilarawan ang pagkawala at pagnipis ng buhok sa mga babae. Kinikilala rin ito bilang androgenetic alopecia, ang pinaka karaniwang dahilan ng pagkawala ng buhok sa kababaihan.
Karaniwan ang hair loss ng babae ay maaaring umunlad sa anumang edad, at madalas nagaganap ito pagkatapos ng menopause. Halos kalahati ng lahat ng mga babae ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagkawala ng buhok sa edad na 50. Narito ang mga sintomas ng female alopecia:
-
Pangkalahatang pagnipis (overall thinning)
Ang unti-unting pagnipis ng buhok sa tuktok ng ulo ay ang pinakakaraniwang uri ng pagkawala ng buhok.
-
Bald Spots
Maaari na makita ito sa anyo ng pabilog o tagpi-tagpi na kahawig ng mga barya sa laki at kadalasang lumilitaw sa anit. Ang iyong balat ay maaaring makaramdam ng pangangati o pananakit dahil dito.
-
Pagkawala ng buhok
Maaari kang makaranas ng biglaang pagkawala ng buhok, lalo na pagkatapos ng emosyonal o pisikal na trauma. Kung saan ang pagkawala ng buhok ay maaaring maganap habang hinuhugasan o sinusuklay ang iyong buhok, na humahantong sa pangkalahatang pagnipis.
Dahilan ng hair loss ng babae
Ayon sa article na mula sa Penn Medicine, kadalasan ang genetics ay gumaganap ng isang bahagi sa development ng female pattern hair loss. Kung saan maaari mong mamana ang genes na ito mula sa isa— o pareho mong mga magulang. Narito pa ang ilang mga posibleng dahilan ng pagkawala ng buhok:
- Family history ng male o female pattern baldness
- Pagtanda
- Pagbabago sa level ng androgens (hormones na pwedeng mag-stimulate ng male features)
- Matinding pagkawala ng dugo habang nasa menstrual periods
- Pag-take ng ilang gamot, gaya ng estrogenic oral contraceptive
Paano maaaring gamutin ito?
Ngayon na alam mo na kung ano ang female alopecia— sintomas at mga dahilan nito, narito naman ang mga paraan kung paano ito pwedeng gamutin:
1. Pag-inom ng gamot
Para masigurado ang iyong kaligtasan, mas mainam magpakonsulta muna sa doktor sa gamot na pwede mong i-take na angkop sa iyong health condition. Sa ngayon ang gamot na aprubado ng United States Food and Drug Administration (FDA) para gamutin ang female pattern baldness ay minoxidil. Maari din na hindi lamanag ang mga oral na gamot ang i-prescribe sa inyo, kundi mga spray sa buhok na nakakapag stimulate ang pagtubo ng buhok.
2. Hair transplant
Kapag hindi gumana ang gamot, maaaring i-recommend ng iyong doktor ang hair transplant, lalo na kung wala kang makabuluhang cosmetic improvement.
3. Pagsasaayos ng buhok
Ang hair weaving, hairpieces, o pagpapalit ng hairstyle ay maaaring makatulong sa iyo na itago o mapaunlad ang iyong itsura. Sa katunayan, ito ang pinakaligtas at murang paraan upang masolusyunan ang pagkawala ng buhok.