backup og meta

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot

Ang pagkakaroon ng mga bukol sa leeg at dibdib ay normal na nakakabahala para sa marami. Ngunit alam mo ba na hindi lamang sa leeg at dibdib pwedeng tumubo ang bukol? Sa katunayan, maaari rin itong tumubo sa labas o loob ng ari ng babae. Pero ang bukol sa ari ng babae ang isa sa mga paksa na hindi ganoong napag-uusapan, dahil maraming babae ang nahihiya sa pagkakaroon nila ng bukol sa ari. 

Ayon sa mga eksperto, mahalagang malaman natin ang iba’t ibang bukol sa ari ng babae na maaaring tumubo. Malaking bagay ito upang mas mapangalagaan ang sarili at makakuha ng angkop na paggamot, lalo na kung may dalang panganib sa kalusugan at buhay ang bukol. Maganda rin kung magpapakonsulta ka sa isang doktor kapag nakakabahala at abala na sa’yong pamumuhay ang bukol sa ari. Isang mahusay na hakbang ito para maagapan o maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon na pwedeng idulot ng bukol.

Ang pagtubo ng bukol sa ari ng babae ay may iba’t ibang uri na maaaring maging sanhi ng ating pagkabalisa — at magdulot sa atin ng kirot at sakit. Kaya mahalaga na malaman natin ang mga sintomas, at paggamot nito.

Para malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa bukol sa ari ng babae, patuloy na basahin ang article na ito.

Iba’t Ibang Uri Ng Bukol Sa Ari Ng Babae

Narito ang iba’t ibang bukol na maaaring tumubo sa loob o labas ng ari ng babae na dulot ng iba’t ibang kondisyon:

  1. Vaginal cysts

Isa ito sa uri ng bukol na pwedeng tumubo sa isang babae. Madalas nagtataglay ng nana, hangin, o scar tissue ang mga bukol, at ayon sa iba’t ibang artikulo at pag-aaral may 3 uri ng cyst — at narito ang mga sumusunod:

  • Vaginal inclusion cysts — ito ang mga bukol na resulta madalas ng mga trauma ng vaginal walls ng mga babae. Isa sa mga halimbawa ng mga aktibidad na pwedeng magdulot ng trauma sa vaginal walls ay ang panganganak. 
  • Endometriosis cysts — ito ang mga namumuong maliliit na cysts na may laman na endometrial fluid.
  • Gartner’s duct cysts — ito naman ang mga bukol na madalas na nabubuo habang buntis ang isang babae. Kadalasan incidental finding lamang ito. 
  • Bartholin’s cysts — ito ang mga bukol na makikita sa isa o parehong parte ng bukana ng ari ng babae. Maaari rin itong mamaga, maging masakit, at infected.

Sintomas ng vaginal cysts

Sa kabuuan ng vaginal cysts, madalas na maliiit ang mga ito at hindi ka makakaramdam ng anumang sintomas, pero sa ibang mga kaso pwede itong magdulot ng kirot at sakit. Ang ilang kababaihan rin na may vaginal cyst ay maaaring magkaroon ng discomfort habang nakikipag-sex o magkaroon ng problema sa pagpasok ng tampon, bilang sintomas ng kanilang bukol sa ari.

Paggamot ng vaginal cysts

Ayon sa Penn Medicine ang mga routine exam ay kinakailangan para suriin ang laki ng cyst at hanapin ang anumang mga pagbabago. Makakatulong ito para malaman ang paggamot na kailangan. Kung saan ang biopsies at minor surgeries ay kinakailangan kung minsan para alisin ang mga cyst o i-drain ito. 

Maaari rin magreseta ang doktor ng mga antibiotic para gamutin ang bukol sa ari ng babae.

  1. Kanser

Bagama’t hindi pangkaraniwan ang kanser sa vagina, pwede pa rin na magkaroon ng ganitong kondisyon ang isang babae. Ang medical condition na ito ay nagdudulot ng bukol na sanhi ng sobrang pag-develop ng mga cancerous cell sa lining ng glandular cells/skin cells sa vagina.

Sintomas ng kanser sa vagina

Narito ang mga sintomas na dapat mong malaman:

  • hindi pangkaraniwan na discharge at pagdurugo
  • pangangati sa bahagi ng ari ng babae
  • masakit o mahapdi na pag-ihi
  • pamamaga ng ari
  • discomfort habang nakikipag-sex

Paggamot sa kanser sa vagina

Maaaring magbigay ng treatment ang iyong doktor depende sa kalubhaan ng kasalukuyang kondisyon. Narito ang mga sumusunod na paggamot na pwedeng irekomenda ng doktor:

  • radiation therapy
  • surgery
  • chemotherapy
  • topical therapies
  1. Ingrown hair

Ang ingrown hair ay isa sa mga dahilan ng mga maliliit na bukol na makikita sa labas ng ari ng babae. Pwede kang magkaroon ng uri ng bukol na ito dahil sa pag-wax o pag-aahit ng pubic hair. 

Sintomas

Ilan sa mga sintomas na maaari mong maramdaman kapag may bukol ka sa ari na dulot ng ingrown hair ay ang mga sumusunod:

  • maliliit na bukol sa labas ng ari na makati o masakit
  • pagkakaroon ng nana sa loob ng bukol
  • pamumula ng paligid ng bukol

Paggamot

Isa sa mga paggamot na pwede mong gawin ay ang pag-iwas na hindi kamutin ang ari sa kabila ng pangangati nito dahil sa bukol. Ang pagsasagawa rin ng proper hygiene ay makakatulong upang maiwasan ang impeksyon. Gayunpaman ang mga bukol na bunga ng ingrown hair ay kadalasang kusang gumagaling. Pero dapat kang magpakonsulta sa doktor sa oras na nakakasagabal na sa iyong pamumuhay ang mga bukol.

  1. Genital herpes at vaginal warts

Ang mga bukol o warts na dulot ng kondisyon na ito ay maaari makita sa loob ng ari o sa bukana nito. Pwede mong maramdaman ang pagtubo ng bukol/warts — at madalas nakukuha ang kondisyon na ito sa isang sexually transmitted infection na sanhi ng Human Papillomavirus (HPV).

Sintomas

Narito ang mga palatandaan na dapat mong malaman kaugnay sa kondisyon na ito:

  • pangangati sa ari
  • pagiging iritated ng ari
  • discomfort
  • mild bleeding

Paggamot

Mayroong iba’t ibang paraan upang alisin warts at bukol na sanhi ng kondisyong ito, at para malaman ang angkop na paggamot sa iyo — maaaring kailanganin mong magpakonsulta sa doktor. Sa panahon rin ng paggamot, dapat kang umiwas sa pakikipag-sex.

Narito ang ilang mga treatment na pwedeng irekomenda ng doktor:

  • electrocautery
  • freezing
  • laser treatment
  • loop electrosurgical; excision procedure
  • topical (skin) medicine
  • surgery
  1. Fordyce spots

Ang fordyce spots ay tinatawag din na sebaceous glands na maliliit na kulay puti o manilaw-nilaw na bukol na makikita sa loob ng vulva ng isang babae. Ang mga patse rin nito ay matatagpuan sa pisngi at labi ng ari ng babae. Kung saan kadalasan na tumutubo ito sa panahon ng puberty. Bukod pa rito, ang fordyce spot ay hindi STDs o STIs, at hindi rin ito nakakahawa. 

Sintomas ng fordyce spots

Ayon sa Cleveland Clinic maaaring makita ang sintomas ng fordyce spots sa anyo ng mukhang puti, dilaw, maputlang pula o kulay ng balat na mga bukol. Maaaring lumitaw ang mga ito bilang singular spot o maliliit na grupo ng spots, ngunit maaari rin silang lumitaw sa anyo ng mga kumpol na maliliit na bukol (50 spots o higit pa). Mas madali mong makita ang mga ito kung iuunat mo ang nakapalibot na balat dito.

Dagdag pa ng Cleveland Clinic, maliit ang mga ito — at karaniwang 1 hanggang 3 millimeters (mm) ang diameter, na halos kasing laki ng dulo ng matalim na lapis (1 mm) o sesame seed (3 mm).

Bagamat ang Fordyce spot ay hindi nagdudulot ng anumang sakit, ngunit ayon sa Cleveland Clinic may ilang ulat na ang fordyce spot sa ari ay nagiging makati o namamaga habang nakikipag-sex.

Paggamot sa fordyce spots

Ayon muli sa Cleveland Clinic maaaring talakayin ng iyong doktor ang mga sumusunod na opsyon sa paggamot sa fordyce spot:

  • cryotherapy
  • electrodessication
  • Laser skin resurfacing
  • micro-punch surgery
  • topical treatments

Ang mga paggamot na ito ay maaaring irekomenda at ibigay sa iyo ng doktor batay sa kalubhuan at kasalukuyang health condition.

  1. Vaginal skin tags

Maaaring makita sa anyo ng malilit na bukol ang vaginal skin tags. Kung saan non cancerous ang mga ito at pwede mong matagpuan sa ari (vulva) ang mga ito. May posibilidad din na  malito ang mga tao sa pagtukoy ng genital warts at vaginal skin tags, dahil pareho silang makikita o lumilitaw sa ari. 

Gayunpaman, hindi tulad ng warts, ang vaginal skin tags ay hindi nakakahawa at hindi ito sintomas ng STI.

Sintomas ng vaginal skin tags

Ang vaginal skin tag ay hindi karaniwang nagdudulot ng mga sintomas, kaya ang kanilang lokasyon at hitsura ay ang pinakamahusay na paraan upang makilala ang mga ito. Gayunpaman, narito ang ilang mga sintomas na pwede nating makita kung mayroon tayong vaginal skin tags:

  • malambot at makinis ang mga maliliit na bukol
  • maluwag at moveable ang skin tags
  • skin-colored, o bahagyang mas maliwanag o mas maitim kaysa sa mga nakapaligid na balat

Paggamot sa vaginal skin tags

Dahil hindi nakakapinsala ang vaginal skin tags, kadalasang hindi ito nangangailangan ng paggamot, ayon sa Cleveland Clinic. Gayunpaman kung ang iyong skin tags ay nakakaabala na sa iyong pamumuhay, maaaring kumonsulta sa doktor para sa medikal na payo, diagnosis, at paggamot.

Narito ang mga paggamot na maaaring gawin sa vaginal skin tags:

  • cauterization
  • surgery
  • ligation
  • cryotherapy

Tandaan mo rin na ang pagkakaroon ng paggamot mula sa isang doktor ay mahalaga. Dahil ang paggamit ng mga over-the-counter na paggamot ay maaaring humantong sa impeksyon at pagdurugo. Maaaring mapinsala ng mga DIY treatment ang maselang balat sa iyong ari.

  1. Lichen sclerosus

Isa ito sa mga kondisyon na pwedeng maging sanhi ng bukol sa ari ng babae. Hindi pangkaraniwan ang kondisyon na ito pero ang mga babaeng nagme-menopause ang madalas na nakakaranas nito. Maaari itong makita sa bahagi ng vulva, maging sa palibot ng puwet.

Sintomas ng lichen sclerosus

Maaari kang makaranas ng mga sumusunod kung mayroon kang lichen sclerosus:

  • pangangati sa ari
  • masakit at mahapdi na pag-ihi
  • masakit at mahapdi na pakikipag-sex
  • pagkakaroon ng paltos sa ari na may kasamang pagdurugo
  • pagtubo ng puting mga patse sa balat na nagiging peklat at kulubot na balat

Paggamot sa lichen sclerosus

Ayon sa NHS ang lichen sclerosus ay isang kondisyon ng balat na nagdudulot ng makati at white patches sa ari o iba pang bahagi ng katawan. Walang lunas sa kondisyon na ito, ngunit makakatulong ang paggamot para mapawi ang mga sintomas. 

Sa pagpapakonsulta sa doktor maaari silang magreseta ng steroid cream upang mapawi ang mga sintomas. Maaaring kailanganin na regular na gamitin ang cream sa loob ng ilang buwan upang makontrol ang iyong mga sintomas na nararamdaman. Ngunit, kung patuloy na bumabalik ang iyong mga sintomas, maaaring kailanganin mong regular na ito gamitin.

Key Takeaways

Magandang ideya na bumisita sa doktor lalo na kung may napansin kang anumang pagbabago sa iyong katawan, kabilang ang pagkakaroon ng mga bukol sa ari na hindi nawawala pagkatapos ng ilang linggo. Makipag-ugnayan din sa isang doktor kung mayroon kang pananakit o mga palatandaan ng impeksyon, tulad ng discharge mula sa bukol na naglalaman ng nana o dugo, at mga sintomas ng sexually transmitted infection (STI), gaya ng pangangati, masakit na pag-ihi, at mga pantal.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lichen sclerosus, https://www.nhs.uk/conditions/lichen-sclerosus/ Accessed May 11, 2023

What is vaginal cancer? https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/about/what-is-vaginal-cancer.html, Accessed May 11, 2023

Treating vaginal cancer, https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/treating.html, Accessed May 11, 2023

Signs and Symptoms of vaginal cancer, https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/detection-diagnosis-staging/signs-symptoms.html, Accessed May 11, 2023

Vaginal cysts: a common pathologic entity revisited, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18390079/, Accessed May 11, 2023

Genital warts, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/genital-warts, Accessed May 11, 2023

What is genetal herpes? https://www.cdc.gov/std/herpes/stdfact-herpes-detailed.htm, Accessed May 11, 2023

Fordyce spots, https://www.aocd.org/page/FordyceSpots Accessed May 11, 2023

Vulvar varicosities: diagnosis, treatment, and prevention, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5500487/ Accessed May 11, 2023

Genital herpes — CDC detailed fact sheet, https://www.cdc.gov/std/herpes/stdfact-herpes-detailed.htm Accessed May 11, 2023

Inside my vagina, should it feel smooth or bumpy? https://goaskalice.columbia.edu/answered-questions/inside-my-vagina-should-it-feel-smooth-or-bumpy/ Accessed May 11, 2023

Lichen sclerosus, https://www.nhs.uk/conditions/lichen-sclerosus/ Accessed May 11, 2023

Risk factors for vulvar cancer, https://www.cancer.org/cancer/types/vulvar-cancer/causes-risks-prevention/risk-factors.html Accessed May 11, 2023

Vaginal cancer, https://www.cancer.org/cancer/types/vaginal-cancer.html Accessed May 11, 2023

What’s that bump? https://www.plannedparenthood.org/blog/whats-that-bump Accessed May 11, 2023

Vaginal cyst, https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/patient-information/conditions-treated-a-to-z/vaginal-cyst#:~:text=Some%20women%20with%20vaginal%20cysts,difficulty%20with%20urination%20or%20defecation. Accessed May 11, 2023

Genital Warts Vs. Herpes: Difference, Causes & Treatments, https://khealth.com/learn/herpes/vs-genital-warts/ Accessed May 11, 2023

Fordyce Spots, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/24140-fordyce-spots#:~:text=Fordyce%20spots%20(Fordyce%20granules)%20are,are%20benign%20(not%20cancerous). Accessed May 11, 2023

Vaginal skin tags, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/24330-vaginal-skin-tag Accessed May 11, 2023

Kasalukuyang Version

06/09/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Bea Alonzo, Ibinahagi ang Pagkakaroon ng Hypothyroidism at PCOS

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement