backup og meta

Bukol Sa Ari Ng Babae, Anu-Ano Ang Posibleng Maging Sanhi?

Bukol Sa Ari Ng Babae, Anu-Ano Ang Posibleng Maging Sanhi?

Naniniwala ka ba na ang simpleng tigyawat na tumubo sa ari ng isang babae ay maaaring maging bukol sa ari? Marahil naniniwala ang ilan sa mga kababaihan, habang ang iba naman ay mayroong agam-agam kung pwede nga bang pagmulan ng bukol sa ari ng babae ang isang tigyawat. Ang mga ganitong katanungan tungkol sa pagkakaroon ng bukol sa ari ay dapat na mabigyan ng wastong kasagutan para maging mulat ang mga kababaihan pagdating sa mga bukol na pwedeng tumubo sa ating ari. Kaya naman mas maganda kung magkakaroon ng konsultasyon sa isang doktor o eksperto upang maiwasan din ang mga pag-alala at anumang medikal na komplikasyon.

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga dahilan ng bukol sa ari ng babae.

Ano Ang Dahilan Ng Bukol Sa Ari Ng Babae?

Narito ang mga sumusunod na sanhi sa pagkakaroon ng bukol sa ari ng isang babae na dapat mong malaman:

Ingrown Hair

Ang pag-aahit at pag-wax ng pubic hair sa ari ay pwedeng magresulta ng pagtubo ng maliliit na bukol sa ating ari. Maaaring maging masakit, makati, at magkaroon ng nana sa loob ang mga maliliit na bukol sa ari. Mayroon ding mga pagkakataon na nagiging mamula-mula ang paligid ng bukol at sa mga ganitong senaryo ipinapayo na huwag itong gagalawin para maiwasan ang impeksyon dahil kadalasan gumagaling naman ito ng kusa.

Cancer

Ang cancer sa ari o vagina ay hindi pangkaraniwan, kung saan pwedeng mabuo ang bukol dahil sa sobrang pag-develop ng mga cancerous cell sa lining ng ating skin cells/glandular cells sa’ting ari.

Sinasabi na maaaring makaranas ng hindi pangkaraniwang pagdurugo o discharge, pangangati sa ari, masakit at mahapdi na pag-ihi at pamamaga ng ari ang isang babae na may kanser sa ari.

Vaginal Warts At Gential Herpes

Ang pagkakaroon ng vaginal warts at genital herpes ay sanhi na dulot ng Human Papillomavirus (HPV) kung saan isa itong sexually transmitted infection, at ayon sa mga doktor ang pagtubo ng warts sa loob ng ari ay hindi mo nararamdaman ngunit mapapansin ang warts sa bukana ng ari.

Fordyce Spots

Tinatawag ding sebaceous glands na mayroong maliliit na kulay puti o manila-nilaw na bukol sa loob ng ating vulva ang fordyce spots. Kung saan ang mga patse na ito ay matatagpuan sa pisngi at labi ng ating ari, at kadalasan na tumutubo sa panahon ng ating puberty. Pero huwag mag-alala dahil habang tumatanda tayo maaari na mawala ito at hindi ito ganoong nakakabahala at masakit.

Vaginal Skin Tags

Ang vaginal skin tags ay maaari rin na tawagin bilang “vaginal polyps” na tumutubo sa balat at hindi naman nangangailangan ng treatment ito. Subalit, kapag nagdudulot ng pananakit na may kasamang pagdurugo kinakailangan mo na agad magpakonsulta sa doktor para sa medikal na atensyon at diagnosis.

Lichen Sclerosus

Masasabi na hindi pangkaraniwan ang kondisyon ng lichen sclerosus pero naaapektuhan nito ang mga kababaihan na nakakaranas ng menopause. Maaaring maranasan mo ang pangangati, mahapdi at masakit na pag-ihi at pakikipag-sex, pagkakaroon ng mga paltos na may kasamang pagdurugo at pwede ka ring magkaroon ng mga puting mga patse sa balat.

[embed-health-tool-ovulation]

Vaginal Cysts

Mayroong vaginal cysts na nagtataglay ng nana, habang ang iba naman ay mayroong hangin o  scar tissue. Kadalasan na maliliit at walang anumang sintomas ang mga cysts, pero mayroong mga pagkakataon na pwedeng maging malaki ito, at magdulot ng pagkirot at pananakit.

Narito ang ilang uri ng cysts:

  • Bartholin’s cysts — Ito ang mga bukol na nasa isa o parehong bahagi ng bukana ng ating vagina.
  • Vaginal inclusion cysts — Ang mga bukol ay kadalasang resulta ng trauma ng ating vaginal walls tulad ng panganganak ng isang babae.
  • Endometriosis cysts — Ito naman ang mga bukol na tissue at namumuong maliliit na cysts sa ating vagina.
  • Gartner’s duct cysts — Ang mga bukol ay kadalasang nabubuo habang ikaw ay buntis.

Key Takeaways

Maraming dahilan ng pagkakaroon ng bukol sa ari ng babae kaya maganda kung magkakaroon ng regular na konsultasyon sa doktor upang malaman ang kalagayan ng overall health ng ating vagina. Ang ganitong klaseng hakbang ay makakatulong para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon, at magkaroon ng wastong treatment kung makikita na tayo ay may mga sakit at kondisyon na dapat gamutin.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is vaginal cancer? https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/about/what-is-vaginal-cancer.html, Accessed July 15, 2022

Treating vaginal cancer, https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/treating.html, Accessed July 15, 2022

Signs and Symptoms of vaginal cancer, https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/detection-diagnosis-staging/signs-symptoms.html, Accessed July 15, 2022

Vaginal cysts: a common pathologic entity revisited, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18390079/, Accessed July 15, 2022

Genital warts, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/genital-warts, Accessed July 15, 2022

What is genetal herpes? https://www.cdc.gov/std/herpes/stdfact-herpes-detailed.htm, Accessed July 15, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Vaginal Infection, Anu-Ano Nga Ba?

Ano ang Vaginal Self-exam, at Paano ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement