Ang maramdamang mahal sila ang kagustuhan ng lahat ng tao. May mga taong maaaring matagpuan ang kanilang pag-ibig sa hindi inaasahang oras at lugar, sa trabaho man ito habang nagbabahagian ng ideya, o sa mga kaibigan habang nag-uusap tungkol sa pareho nilang katangian. May ibang natatagpuan agad ang pag-ibig. Habang tinatahak naman ng iba ang mas maingat na daan. Ngunit sa ating pagtanda, hinahanap ng lahat ang isang uri ng pag-ibig na mananatili sa mahabang panahon. Higit pa sa simpleng pagpapakita ng pagmamahal para sa isang tao ang pakikipagrelasyon. Isinulat namin dito ang ilang tips at tricks sa pagtanda nang magkasama.
Pag-unawa sa Kung Ano ang Maayos na Pagsasama
Karamihan sa alam ng mga tao tungkol sa healthy at masayang pagsasama ay nagmula sa mga ideyang hango sa mga romantic novel o movie. Habang maaaring tama ito para sa iba, hindi pare-pareho ang lahat ng pagsasama. Magkakaiba ang bawat isa. Maaaring umiral ang realidad nang magkakaiba depende sa kung papaano mo ito nakikitang mangyayari sa iyong isip. O kung papaano mo ito nakita sa iyong hinahangaang couple. Ngunit isa lamang ang nananatiling totoo – gusto ng lahat na magkaroon ng isang uri ng pagsasama na sinasabi ng mga taong “maayos.” Bagay na hindi direktang nasasabi sa mga libro o mga pelikula.
Higit pa sa pagsasabi ng ‘I love you’ o ‘mahal kita’ araw-araw, binubuo ng maraming bagay ang maayos na pagsasama. Ito ang dapat nila parehong maisaalang-alang.
Bumubuo ito ng makahulugang emosyonal na koneksyon sa pagitan ng dalawang tao sa paraang hindi sila natatakot na pag-usapan ang pagkakaiba nila upang maunawaan ang pananaw ng bawat isa.
Dahil dito, hinayaan nila ang personal growth nang hindi nililimitahan ang isa’t isa sa mga simpleng pagbabawal.
Anong Itsura ng Pagtanda nang Magkasama
Maraming paraan kung saan pwedeng maipakita ng couple ang mga kaya nilang gawin upang tumanda nang magkasama. Maaaring madali para sa iyo at sa iyong partner ang ilan sa mga ito.
Magsimula sa pagbuo ng open communication
Lubos na nakasalalay sa pag-uusap ang maayos na pagsasama. Ang mga healthy couple na madalas nag-uusap ay nakapaglalahad ng kanilang sarili sa tapat na paraan.
Isa pa, walang taong perpekto. Kaya ang mapakinggan siya at ang kakayahang magpatawad nang totoo kapag may hindi pagkakaunawaan ay makatutulong sa iyo upang maiwasan ang mas malalang away at samaan ng loob.
Para sa mga mag-asawa na may anak, mahalagang pag-usapan ito higit pa sa usaping tungkol sa magulang at pagpapanatiling maayos ng bahay. Bago matulog, magkuwento ng isa o dalawang bagay na naging dahilan upang sumaya sa araw na iyon. Maaari ding maglaan ng oras upang pag-usapan ang mga personal at seryosong paksa.
Sanaying gawin ang art of listening
Kasabay ng open communication at expression, nangangailangan rin ng ilang uri ng active listening mula sa magkabilang panig ang pagtanda nang magkasama.
Kapag nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nararamdaman ang iyong partner, huwag kang makinig lamang at hintayin ang pagkakataon mong sumagot. Makinig ka habang nagpapahayag sila ng kanilang nasa isip upang maipakita na nirerespeto at pinahahalagahan mo ang kanilang sinasabi.
Nangangailangan ng bukas na puso at bukas na kaisipan ang pakikinig.
Ipakitang pinahahalagahan mo ang iyong partner
Ayon kay John Gottman, isang relationship expert, may ratio na 5 na mga positibong damdamin at interaksyon sa 1 negatibong karanasan ang mga mag-asawang masaya.
Kaya sinasabing dapat ipinapahayag ang init at pagmamahal sa pagitan ng dalawang tao hangga’t kaya nila.
Maaaring ang ibig sabihin nito ay simpleng pagpuri sa iyong partner ukol sa kanyang kasipagan, o sorpresang tapusin ang mga gawaing bahay. At habang ginagawa ito, maaari mo silang bigyan ng massage pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw.
Ang pinakakaraniwang emosyonal na pangangailangan ng tao ay ang ma-acknowledge siya. At magiging dahilan ito upang mas maramdaman niyang may nagagawa siya sa inyong pagsasama. Kaya huwag kalimutang magpasalamat sa iyong partner na siyang tumitiyak na may iinumin kang kape sa pagsisimula ng iyong umaga.
Pagandahin pa at gawing kawili-wili ang mga bagay
Maaaring tumabang ang ilang mga bagay at ang mga nakagawian sa pagsasama sa katagalan ng panahon. Ngunit, ipinapayo ng mga eksperto na pagandahin pa ang pagsasama sa pamamagitan ng magkasabay na pagsasagawa ng mga bagong bagay.
Mag-travel man ito, pag-eeksperimento sa kama, pagkuha ng mga klase nang magkasama, o simpleng panonood ng pelikula at paggawa ng workout programs.
Kapag masaya at kawili-wili ang mga bagay, nakatutulong ito na mas mapanatili ang pagsasama.
Lagi bang nakakakilig ito?
Sa kasamaang palad, hindi laging nakapagbibigay kilig ang happy ever after. Sa madaling salita, laging may highs at lows ang bawat pagsasama. Ngunit kung gaano mo kalalim napatatag ang samahan at gawin ang mga estratehiyang makapag-aayos ng isang bagay ang makatutulong sa iyo upang makuha ang isang masaya at maayos na pagsasama sa huli.
Key Takeaways
Ang pag-ibig ang nakakapagpanatili sa tao upang mabuhay, lalo na kung alam nilang may makakasama sila sa buhay.
Ang pagtanda nang magkasama ay nangangahulugang pagbuo ng isang pundasyong may tiwala, bukas na pag-uusap, boundaries, at pagpapahalaga na tumatagal habambuhay.
Matuto pa tungkol sa healthy relationships dito.