Ang eye drops ay ginagamit para sa ilang mga kondisyon sa mga mata. Mayroon din nakalaan na ear drops o gamot na pampatak sa tenga. Ngunit, para saan ang mga ear drops? Bukod pa rito, paano ito ginagamit? Ligtas bang gamitin ito sa mga bata? Alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito.
Pag-Unawa Sa Mga Posibleng Kondisyon Sa Tenga
Bagaman hindi kadalasang napag-uusapan, hindi naman nakaliligtas ang ating mga tenga sa mga posibleng impeksyon.
Ang impeksyon sa tenga ay tumutukoy sa impeksyon na maaaring sanhi ng mga bacteria at viruses. Mayroon iba’t ibang uri ng impeksyon. Ang middle ear infection ay natatagpuan sa gitnang bahagi, kung saan ang puwang na puno ng hangin sa likod ng eardrum na naglalaman ng maliliit na vibrating bones ng tenga. Kadalasan, nagsisimula ito matapos ang pagkakaroon ng sipon o iba pang respiratory infection. Kung minsan, ito ay tinatawag din na acute otitis media, na kadalasan nakukuha ng mga bata kaysa sa mga matatanda.
Ilan sa mga sintomas ng impeksyon sa tenga ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ang otitis media with effusion ay isa pang kondisyon na nakaaapekto sa gitnang tenga. Nangyayari ito kapag naipon ang likido sa gitnang tenga. Ngunit, hindi tulad ng nauna, hindi ito nagdudulot ng impeksyon. At dahil walang impeksyon, hindi rin nagkakaroon ng lagnat, pananakit ng tenga, o pus build-up bilang mga sintomas.
Bukod sa dalawang nabanggit, mayroon ding tinatawag na swimmer’s ear o otitis externa. Ang nasabing impeksyon ay nagaganap sa outer ear canal, mula sa eardrum hanggang sa labas ng ulo. Madalas itong dinadala ng tubig na nananatili sa tenga, na lumilikha ng mamasa-masang kapaligiran dahilan para lumaki ang mga bacteria.
Para Saan Ang Gamot Na Pampatak Sa Tenga?
Ilan sa mga impeksyon sa tenga ay kusa namang gumagaling matapos ang ilang araw. Kadalasan, ang kailangan lang nito ay pagalingin ang pananakit at bigyan ng oras upang gumaling ito. Gayunpaman, ilan sa mga paraan ng paggamot ay maaaring ikonsidera at isagawa:
- Maglagay ng warm cloth o warm water bottle sa apektadong tenga.
- Gumamit ng over-the-counter pain relief drops para sa tenga. Maaari ka ring magtanong ng niresetang pampatak sa tenga mula sa iyong doktor upang maibsan ang pananakit.
- Pag-inom ng over-the-counter drugs tulad ng ibuprofen o acetaminophen para sa pananakit o lagnat. Hindi inirerekomendang ibigay aang aspirin sa mga bata na nakararanas ng naturang mga kondisyon sa tenga.
Mainam na gamitin ang mga gamot na pampatak sa tenga para palambutin at tanggalin ang ear wax, maging ang paggamot sa pamamaga, eczema, at mga impeksyon sa tenga. Maaring makatulong ang agarang paggamot upang maiwasan ang mga komplikasyon at iba pang mas malubhang mga impeksyon.
Paano Ginagamit Ang Gamot Na Pampatak Sa Tenga?
Maaari mong gamitin bilang gabay ang mga sumusunod:
- Painitin ang gamot na pampatak sa tenga sa pamamagitan ng paghawak sa lalagyan sa iyong kamay sa loob ng ilang minuto. Ito ay dahil maaari kang mahilo kapag ito ay malamig. Hindi mo rin dapat painitin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mainit na tubig. Huwag painitin ang mga patak ng tainga sa ilalim ng mainit na tubig dahil ito naman ay maaaring makasakit sa iyong tenga.
- Humiga sa iyong tagiliran na nakaharap ang apektadong tenga.
- Dahan-dahang hilahin ang iyong earlobe upang maituwid ang ear canal.
- Maglagay ng tamang bilang ng mga patak sa iyong tenga. Dahan-dahang imasahe ang harap nito.
- Manatiling nakatagilid sa loob ng 5 minuto.
- Kung parehong tenga ay apektado at kailangan gamutin, bumaliktad at ulitin pagkatapos ng 5 minuto.
Key Takeaways
Isa ang paggamit ng pampatak sa tenga sa mga paraan upang magamot ang mga impeksyon sa tenga. Siguraduhing basahin ang label nito bago gamitin. Mainam din kung maikukunsulta mo ang paggamit nito sa doktor upang malaman kung ito nga ba ang angkop na paggamot para sa iyong kondisyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Ear Conditions dito.