Habang nagkakaedad tayo hindi maiiwasan madalas ang paghina ng ating senses — tulad ng ating pandinig. Malaki ang nagiging epekto nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Maaari itong magdulot ng miscommunication at aksidente, lalo na kung walang hearing aid o gabay na tao ang isang indibidwal na mahina ang pandinig.
Dagdag pa rito, ayon na rin kay Dr. Joy Celyn Ignacio isang ear specialist, ang pangunahing dahilan ng paghina ng pandinig ay ang pagtanda. Ito ay madalas na nagsisimula sa edad na 50.
Dr. Ignacio
Bukod pa sa mga bagay na nabanggit ni Dr. Ignacio sa paghina ng pandinig ng tao, marami pang mga factors at sanhi kung bakit humihina ang pandinig habang tumatanda, ayon na rin sa iba’t ibang datos at pag-aaral.
Kaya naman patuloy na basahin ang artikulong ito para malaman ang mahahalagang impormasyon sa paghina ng pandinig habang tayo ay nagkakaedad.
Ano Ang Dahilan Ng Paghina Ng Pandinig?
Batay muli sa pahayag ni Dr. Ignacio ang mga gamot gaya ng antibiotic ay maaaring maging dahilan ng paghina ng ating pandinig. Maging ang mga gamot sa tuberculosis at kanser ay pwede rin maging factor na sanhi bakit kailangan na isailalim muna sa hearing test ang ilang mga pasyente bago painumin ng gamot.
Ang pagkakaroon ng sakit kung minsan ay dahilan din kung bakit humihina ang pandinig habang tumatanda, ayon kay Ignacio. Isa na rito ang pagkakaroon ng malubhang sipon na dulot ng viral infection.
“Usually connected siya… Nagkakaroon ng pressure changes sa tainga at inflammation na nagko-cause ng ear infection dahil pareho lang naman ang lining ng ear sa nose,” paglalahad ni Dr. Ignacio.
Kaya naman ipinapayo niya na sa oras na nagkasipon ka at sumakit ang iyong tạinga — magpakonsulta ka na agad sa doktor. Dahil maaaring indikasyon ito ng impeksyon na nangangailangan ng medikal na atensyon. Maaari rin kasi na maging sanhi ito ng paghina ng pandinig o pagkabingi kapag napabayaan o hindi naagapan.
Iba Pang Sanhi Kung Bakit Humihina Ang Pandinig Habang Tumatanda
Maingay na paligid at tunog (loud noise)
Isa ito sa pinakamadalas na dahilan ng pagkawala ng pandinig. Ang paulit-ulit na ingay mula sa malalakas na musika, snow blowers, lawn mowers, at iba pa ay pwedeng mag resulta ng permanenteng pagkabingi.
Gayunpaman maaari mo pa rin maiwasan ang hearing loss sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga lugar na maingay — at pag-adjust sa volume ng mga bagay na may tunog. Pwede ka ring gumamit ng earplugs o ear protection para maprotektahan ang iyong pandinig.
Heredity
Malaking factor ang heredity sa hearing loss natin, pero hindi lahat ng minanang anyo ng pagkawala ng pandinig ay nagaganap sa pagsilang. Dahil maaaring lumitaw ito sa ibang pagkakataon sa yugto ng iyong buhay — gaya ng adulting stage.
Batay na rin sa mga datos, isa ang otosclerosis sa mga heredity disease na sanhi ng abnormal na paglaki ng buto na pumipigil sa mga istruktura sa loob ng tainga na gumana nang maayos. Ito ang dahilan kung bakit humihina ang pandinig habang tumatanda dahil sa paglaki ng kanilang butong ito, habang nagkakaedad ang isang tao.
Pagkakaroon ng health condition
Ang mga health condition na karaniwan sa mga matatandang tao, gaya ng diabetes o mataas na presyon ng dugo ay pwedeng mag-ambag sa pagkawala ng pandinig. Ayon sa mga pag-aaral ang mga virus at bakterya tulad ng mga sumusunod ay maaaring makaapekto sa iyong pandinig:
- ear infection otitis media
- kondisyon sa puso
- stroke
- pinsala sa utak
- tumor
Earwax o pagkakaroon ng fluid buildup
Ang earwax o fluid buildup ay maaaring maging dahilan upang ma-block ang mga tunog na dumadaan mula sa eardrum patungo sa inner ear. Kapag nagpakonsulta ka sa doktor, maaari siyang magmungkahi ng mga mild na paggamot para ma-soften ang earwax na mayroon ka.
Maling paggamit ng panlinis o pagpasok ng mga bagay sa loob ng tainga
Ang pagkasira ng eardrum ay maaaring maging sanhi ng hearing loss. Pwede ito mawasak sa pamamagitan ng infection, pressure, at pagpasok ng mga bagay sa loob ng tainga at mabutas ito.
Kaugnayan Ng Pagtanda Sa Pagkawala Ng Pandinig
Tinatawag din na presbycusis ang pagkawala ng pandinig na nauugnay sa edad. Ito ay unti-unting nagaganap habang tumatanda ang isang tao. Maaaring nasa lahi ng isang pamilya ang presbycusis, o pwedeng mangyari dahil sa mga pagbabago sa inner ear at auditory nerve.
Ayon sa mga artikulo at datos, ang presbycusis ay maaaring maging mahirap para sa isang tao na tiisin ang malalakas na tunog at marinig ang sinasabi ng iba. Pwede ring maganap ang pagkawala ng pandinig na nauugnay sa edad sa parehong mga tainga.
Tandaan mo rin na ang presbycusis ay unti-unting nangyayari at maaaring hindi nila mamalayan na nawawalan na sila ng pandinig.
Kailan Dapat Magpakonsulta Sa Doktor
Ayon sa Mayo Clinic kapag biglaan kang nawalan ng pandinig, partikular sa isang tainga magpakonsulta ka na agad sa doktor. Makipag-usap ka rin sa mga eksperto kapag nakakasagabal na iyong pamumuhay ang unti-unting paghina ng iyong pandinig