Ang Mucotyl ay isang brand ng generic na gamot na N-acetylcysteine. Ang acetylcysteine ay epektibo sa pamamagitan ng pagpapaluwag sa makapal na mucus sa itaas na bahagi ng respiratory tract. Ito rin ang pangkontrang gamot para sa mga nasobrahan sa pag-inom at nalason sa paracetamol.
Para saan ang Mucotyl? Paggamit nito
Para saan ang Mucotyl?
- Mucolytic
- Pangkontrang gamot para sa tiyak na gamot na nasobrahan sa pag-inom (halimbawa: paracetmol)
- Antioxidant
Paano inumin ang Mucotyl?
Basahin ang mga panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Tunawin ang powder sa isag bago ng tubig at ubusin ito sa loob ng 1 oras. Huwag direktang lunukin ang powder.
Paano itago ang Mucotyl?
Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Para saan ang Mucotyl? Mga pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago uminom ng Mucotyl?
Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
- Allergy sa anomang sangkap nito
- Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon
Ligtas ba itong inumin habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pag-inom ng gamot na ito para sa mga buntis at nagpapasuso. Gayunpaman, maaaring ito ay ligtas inumin. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.
Ang gamot na ito ay pregnancy risk category B ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Ang mga kategorya ng FDA pregnancy risk ay ang mga sumusunod:
- A= walang panganib
- B= walang panganib ayon sa ibang pag-aaral
- C= maaaring may ilang panganib
- D= may positibong ebidensya ng panganib
- X= hindi ipinapayong gamitin
- N= hindi alam
Para saan ang Mucotyl? Side effects
Ano-anong side effects ang maaaring maranasan sa pag-inom ng mucotyl?
Katulad ng lahat ng mga gamot, ang Mucotyl ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:
- Autoimmune reaction
- Anaphylactoid reaction
- Problema sa paghinga (dyspnea)
- Bronchospasm
- Ubo
- Hindi pagkatunaw ng kinain
- Pamumula at panginginit ng balat o mukha
- Pagbilis ng tibok ng puso (tachycardia)
- Edema
- Rashes sa balat o pangangati
- Pagduduwal
- Pagsusuka
Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Para saan ang Mucotyl? Mga interaksyon
Anu-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Mucotyl?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.
Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interaksyon:
- Antitussives (pangkontrol sa ubo)
- Antibiotics
- Nitroglycerin
- Activated carbon
- Salicylates
- Ketone bodies
Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalipat ng gamot, o pagtapos sa gamutan.
May interaksyon ba ang pagkain at alak sa Mucotyl?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.
Anu-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa Mucotyl?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon, lalo na ang:
- Active peptic ulcer disease (PUD)
Para saan ang Mucotyl? Dosage
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anumang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.
Ano ang dose para sa isang nakatatanda?
Uminom ng 600 mg kada araw o 200 mg dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
Ano ang dose para sa isang bata?
Uminom ng 100 mg dalawa hanggang apat na beses sa isang araw.
Anong Mucotyl ang maaaring mabili?
Ang Mucotyl ay maaaring mabili sa sumusunod na anyo at lakas ng dosage:
- Powder para sa oral solution 600 mg
Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?
Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?
Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.