backup og meta

Para Saan Ang Cetirizine? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Cetirizine? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para saan ang cetirizine? Ang Cetirizine ay isang uri ng gamot na kilala bilang antihistamine. Gumagana ang Cetirizine sa pamamagitan ng pagdikit ng mga histamine H1-receptor sa iba’t ibang cell ng katawan lalo na sa central nervous system, baga, at white blood cells. Sa pagharang sa histamine, napipigilan ang mga sintomas tulad ng pagbahing, pangangati, pamumula, pamamaga, at sipon.

Isa itong second-generation antihistamine na nagdudulot ng mas kaunting antok sa tuwing iniinom kumpara sa mga first-generation antihistamine (tulad ng diphenhydramine).

Para Saan ang Cetirizine?

Ginagamit ang Cetirizine bilang gamot sa mga sintomas gaya ng:

  •         Seasonal allergic rhinitis
  •         Hay Fever
  •         Vasomotor rhinitis
  •         Allergic conjunctivitis
  •         Pumapawi sa mga sintomas ng allergic reaction

Paano Gumamit ng Cetirizine?

Bilang isang oral medication, buo itong lunukin nang hindi nginunguya o dinudurog, unless, isa itong chewable tablet. Inumin ito nang may kain man o wala.

Iwasang gumamit ng Cetirizine kung kailangan mong maging sobrang alerto, gaya kung magmamaneho o magpapaandar ng makinarya.

Paano Itabi ang Cetirizine?

Ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Huwag ilagay sa palikuran o sa freezer upang maiwasan ang pagkasira ng gamot.

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalaga na parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay tungkol sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung pinayong gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ito kapag nag-expire o hindi na kailangang gamitin pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Cetirizine?

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung:

  • Nagbubuntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang prescription, OTC, at herbal remedy.
  • May allergy sa mga sangkap ng produkto.
  • May iba pang sakit, karamdaman o kondisyong medikal.

Ligtas bang gumamit ng Cetirizine tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso. Pinapakiusap na parating kumonsulta sa doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib bago uminom ng kahit anong gamot.

Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), pregnancy risk category B ang gamot na ito.

Sumusunod ang FDA pregnancy risk category reference:

A = Walang panganib

B = Walang panganib sa ilang mga pag-aaral

C = Maaaring may ilang panganib

D = Tiyak na may datos ng panganib

X = Contraindicated

N = Hindi alam

Alamin ang mga side effect

Ano ang mga side effect ng Cetirizine?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang Allerkid. Kung makaranas ng mga side effect, karaniwan lang itong mild at nawawala agad matapos ang gamutan o kapag mababa na ang dose. Kabilang sa mga naitalang side effect ang mga sumusunod:

  • Irregular heart rate
  • Panghihina, tremors (hindi makontrol na panginginig)
  • Disturbed sleep o insomnia
  • Pagkaantok
  • Pagkalito
  • Blurred na paningin
  • Kaunti ang iniiihi
  • Pagduduwal
  • Constipation, pagtatae
  • Panunuyo ng bibig
  • Sakit ng ulo

Subalit, hindi nakararanas ng mga side effect ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, maaari ding makaranas ng ibang side effect ang ibang mga tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Ano-anong gamot ang maaaring mag-interact sa Cetirizine?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interaction sa Cetirizine:

  • Iba pang antihistamines
  • Sedative-hypnotics (e.g. benzodiazepines)

Kung makaranas ka ng masamang drug interaction, itigil ang pagkonsumo nito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Ipagbigay-alam sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.

May interaction ba ang pagkain at alak sa Cetirizine?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Huwag uminom ng gamot na ito o iba pang antihistamines kasabay ng alak dahil puwede itong magdulot ng sobrang pagkaantok. Ang pagkain kasabay ng Cetirizine ay maaaring magpababa ng bisa at absorption nito. Makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Cetirizine?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon. Lalo na kung may:

  • Renal impairment

Unawain ang Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

 Ano ang dose para sa atatanda?

Uminom ng 10mg isang beses sa isang araw.

Para sa renal impairment, batay sa creatinine clearance (CrCL in mL/min):

  • 50 – 79: parehong dose, walang adjustment
  • 30 – 49: uminom ng 5mg isang beses sa isang araw
  • 30 pababa: Uminom ng 5mg sa bawat kasunod na araw
  • 10 pababa: contraindicated; huwag uminom

Ano ang dose para sa mga bata?

  • Sa mga nasa edad 2 hanggang 6 na taon: magbigay ng 2.5mg dalawang beses kada araw
  • Sa mga nasa 6 hanggang 12 taon: magbigay ng 5mg dalawang beses kada araw.
  • Sa higit 12 taon: magbigay ng parehong dose sa matatanda, 10mg isang beses kada araw.

Paano nakukuha ang Cetirizine?

Available ang Cetirizine sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  • Tableta, oral: 10mg
  • Chewable tablet, oral: 5mg, 10mg
  • Solution, oral: 1mg/ml.

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cetirizine https://www.mims.com/philippines/drug/info/cetirizine?mtype=generic Accessed June 21, 2021

Cetirizine https://www.nhs.uk/medicines/cetirizine/ Accessed June 21, 2021

H1-receptors https://www.jacionline.org/article/S0091-6749(03)01878-5/fulltext Accessed June 21, 2021

Pharmacology of Antihistamines https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3667286/ Accessed June 21, 2021

Cetirizine (Systemic). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 21, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement